Javascript must be enabled to continue!
Ang Oral na Panitikan Bilang Pamanang Bayan: Ang Pagsibol, Paglago, at Pagtayog ng Niyog sa Bugtong, Salawikain at Awiting Bayan Gamit ang Gunitang Pangkasaysayan
View through CrossRef
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa panitikang bayan na tumatalakay sa niyog bilang pagpapasibol, pagpapalago at pagpapatayog ng niyog gamit ang gunitang pangkasaysayan. Tinatalakay rito ang mga naratibo mula sa bugtong, salawikain at awiting bayan na naglalarawan ng kahalagahan ng niyog sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Ang mga kaalamang bayan na nakapaloob sa mga anyo ng panitikan ay nagbibigay-diin sa gunitang pangkasaysayan ng niyog bilang isang mahalagang bahagi ng identidad ng mga Pilipino, pati na rin sa kanilang agrikultural na pamumuhay. Ang gunitang pangkasaysayan ay may malaking gampanin sa paghubog ng pagkatao at pagkamamamayan, isang konsepto na iniuugnay sa pag-unawa sa mga magniniyog at kanilang kontribusyon sa lipunan. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga panitikang bayan, ipinapakita ng pag-aaral na ang niyog ay hindi lamang isang agrikultural na produkto kundi isang mahalagang bahagi ng pambansang kalinangan at kasaysayan. Ang mga natuklasang kaalaman mula sa gunitang pangkasaysayan ay nagsisilbing gabay para sa mga hinaharap na hakbang sa pagpapalago ng industriya ng niyog at sa pagpapahalaga sa mga magniniyog bilang mga bayani ng agrikultura, lalo na ng industriya ng niyog sa ating bansa.
Mga Susing Salita: Panitikang Bayan, Gunitang Pangkasaysayan, Niyog, Agrikultura ng Pilipinas, Lalawigan ng Quezon
Title: Ang Oral na Panitikan Bilang Pamanang Bayan: Ang Pagsibol, Paglago, at Pagtayog ng Niyog sa Bugtong, Salawikain at Awiting Bayan Gamit ang Gunitang Pangkasaysayan
Description:
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa panitikang bayan na tumatalakay sa niyog bilang pagpapasibol, pagpapalago at pagpapatayog ng niyog gamit ang gunitang pangkasaysayan.
Tinatalakay rito ang mga naratibo mula sa bugtong, salawikain at awiting bayan na naglalarawan ng kahalagahan ng niyog sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Ang mga kaalamang bayan na nakapaloob sa mga anyo ng panitikan ay nagbibigay-diin sa gunitang pangkasaysayan ng niyog bilang isang mahalagang bahagi ng identidad ng mga Pilipino, pati na rin sa kanilang agrikultural na pamumuhay.
Ang gunitang pangkasaysayan ay may malaking gampanin sa paghubog ng pagkatao at pagkamamamayan, isang konsepto na iniuugnay sa pag-unawa sa mga magniniyog at kanilang kontribusyon sa lipunan.
Sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga panitikang bayan, ipinapakita ng pag-aaral na ang niyog ay hindi lamang isang agrikultural na produkto kundi isang mahalagang bahagi ng pambansang kalinangan at kasaysayan.
Ang mga natuklasang kaalaman mula sa gunitang pangkasaysayan ay nagsisilbing gabay para sa mga hinaharap na hakbang sa pagpapalago ng industriya ng niyog at sa pagpapahalaga sa mga magniniyog bilang mga bayani ng agrikultura, lalo na ng industriya ng niyog sa ating bansa.
Mga Susing Salita: Panitikang Bayan, Gunitang Pangkasaysayan, Niyog, Agrikultura ng Pilipinas, Lalawigan ng Quezon.
Related Results
Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas
Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas
Hindi lamang makikita ang pagiging tradisyonal na akdang pangkasaysayan sa uri ng datos na ginagamit, kundi maging sa tinutuntungang perspektiba at praxis pangkasaysayan na ginagam...
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang his...
“Tabi-Tabi-Folkloradyo!” Ng DZUP1602 – dzup.org: Pagmumuni-Muni Sa Kaalamang-Bayan At Gawaing EkstensyonNg Talastasan Sa Himpapawid
“Tabi-Tabi-Folkloradyo!” Ng DZUP1602 – dzup.org: Pagmumuni-Muni Sa Kaalamang-Bayan At Gawaing EkstensyonNg Talastasan Sa Himpapawid
Ibinabahagi ng papel na ito ang kasaysayan, karanasan, at paglalakbay ng “Tabi-tabi-Folkloradyo! (TFR!), isang programang pangradyo sa DZUP 1602 KHZ (AM Band) at dzup.org na nagsib...
Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Hugot mula sa ideyang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Español at Amerikano sa kanilang ginawang...
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas. Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kali...
ANG PUWERSA NG DAHAS NG WAR ON DRUGS SA TULANG 08/17/17 NI ALLAN POPA
ANG PUWERSA NG DAHAS NG WAR ON DRUGS SA TULANG 08/17/17 NI ALLAN POPA
Ang “war on drugs” o kampanya laban sa ilegal na droga ang pangunahing programang isinulong mula sa panahon ng pangangampanya sa eleksiyon, hanggang sa pag-upo sa pagkapangulo ni R...
Ang gámit ng temang-awit panteleserye
Ang gámit ng temang-awit panteleserye
Mahalagang-mahalaga ang musika sa teleserye, lalo pa’t bílang soap opera, nakabalangkas ang anyo nito sa melodrama. Sa kaso ng teleserye, ang pagkasangkapan sa musika ay higit na m...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...

