Javascript must be enabled to continue!
“Tabi-Tabi-Folkloradyo!” Ng DZUP1602 – dzup.org: Pagmumuni-Muni Sa Kaalamang-Bayan At Gawaing EkstensyonNg Talastasan Sa Himpapawid
View through CrossRef
Ibinabahagi ng papel na ito ang kasaysayan, karanasan, at paglalakbay ng “Tabi-tabi-Folkloradyo! (TFR!), isang programang pangradyo sa DZUP 1602 KHZ (AM Band) at dzup.org na nagsibing daluyan ng talastasan hinggil sa kaalamang-bayan ng Pilipino. Mula sa munting hakbang ng pagmumungkahi, balakin, at panukala noong 2012, lumago ang TFR! bilang mahalagang salupongan ng akademya at bayan, na sa loob ng limang taon, ay nagpatuloy sa pagbuo ng mga diskurso sa wika, panitikan, at kultura.
Susing natuklasan sa pag-aaral na ito na ang bisa ng radyo bilang midyum ng gawaing pang-ekstenyon o serbisyong pampubliko: na nagsahimpapawid at nagpapalaganap ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), nakapag-uugnay ng iba’t ibang disiplina ng kaalaman, at nakapagbibigay-liwanag sa mga penomenong pangkultura sa wikang nauunawaan ng bayan. Ambag at implikasyon ng pag-aaral sa TFR! ng kahalagahan ng institusyonal at teknolohikal na espasyo para sa paghihimpapawid ng kolektibong kaisipan, pagpapayaman ng folkloristics, at paghamon sa pangingibabaw ng Kanluraning kaisipan, at kaalaman sa akademya.
Tunguhin nito samakatuwid, na makita na ang TFR! bilang patuloy na institusyonal at teknolohikal na plataporma ng interdisiplinaryong salupongan na nagtataguyod ng kaalamang bayan (o dunong katutubo) bilang batayan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa Pilipinas. Ang panawagan sa kasalukuyan ay malinaw: palakasin ang munting hakbang sa paglinang ng transkultural na kasanayan sa pakikipagkapwa, pakikisalamuha, at pagbabahagi ng kaalaman upang maging mahalagang salupongan (pakikipag-ugnayan, salubungan, at pakikipagpalitan) ng kultura, akademya, at mamamayan.
Sa kabuuan, pinatutunayan ng TFR! na ang radyo, bilang modernong teknolohiya sa komunikasyong pangmadla at napapanahong midyum (sa tulong ng digital media) ng umalohokan, ay makabuluhang daluyan at plataporma ng paglilingkod-bayan, at matatag na pedestal kung gayon ng pagwaragwag (pagsahimpapawid, pagbabahagi, pagtatanghal) ng kaalamang-bayan (o dunong katutubo) na nag-uugnay sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng sambayanang Pilipino.
Mga Susing Salita: kaalamang bayan (dunong katutubo), radyo (pagsasahimpapawid), paglilingkod bayan (serbisyong pampubliko), salupungan.
Title: “Tabi-Tabi-Folkloradyo!” Ng DZUP1602 – dzup.org: Pagmumuni-Muni Sa Kaalamang-Bayan At Gawaing EkstensyonNg Talastasan Sa Himpapawid
Description:
Ibinabahagi ng papel na ito ang kasaysayan, karanasan, at paglalakbay ng “Tabi-tabi-Folkloradyo! (TFR!), isang programang pangradyo sa DZUP 1602 KHZ (AM Band) at dzup.
org na nagsibing daluyan ng talastasan hinggil sa kaalamang-bayan ng Pilipino.
Mula sa munting hakbang ng pagmumungkahi, balakin, at panukala noong 2012, lumago ang TFR! bilang mahalagang salupongan ng akademya at bayan, na sa loob ng limang taon, ay nagpatuloy sa pagbuo ng mga diskurso sa wika, panitikan, at kultura.
Susing natuklasan sa pag-aaral na ito na ang bisa ng radyo bilang midyum ng gawaing pang-ekstenyon o serbisyong pampubliko: na nagsahimpapawid at nagpapalaganap ng Indigenous Knowledge Systems and Practices (IKSP), nakapag-uugnay ng iba’t ibang disiplina ng kaalaman, at nakapagbibigay-liwanag sa mga penomenong pangkultura sa wikang nauunawaan ng bayan.
Ambag at implikasyon ng pag-aaral sa TFR! ng kahalagahan ng institusyonal at teknolohikal na espasyo para sa paghihimpapawid ng kolektibong kaisipan, pagpapayaman ng folkloristics, at paghamon sa pangingibabaw ng Kanluraning kaisipan, at kaalaman sa akademya.
Tunguhin nito samakatuwid, na makita na ang TFR! bilang patuloy na institusyonal at teknolohikal na plataporma ng interdisiplinaryong salupongan na nagtataguyod ng kaalamang bayan (o dunong katutubo) bilang batayan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya sa Pilipinas.
Ang panawagan sa kasalukuyan ay malinaw: palakasin ang munting hakbang sa paglinang ng transkultural na kasanayan sa pakikipagkapwa, pakikisalamuha, at pagbabahagi ng kaalaman upang maging mahalagang salupongan (pakikipag-ugnayan, salubungan, at pakikipagpalitan) ng kultura, akademya, at mamamayan.
Sa kabuuan, pinatutunayan ng TFR! na ang radyo, bilang modernong teknolohiya sa komunikasyong pangmadla at napapanahong midyum (sa tulong ng digital media) ng umalohokan, ay makabuluhang daluyan at plataporma ng paglilingkod-bayan, at matatag na pedestal kung gayon ng pagwaragwag (pagsahimpapawid, pagbabahagi, pagtatanghal) ng kaalamang-bayan (o dunong katutubo) na nag-uugnay sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ng sambayanang Pilipino.
Mga Susing Salita: kaalamang bayan (dunong katutubo), radyo (pagsasahimpapawid), paglilingkod bayan (serbisyong pampubliko), salupungan.
Related Results
The Potential of Medicinal Plants and Bioactive Compounds in the Fight Against COVID-19
The Potential of Medicinal Plants and Bioactive Compounds in the Fight Against COVID-19
Severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2), a novel coronavirus , is causing a serious worldwide COVID-19 pandemic. The emergence of strains with rapid spread and...
The Impact of IL28B Gene Polymorphisms on Drug Responses
The Impact of IL28B Gene Polymorphisms on Drug Responses
To achieve high therapeutic efficacy in the patient, information on pharmacokinetics, pharmacodynamics, and pharmacogenetics is required. With the development of science and techno...
PERAN TATA KELOLA PERUSAHAAN DALAM MEMODERASI PENGARUH IMPLEMANTASI GREEN ACCOUNTING, CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY DAN FIRM SIZE TERHADAP KINERJA KEUANGAN
PERAN TATA KELOLA PERUSAHAAN DALAM MEMODERASI PENGARUH IMPLEMANTASI GREEN ACCOUNTING, CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY DAN FIRM SIZE TERHADAP KINERJA KEUANGAN
This study examines the role of corporate governance in moderating the influence of green accounting disclosure, corporate social responsibility (CSR), and firm size on the financi...
correlation of human capital sustainability leadership style and resilience of the managers in airline operations group of an AIRLINE Company
correlation of human capital sustainability leadership style and resilience of the managers in airline operations group of an AIRLINE Company
This study aimed to analyze the correlation between Human Capital Sustainability Leadership style and manager resilience through a pragmatic worldview. Using explanatory sequential...
Media, Mind, and Crime: Psychological and Communicative Dimensions of Criminal Representation
Media, Mind, and Crime: Psychological and Communicative Dimensions of Criminal Representation
This study examined how media representations of crime influenced public psychology and communicative meaning-making within contemporary digital and news environments. Focusing on ...
Theoretical study of laser-cooled SH<sup>–</sup> anion
Theoretical study of laser-cooled SH<sup>–</sup> anion
The potential energy curves, dipole moments, and transition dipole moments for the <inline-formula><tex-math id="M13">\begin{document}${{\rm{X}}^1}{\Sigma ^ + }$\end{do...
Management of Oblique Root Fracture Using Mineral Trioxide Aggregate: A Case Report
Management of Oblique Root Fracture Using Mineral Trioxide Aggregate: A Case Report
Root fractures are relatively uncommon compared to other types of dental traumas. It is sometimes extremely difficult for practitioners to decide what should be done and which appr...
The Business Cycle as a Moderator of Financing for Financing Risk of Islamic Commercial Banks in Indonesia
The Business Cycle as a Moderator of Financing for Financing Risk of Islamic Commercial Banks in Indonesia
ABSTRACT
Islamic banking is undoubtedly faced with several potential financing risks, with the three largest financing contracts (Mudharaba, Musharaka, and Murabaha) that reduce th...

