Javascript must be enabled to continue!
ANG PUWERSA NG DAHAS NG WAR ON DRUGS SA TULANG 08/17/17 NI ALLAN POPA
View through CrossRef
Ang “war on drugs” o kampanya laban sa ilegal na droga ang pangunahing programang isinulong mula sa panahon ng pangangampanya sa eleksiyon, hanggang sa pag-upo sa pagkapangulo ni Rodrigo Duterte mula 2016 hanggang 2022. Sa kanyang pangakong lilinisin ang bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan, partikular na sa problema sa ilegal na droga at kriminalidad, nanganak ang mga ito ng mga usaping lagpas sa pagsugpo sa krimen. Sa ganitong konteksto nakalugar ang papel na magtutuon sa pagsusuri sa maiikling tula ng manunulat na si Allan Popa partikular na sa kanyang akdang 08/17/17. Gamit ang loob, ligid at lalim bilang lapit sa pagsusuri na ipinapanukala ng iskolar na si Galileo Zafra, tinatangka ng papel na masiyasat kung paanong sa pamamagitan ng maiikling anyo ng panitikan ay maaaring maunawaan at kritikal na masipat ang naratibo ng dahas ng war on drugs, at ang mga puwersang nagpapataw nito sa lipunang Pilipino. Aangkla din ang pagsusuri sa konsepto ng dating ni Bienvenido Lumbera upang magkaroon ng panimulang tanaw sa maaaring naabot ng tula ni Popa sa konteksto ng nagpapatuloy na dahas ng war on drugs, at sa mga punto ng kritika ng karahasan ni Walter Benjamin upang maisuma sa tula ang konsepto ng dahas at puwersang nagpapataw nito, at ang potensyal ng maiikling anyo ng panitikan bilang porma ng kritikang panlipunan. Isang panimulang pagtatangka ang papel na matalakay ang kritikal na gampanin ng panitikan sa pagbibigay-tinig sa kuwento ng mga kabataang tulad ni Kian delos Santos upang maipagpatuloy ang paglulunsad ng mga panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng dahas at paggigiit sa karapatang pantao.
The “war on drugs,” or campaign against illegal drugs, was the central program promoted from the election campaign period through the presidency of Rodrigo Duterte from 2016 to 2022. Promising to resolve the nation’s problems with illegal drugs and criminality within just three to six months, this campaign sparked discussions that extended far beyond crime suppression. Within this context, this paper delves into an analysis of Allan Popa’s short poems, focusing particularly on his piece 08/17/17. Employing the analytical framework of loob, ligid, at lalim as proposed by scholar Galileo Zafra, the paper seeks to explore how short literary forms can be instrumental in understanding and critically examining the narrative of violence in the war on drugs and the societal forces enforcing it. The analysis also integrates Bienvenido Lumbera’s concept of dating, offering a preliminary lens on the extent of the poem’s impact amidst the persistent violence of the war on drugs. Furthermore, Walter Benjamin’s critique of violence is used to encapsulate the notions of force and power exercised through violence, emphasizing the potential of short literary forms as a medium of social critique. This paper represents a preliminary effort to underscore literature’s critical role in giving voice to stories of the youth, such as Kian delos Santos, and in sustaining the calls for justice for victims of violence while advocating human rights.
Title: ANG PUWERSA NG DAHAS NG WAR ON DRUGS SA TULANG 08/17/17 NI ALLAN POPA
Description:
Ang “war on drugs” o kampanya laban sa ilegal na droga ang pangunahing programang isinulong mula sa panahon ng pangangampanya sa eleksiyon, hanggang sa pag-upo sa pagkapangulo ni Rodrigo Duterte mula 2016 hanggang 2022.
Sa kanyang pangakong lilinisin ang bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan, partikular na sa problema sa ilegal na droga at kriminalidad, nanganak ang mga ito ng mga usaping lagpas sa pagsugpo sa krimen.
Sa ganitong konteksto nakalugar ang papel na magtutuon sa pagsusuri sa maiikling tula ng manunulat na si Allan Popa partikular na sa kanyang akdang 08/17/17.
Gamit ang loob, ligid at lalim bilang lapit sa pagsusuri na ipinapanukala ng iskolar na si Galileo Zafra, tinatangka ng papel na masiyasat kung paanong sa pamamagitan ng maiikling anyo ng panitikan ay maaaring maunawaan at kritikal na masipat ang naratibo ng dahas ng war on drugs, at ang mga puwersang nagpapataw nito sa lipunang Pilipino.
Aangkla din ang pagsusuri sa konsepto ng dating ni Bienvenido Lumbera upang magkaroon ng panimulang tanaw sa maaaring naabot ng tula ni Popa sa konteksto ng nagpapatuloy na dahas ng war on drugs, at sa mga punto ng kritika ng karahasan ni Walter Benjamin upang maisuma sa tula ang konsepto ng dahas at puwersang nagpapataw nito, at ang potensyal ng maiikling anyo ng panitikan bilang porma ng kritikang panlipunan.
Isang panimulang pagtatangka ang papel na matalakay ang kritikal na gampanin ng panitikan sa pagbibigay-tinig sa kuwento ng mga kabataang tulad ni Kian delos Santos upang maipagpatuloy ang paglulunsad ng mga panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng dahas at paggigiit sa karapatang pantao.
The “war on drugs,” or campaign against illegal drugs, was the central program promoted from the election campaign period through the presidency of Rodrigo Duterte from 2016 to 2022.
Promising to resolve the nation’s problems with illegal drugs and criminality within just three to six months, this campaign sparked discussions that extended far beyond crime suppression.
Within this context, this paper delves into an analysis of Allan Popa’s short poems, focusing particularly on his piece 08/17/17.
Employing the analytical framework of loob, ligid, at lalim as proposed by scholar Galileo Zafra, the paper seeks to explore how short literary forms can be instrumental in understanding and critically examining the narrative of violence in the war on drugs and the societal forces enforcing it.
The analysis also integrates Bienvenido Lumbera’s concept of dating, offering a preliminary lens on the extent of the poem’s impact amidst the persistent violence of the war on drugs.
Furthermore, Walter Benjamin’s critique of violence is used to encapsulate the notions of force and power exercised through violence, emphasizing the potential of short literary forms as a medium of social critique.
This paper represents a preliminary effort to underscore literature’s critical role in giving voice to stories of the youth, such as Kian delos Santos, and in sustaining the calls for justice for victims of violence while advocating human rights.
Related Results
FAKTOR-FAKTOR YANG MEMPENGARUHI MORTALITAS PADA PASIEN DENGAN FRAKTUR COSTA: Literature Review
FAKTOR-FAKTOR YANG MEMPENGARUHI MORTALITAS PADA PASIEN DENGAN FRAKTUR COSTA: Literature Review
FAKTOR-FAKTOR YANG MEMPENGARUHI MORTALITAS PADA PASIEN DENGAN FRAKTUR COSTA: Literature Review Anna Tri Wahyuni1), Masfuri2), Liya Arista3)1,2,3 Fakultas Ilmu Keperawatan Univers...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Angiotensin-(1-7) improves blood pressure and cardiovascular autonomic function in human aging
Angiotensin-(1-7) improves blood pressure and cardiovascular autonomic function in human aging
Background: Aging is the largest independent risk factor for developing hypertension and cardiovascular disease (CVD); however, the molecular mechanisms underlying age-related CVD ...
GW24-e1391 Angiotensin-(1-7) inhibits vascular calcification in rats
GW24-e1391 Angiotensin-(1-7) inhibits vascular calcification in rats
Objectives
Angiotensin-(1-7) [Ang-(1-7)] is a new bioactive heptapeptide in the renin-angiotensin system (RAS). It is produced mainly by the activity of angiotens...
Ang-1, Ang-2, and Tie2 are diagnostic biomarkers for Henoch-Schönlein purpura and pediatric-onset systemic lupus erythematous
Ang-1, Ang-2, and Tie2 are diagnostic biomarkers for Henoch-Schönlein purpura and pediatric-onset systemic lupus erythematous
Abstract
Henoch-Schönlein purpura (HSP) and pediatric-onset systemic lupus erythematosus (pSLE) are closely associated with vasculitis and vascular diseases. This st...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Morpolohikal at Sintaktikal na Pagsusuri sa Awit na Florante At Laura Ni Francisco “Balagtas” Baltazar
Morpolohikal at Sintaktikal na Pagsusuri sa Awit na Florante At Laura Ni Francisco “Balagtas” Baltazar
Ang wika ay binubuo at nagtataglay ng mga di-matatawarang istruktura at kayarian na siyang nagpapalalim sa pang-unawa at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga pangungusap at salita. Nap...

