Javascript must be enabled to continue!
Morpolohikal at Sintaktikal na Pagsusuri sa Awit na Florante At Laura Ni Francisco “Balagtas” Baltazar
View through CrossRef
Ang wika ay binubuo at nagtataglay ng mga di-matatawarang istruktura at kayarian na siyang nagpapalalim sa pang-unawa at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga pangungusap at salita. Napakahalaga ang may sapat na kaalaman sa istruktura ng wika sa pakikisalamuha upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan sa kapwa at naiiwasan pa ang di pagkakaunawaan. Kung kaya’t napakahalagang malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng guro ng iba’t ibang gawain na may kaugnayan sa panitikan at istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis. Tulad ng iminumungkahi ng mga linggwista, ang paggamit ng wika at panitikan ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayahan. Dahil ang pagtuturo ay itinuturing na sining, kinakailangang isagawa ang pagganyak sa masining na paraan. Dahil sa paggamit ng wika nakasalalay ang tagumpay ng kanyang pagiging guro. Kung kaya’t ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa kabisaan ng mga estratehiyang gagamitin ng mga guro sa paraang ang mga mag-aaral ay nagagawang maiugnay ang kanilang dating kaalaman sa mga bago nilang natutunan. Bilang isang guro, ang mananaliksik ay nagnanais na makapagbigay ng mga mungkahing gawain sa mga guro na maaaring magamit sa kanilang pagtuturo sa istrukturang panggramatika tulad ng morpolohiya at sintaks. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang paggawa ng isang pagsusuri sa morpolohiya at sintaksis sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar. Batay sa ginawang pagsusuri natuklasan na ang istrukturang pangmorpolohiya na kadalasang ginamit sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar ayon sa kayarian ng salita ay maylapi at sa pagbabagong morpoponemiko naman ay reduplikasyon. Habang sa istrukturang pansintaksis naman, ang kadalasang ginamit ayon sa kayarian ng pangungusap ay tambalang pangungusap at sa ayos ng pangungusap ay kadalasan nasa di-karaniwang ayos. Samakatuwid, kung ang kabuuan ng pag-aaral ang pag-uusapan, hindi mahirap pag-aralan ang istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis sa wikang Filipino.
Title: Morpolohikal at Sintaktikal na Pagsusuri sa Awit na Florante At Laura Ni Francisco “Balagtas” Baltazar
Description:
Ang wika ay binubuo at nagtataglay ng mga di-matatawarang istruktura at kayarian na siyang nagpapalalim sa pang-unawa at kaalaman ng mga mag-aaral sa mga pangungusap at salita.
Napakahalaga ang may sapat na kaalaman sa istruktura ng wika sa pakikisalamuha upang mas mapadali ang pakikipagtalastasan sa kapwa at naiiwasan pa ang di pagkakaunawaan.
Kung kaya’t napakahalagang malinang ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng guro ng iba’t ibang gawain na may kaugnayan sa panitikan at istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis.
Tulad ng iminumungkahi ng mga linggwista, ang paggamit ng wika at panitikan ay nangangailangan ng iba’t ibang kakayahan.
Dahil ang pagtuturo ay itinuturing na sining, kinakailangang isagawa ang pagganyak sa masining na paraan.
Dahil sa paggamit ng wika nakasalalay ang tagumpay ng kanyang pagiging guro.
Kung kaya’t ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa kabisaan ng mga estratehiyang gagamitin ng mga guro sa paraang ang mga mag-aaral ay nagagawang maiugnay ang kanilang dating kaalaman sa mga bago nilang natutunan.
Bilang isang guro, ang mananaliksik ay nagnanais na makapagbigay ng mga mungkahing gawain sa mga guro na maaaring magamit sa kanilang pagtuturo sa istrukturang panggramatika tulad ng morpolohiya at sintaks.
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang paggawa ng isang pagsusuri sa morpolohiya at sintaksis sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
Batay sa ginawang pagsusuri natuklasan na ang istrukturang pangmorpolohiya na kadalasang ginamit sa awit na Florante at Laura ni Francisco “Balagtas” Baltazar ayon sa kayarian ng salita ay maylapi at sa pagbabagong morpoponemiko naman ay reduplikasyon.
Habang sa istrukturang pansintaksis naman, ang kadalasang ginamit ayon sa kayarian ng pangungusap ay tambalang pangungusap at sa ayos ng pangungusap ay kadalasan nasa di-karaniwang ayos.
Samakatuwid, kung ang kabuuan ng pag-aaral ang pag-uusapan, hindi mahirap pag-aralan ang istrukturang pangmorpolohiya at pansintaksis sa wikang Filipino.
Related Results
Perceptions, interests, and understanding of Grade 8 students on Florante at Laura
Perceptions, interests, and understanding of Grade 8 students on Florante at Laura
This study was conducted to determine the level of perceptions, interests, and understanding of Florante at Laura among Grade 8 students of Ernesto R. Sicad Sr. National High Schoo...
“AWIT-AWIT BUDAYA” TINJAUAN PENGEMBANGAN MATERI PEMBELAJARAN SENI DI TK INDRIYASANA UTAMA YOGYAKARTA
“AWIT-AWIT BUDAYA” TINJAUAN PENGEMBANGAN MATERI PEMBELAJARAN SENI DI TK INDRIYASANA UTAMA YOGYAKARTA
<p>Penanaman nilai-nilai budaya pada pendidikan dapat dilakukan sejak pada tingkat Taman Kanak-kanak. Salah satu cara yang dapat digunakan untuk mengenalkan budaya yaitu mela...
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Tanging layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose Rizal, partikular ang El Filibusterismo, gayundin ang m...
Plasma AR Alterations and Timing of Intensified Hormone Treatment for Prostate Cancer
Plasma AR Alterations and Timing of Intensified Hormone Treatment for Prostate Cancer
This randomized clinical trial explores whether hormone intensification at start of androgen deprivation therapy alters selection of androgen receptor (AR) gene alterations within ...
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
The general objective of this study was to analyze First Prize Winners in Short Stories for Children that won in the Palanca Literary Awards from 2001-2010. This research used a de...
Evaluation of a quality improvement intervention to reduce anastomotic leak following right colectomy (EAGLE): pragmatic, batched stepped-wedge, cluster-randomized trial in 64 countries
Evaluation of a quality improvement intervention to reduce anastomotic leak following right colectomy (EAGLE): pragmatic, batched stepped-wedge, cluster-randomized trial in 64 countries
Abstract
Background
Anastomotic leak affects 8 per cent of patients after right colectomy with a 10-fold increased risk of posto...
Ang gámit ng temang-awit panteleserye
Ang gámit ng temang-awit panteleserye
Mahalagang-mahalaga ang musika sa teleserye, lalo pa’t bílang soap opera, nakabalangkas ang anyo nito sa melodrama. Sa kaso ng teleserye, ang pagkasangkapan sa musika ay higit na m...
Anais da VIII Jornada Odontológica da Unicastelo
Anais da VIII Jornada Odontológica da Unicastelo
CATEGORIA PAINELP 01. NÓDULOS PULPARES - CALCIFICAÇÕES. TAVARES, THAÍS RUAS; SEKI, NATHALIA MARIKO ASSAKAWA; SOUZA, EDMARA REGINA DIAS; SIVA, AMANDA SOUZA; SIMONATO, LUCIANA ESTEVA...

