Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda

View through CrossRef
Tanging layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose Rizal, partikular ang El Filibusterismo, gayundin ang mga hamon at karanasang kanilang kinaharap sa pagbasa at pagsusuri ng akda. Ang mga tagatugon sa pag-aaral ay binubuo ng siyamnapu’t apat (94) na mag-aaral sa ikasampung baitang. Isinagawa ang pananaliksik gamit ang pinagsamang metodolohiyang kwalitatibo at kwantitatibo. Sa kwalitatibong bahagi, ginamit ang panayam upang matukoy ang mga hamon at karanasan ng mga mag-aaral, samantalang sa kwantitatibong bahagi ay ginamit ang talatanungan upang masukat ang kanilang kahusayan sa pagsusuri ng nobela. Natuklasan sa pag-aaral na ito na di-gaano ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela, partikular sa mga aspekto ng talasalitaan, tauhan, tagpuan, at mga pangyayari. Napatunayan ding ang walang bisang pala-palagay ay di- tanggap sapagkat may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagsusuri ng nobela ayon sa katangian ng mga tagatugon. Kabilang sa mga pangunahing hamon na kinaharap ng mga mag-aaral ay ang kawalan ng interes sa asignaturang Filipino, kahinaan sa pag-unawa sa binasang akda, kakulangan sa suporta ng magulang, at dami ng gawaing-bahay na nagiging hadlang sa oras ng pag-aaral. Bilang mungkahi, nararapat na magpatupad ang mga guro ng iba’t ibang estratehiya at teknik sa pagtuturo upang higit na mahikayat ang mga mag-aaral na aktibong makibahagi sa pagbasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan.
Title: Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Description:
Tanging layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela ni Dr.
Jose Rizal, partikular ang El Filibusterismo, gayundin ang mga hamon at karanasang kanilang kinaharap sa pagbasa at pagsusuri ng akda.
Ang mga tagatugon sa pag-aaral ay binubuo ng siyamnapu’t apat (94) na mag-aaral sa ikasampung baitang.
Isinagawa ang pananaliksik gamit ang pinagsamang metodolohiyang kwalitatibo at kwantitatibo.
Sa kwalitatibong bahagi, ginamit ang panayam upang matukoy ang mga hamon at karanasan ng mga mag-aaral, samantalang sa kwantitatibong bahagi ay ginamit ang talatanungan upang masukat ang kanilang kahusayan sa pagsusuri ng nobela.
Natuklasan sa pag-aaral na ito na di-gaano ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela, partikular sa mga aspekto ng talasalitaan, tauhan, tagpuan, at mga pangyayari.
Napatunayan ding ang walang bisang pala-palagay ay di- tanggap sapagkat may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagsusuri ng nobela ayon sa katangian ng mga tagatugon.
Kabilang sa mga pangunahing hamon na kinaharap ng mga mag-aaral ay ang kawalan ng interes sa asignaturang Filipino, kahinaan sa pag-unawa sa binasang akda, kakulangan sa suporta ng magulang, at dami ng gawaing-bahay na nagiging hadlang sa oras ng pag-aaral.
Bilang mungkahi, nararapat na magpatupad ang mga guro ng iba’t ibang estratehiya at teknik sa pagtuturo upang higit na mahikayat ang mga mag-aaral na aktibong makibahagi sa pagbasa at pagsusuri ng mga akdang pampanitikan.

Related Results

Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela Ni Eros Atalia: Mungkahing Disenyo Ng Aralin
Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela Ni Eros Atalia: Mungkahing Disenyo Ng Aralin
Ang pag-aaral ay isang Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela ni Eros Atalia. Naglalayong suriin batay sa elementong itinatampok at ang Kwalitatibong pagsusuri ang ginamit. Dala...
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Ang mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ay isang suliranin kinakaharap ng buong bundo. Ang pananaliksik na ito nagsusuri sa ugnayan ng estratehiya at motibasyon sa pagbasa sa ka...
Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito
Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang kabisaan ng Project PAGASA (Pagkalinga at Gabay ng Guro, Asenso sa Mag-aaral) sa pagpapataas ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral sa ...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas. Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kali...
KARIKTAN AT REALISMO: ISANG PAGSUSURI SA PILING MAIKLING KUWENTO
KARIKTAN AT REALISMO: ISANG PAGSUSURI SA PILING MAIKLING KUWENTO
Ang pag-aaral na ito ay naglayon na matukoy ang kariktan ng bawat maikling kuwento na napalolooban ng tayutay, talinghaga at simbolismo. Nalaman na ang mga maikling kuwento na may ...

Back to Top