Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela Ni Eros Atalia: Mungkahing Disenyo Ng Aralin

View through CrossRef
Ang pag-aaral ay isang Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela ni Eros Atalia. Naglalayong suriin batay sa elementong itinatampok at ang Kwalitatibong pagsusuri ang ginamit. Dalawa sa mga akda ay nagkamit ng prestihiyosong gantimpala sa Gawad Palanca at ang tatlo ay nakakuha ng mataas na marka sa goodreads.com. Ang elementong itinatampok sa piling nobela batay sa tema ay isyung panlipunan, politikal, at relihiyon; taglay ang kompletong banghay; ang pangunahing tauhan ay nauuri sa bilog; maayos na nailarawan ang bawat tagpuan; namamayani ang iba’t ibang damdamin; sa paningin, gumamit ang unang dalawang nobela ng pangatlong panauhan at unang panauhan sa huling tatlong nobela; sa simbolismo, nagpapahiwatig ng ibang kahulugan. Ang pagbabalik-tanaw, pagsasalaysay, at paglalarawan ang namayaning estilo. Taglay ang iba’t ibang katangiann ng Pagpapahalagang moral. Ang mga nobela ay hindi lamang nakatuon sa simpleng pag-unawa sa mga akda at literal na kahulugang napapaloob rito. Mahahasa din ang kayayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga makaluma at makabagong salita. Magkakaroon din ng integrasyon sa iba pang asignatura kung gagamitin ito bilang pantulong na kagamitan dahil tumatalakay ito sa iba’t ibang tema na tiyak magdudulot nang mas malawak na pagkatuto. Bilang rekomendasyon; ibabahagi ang mga resulta at mga natuklasan sa kinauukulan, sa mga guro at sa mga mag-aaral upang higit na maunawaan at maisapuso ang mga kaisipang hatid ng sinuring piling nobela
Title: Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela Ni Eros Atalia: Mungkahing Disenyo Ng Aralin
Description:
Ang pag-aaral ay isang Pagsusuring Kritikal sa mga Piling Nobela ni Eros Atalia.
Naglalayong suriin batay sa elementong itinatampok at ang Kwalitatibong pagsusuri ang ginamit.
Dalawa sa mga akda ay nagkamit ng prestihiyosong gantimpala sa Gawad Palanca at ang tatlo ay nakakuha ng mataas na marka sa goodreads.
com.
Ang elementong itinatampok sa piling nobela batay sa tema ay isyung panlipunan, politikal, at relihiyon; taglay ang kompletong banghay; ang pangunahing tauhan ay nauuri sa bilog; maayos na nailarawan ang bawat tagpuan; namamayani ang iba’t ibang damdamin; sa paningin, gumamit ang unang dalawang nobela ng pangatlong panauhan at unang panauhan sa huling tatlong nobela; sa simbolismo, nagpapahiwatig ng ibang kahulugan.
Ang pagbabalik-tanaw, pagsasalaysay, at paglalarawan ang namayaning estilo.
Taglay ang iba’t ibang katangiann ng Pagpapahalagang moral.
Ang mga nobela ay hindi lamang nakatuon sa simpleng pag-unawa sa mga akda at literal na kahulugang napapaloob rito.
Mahahasa din ang kayayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga makaluma at makabagong salita.
Magkakaroon din ng integrasyon sa iba pang asignatura kung gagamitin ito bilang pantulong na kagamitan dahil tumatalakay ito sa iba’t ibang tema na tiyak magdudulot nang mas malawak na pagkatuto.
Bilang rekomendasyon; ibabahagi ang mga resulta at mga natuklasan sa kinauukulan, sa mga guro at sa mga mag-aaral upang higit na maunawaan at maisapuso ang mga kaisipang hatid ng sinuring piling nobela.

Related Results

Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkat etnikong nan...
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kaku...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Tanging layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose Rizal, partikular ang El Filibusterismo, gayundin ang m...
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na it...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...

Back to Top