Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA

View through CrossRef
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edukasyong primarya sa panahon ng pandemya. Hangarin ng pananaliksik na siyasatin ang kuwentong-buhay ng mga ina bilang kabahagi at katuwang ng mga guro sa pagsisiguro ng pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabila ng kalagayang pampandemya na kinahaharap ng lipunan. Pangkalahatang layunin sa papel na ito na galugarin ang karanasan ng mga ina na silang sumasagot ng mga gawain sa modyul ng kanilang anak sa panahon ng pandemya. Gayon din ang hangaring masuri ang mga hamon at motibasyon na naghimok sa kanila upang sila ang magsagot ng mga gawain sa modyul ng anak. Sumangguni ang mga mananaliksik sa iba’t ibang kaugnay na mga pag-aaral at literatura upang mapagtibay ang papel. Ginamit ang kwalitatibong metodo na may disenyong Husserlian Descriptive Phenomenology at Colaizzi’s Seven Steps of Data Analysis upang mailarawan at magalugad ang kuwentong-buhay ng mga ina na silang sumasagot ng mga gawin sa modyul ng kanilang mga anak. Napili ang limang kalahok sa pag-aaral sa pamamagitan ng purposive sampling batay sa mga sumusunod na kriterya: (1) Ina na may anak na nag-aaral sa primarya, (2) Ina na siyang sumasagot ng gawain sa modyul ng anak. Pakikipanayam ang ginamit na instrumento sa pangangalap ng datos na binubuo ng interview guide na may tatlong open-ended questions. Isang paraan ang pag-aaral na ito upang makabuo ng mga programang makatutulong sa mga magulang na maibsan ang kanilang mga alalahanin. Higit sa lahat, upang magbigay diin na hindi dapat ang mga magulang ang siyang dapat na magsagot ng mga gawain sa modyul ng kanilang mga anak. MGA SUSING SALITA: modyul, ina, edukasyon, pandemya
Title: INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Description:
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edukasyong primarya sa panahon ng pandemya.
Hangarin ng pananaliksik na siyasatin ang kuwentong-buhay ng mga ina bilang kabahagi at katuwang ng mga guro sa pagsisiguro ng pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa kabila ng kalagayang pampandemya na kinahaharap ng lipunan.
Pangkalahatang layunin sa papel na ito na galugarin ang karanasan ng mga ina na silang sumasagot ng mga gawain sa modyul ng kanilang anak sa panahon ng pandemya.
Gayon din ang hangaring masuri ang mga hamon at motibasyon na naghimok sa kanila upang sila ang magsagot ng mga gawain sa modyul ng anak.
Sumangguni ang mga mananaliksik sa iba’t ibang kaugnay na mga pag-aaral at literatura upang mapagtibay ang papel.
Ginamit ang kwalitatibong metodo na may disenyong Husserlian Descriptive Phenomenology at Colaizzi’s Seven Steps of Data Analysis upang mailarawan at magalugad ang kuwentong-buhay ng mga ina na silang sumasagot ng mga gawin sa modyul ng kanilang mga anak.
Napili ang limang kalahok sa pag-aaral sa pamamagitan ng purposive sampling batay sa mga sumusunod na kriterya: (1) Ina na may anak na nag-aaral sa primarya, (2) Ina na siyang sumasagot ng gawain sa modyul ng anak.
Pakikipanayam ang ginamit na instrumento sa pangangalap ng datos na binubuo ng interview guide na may tatlong open-ended questions.
Isang paraan ang pag-aaral na ito upang makabuo ng mga programang makatutulong sa mga magulang na maibsan ang kanilang mga alalahanin.
Higit sa lahat, upang magbigay diin na hindi dapat ang mga magulang ang siyang dapat na magsagot ng mga gawain sa modyul ng kanilang mga anak.
MGA SUSING SALITA: modyul, ina, edukasyon, pandemya.

Related Results

INTERAKTIBONG MODYUL SA PAGTUTURO NG FILIPINO
INTERAKTIBONG MODYUL SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbuo at balidasyon ng interaktibong modyular sa pagtuturo ng mga suprasegmental. Ang diin, antala/hinto, at ang intonasyon sa pagtuturo sa...
Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya
Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya
Ginalugad nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino bilang frontliner ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pagsabay sa mga pangangailangan ng bagong kadawyan. Sinuri rin nito an...
Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya
Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya
Ginalugad nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino bilang frontliner ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pagsabay sa mga pangangailangan ng bagong kadawyan. Sinuri rin nito an...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang his...
KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA
KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang karanasan sa paggamit at antas ng pag-unawa ng mga piling residente ng Legislative District 1 sa Isabela sa wikang Ibanag bilang batayan s...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...

Back to Top