Javascript must be enabled to continue!
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
View through CrossRef
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas. Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kalipunan ng mga kaalamang binuo ng mga mamamayan ayon sa kanilang partikular na karanasan sa buhay. Isa ring mahalagang konsepto ang “kilusang bayan” sapagkat maaaring nagiging resulta ito ng pagkakabuo ng isang partikular na kaalamang bayan. Sa kasong ito, si Rizal ang siyang naging sentro ng pagkilala. Sa simula, pinagtuunan ng pansin ang mga naunang pag-aaral kay Rizal na may kalayuan sa kinagisnang talambuhay niya. Nasa mga akdang ito ang isinulat nina Marcelino Foronda na nagtala ng mga pangkat na kumikilala kay Rizal bilang diyos. Isa pang mahalagang akda ay isinulat naman ni Prospero Covar na tumutok sa isang pangkat at sinuri ito ayon sa mismong mga kategorya ng nasabing grupo. Hinanap naman ng akda ni Reynaldo Ileto ang mismong karanasan ng mga karaniwang mamamayan kaugnay sa kanilang pagkilala kay Rizal na siyang bumuo ng tinatawag niyang “underside” o kasaysayang mula sa ilalim. Higit namang nilawakan ni Nilo Ocampo ang pagsusuri dito nang kaniyang pagtuunan ng pansin ang kaisipang tinutukoy ng tatlong nauna sa kabataan at sa internet. Maitatanong mula sa mga akdang ito ang matagal nang sinasabi naman ni Renato Constantino tungkol sa “bulag na pagdakila” ng mga Pilipino kay Rizal. Wala umanong malinaw na pagkakaunawa ang mga Pilipino sa kanilang kinikilalang Pambansang Bayani at hindi naman talaga nila alam kung bakit nga ba siya dinadakila. Sa pag-aaral na ito, makikitang may dalawang pagtingin tungkol sa nasabing katanungan. Una, ang tungkol sa pagkakakilala ng bayan o karaniwang mamamayan kay Rizal bilang isang bayani. Kapansin-pansing sa simula pa lamang ay makikita na ang pagkilala sa kaniya bilang nasa linya ng mga sinaunang bayani sa lipunan. Ikalawa, makikita ring si Rizal mismo ay nagtangka ring unawain ang kaisipang bumabalot sa mga pagpapahalagang nakapaloob sa bayan. Nagtatagpo ang dalawa at hindi bulag ang alinman sa kanilang pagkilala sa isa’t isa.
Title: Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Description:
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas.
Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kalipunan ng mga kaalamang binuo ng mga mamamayan ayon sa kanilang partikular na karanasan sa buhay.
Isa ring mahalagang konsepto ang “kilusang bayan” sapagkat maaaring nagiging resulta ito ng pagkakabuo ng isang partikular na kaalamang bayan.
Sa kasong ito, si Rizal ang siyang naging sentro ng pagkilala.
Sa simula, pinagtuunan ng pansin ang mga naunang pag-aaral kay Rizal na may kalayuan sa kinagisnang talambuhay niya.
Nasa mga akdang ito ang isinulat nina Marcelino Foronda na nagtala ng mga pangkat na kumikilala kay Rizal bilang diyos.
Isa pang mahalagang akda ay isinulat naman ni Prospero Covar na tumutok sa isang pangkat at sinuri ito ayon sa mismong mga kategorya ng nasabing grupo.
Hinanap naman ng akda ni Reynaldo Ileto ang mismong karanasan ng mga karaniwang mamamayan kaugnay sa kanilang pagkilala kay Rizal na siyang bumuo ng tinatawag niyang “underside” o kasaysayang mula sa ilalim.
Higit namang nilawakan ni Nilo Ocampo ang pagsusuri dito nang kaniyang pagtuunan ng pansin ang kaisipang tinutukoy ng tatlong nauna sa kabataan at sa internet.
Maitatanong mula sa mga akdang ito ang matagal nang sinasabi naman ni Renato Constantino tungkol sa “bulag na pagdakila” ng mga Pilipino kay Rizal.
Wala umanong malinaw na pagkakaunawa ang mga Pilipino sa kanilang kinikilalang Pambansang Bayani at hindi naman talaga nila alam kung bakit nga ba siya dinadakila.
Sa pag-aaral na ito, makikitang may dalawang pagtingin tungkol sa nasabing katanungan.
Una, ang tungkol sa pagkakakilala ng bayan o karaniwang mamamayan kay Rizal bilang isang bayani.
Kapansin-pansing sa simula pa lamang ay makikita na ang pagkilala sa kaniya bilang nasa linya ng mga sinaunang bayani sa lipunan.
Ikalawa, makikita ring si Rizal mismo ay nagtangka ring unawain ang kaisipang bumabalot sa mga pagpapahalagang nakapaloob sa bayan.
Nagtatagpo ang dalawa at hindi bulag ang alinman sa kanilang pagkilala sa isa’t isa.
Related Results
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay galugarin ang mga karanasan ng mga guro sa elementarya na nagtuturo ng Filipino sa ika-21 siglo. Sinusuri nito ang kanilang mga pananaw, mga nata...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na it...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Mga Kasangkapang Pampanitikan sa mga Eko-Panitikang Manobo Tungo sa Paglinang ng Eko-Literasi
Mga Kasangkapang Pampanitikan sa mga Eko-Panitikang Manobo Tungo sa Paglinang ng Eko-Literasi
Sinuri ang mga kasangkapang pampanitikan mula sa eko-panitikang-bayan ng mga Manobo na nakapaloob sa antolohiya ng mga eko-panitikang-bayan na Mgo Sikung Tu Guyangan (Mga Alingawng...
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL SA MGA KAUGALIAN AT PANINIWALA SA RURAL AT URBAN
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL SA MGA KAUGALIAN AT PANINIWALA SA RURAL AT URBAN
Kalimitang maririnig sa mga pagsasalaysay ng mga matatanda ang kaibahan ng henerasyon nila noon kumpara ngayon, lalong-lalo na ang paraan ng pamumuhay mayroon ang kabataan sa kasal...

