Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

PAGPAPAHALAGANG KULTURAL SA MGA KAUGALIAN AT PANINIWALA SA RURAL AT URBAN

View through CrossRef
Kalimitang maririnig sa mga pagsasalaysay ng mga matatanda ang kaibahan ng henerasyon nila noon kumpara ngayon, lalong-lalo na ang paraan ng pamumuhay mayroon ang kabataan sa kasalukuyan. Sa pagtalakay nina Dela Torre et. al (2022), binigyang diin ang mababang value sysytem ng kasalukuyang henerasyon at ang kakaibang kilos ng kabataan ngayon sa pananalita, pagkatuto, pakikisalamuha at pagkakaroon ng mga pananaw. Kaya’t nilayon ng pag-aaral na ito na alamin ang pagpapahalagang kultural ng mag Gen Z at mga tiyak na katutubong kaugalian at paniniwalang patuloy nilang isinasabuhay sa kasalukuyang panahon sa mga urban at rural na komunidad. Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay gumamit ng penomenolohikal na disenyo partikular ang transcendental phenomenology sa pangangalap ng datos at isinagawa sa mga Gen Z na nakatira sa isang Highly Urbanized City at outskirt na komunidad o malayo sa lungsod. Sa pangangalap ng datos, gumamit ang pag-aaral ng semi-structured na talatanungan at checklist at inalisa gamit ang Thematic Analysis. Para sa naging resulta ng pag-aaral, natuklasan ang mga katutubong kaugalian at paniniwala tulad ng mga pamahiin at mga ritwal na patuloy na isinasagawa at pinahahalagahan ng mga Gen Z sa rural na komunidad. Sa kabilang dako, lingid sa modernong pamumuhay, pinapahalagahan at isinasabuhay pa rin ng mga Gen Z sa urban na komunidad ang mga kaugaliang nakaugat pa sa sinauna. Sa huli ay masasabing hitik pa rin sa pagpapahalagang kultural ang mga Gen Z sa rural at urban na komunidad, nagkakaiba lang sa pamamaraan at nakasanayang gawain sa bawat komunidad. Inirerekomenda ng pag-aaral na ito ang paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtatanghal ng mga kaugalian at paniniwalang ito, at pagdaos ng mga gawaing makapagbibigay paliwanag sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga pamanang kultural sa kasalukuyang konteksto. Keywords: Generation Z, Kaugalian, Paniniwala, Rural, Urban
Title: PAGPAPAHALAGANG KULTURAL SA MGA KAUGALIAN AT PANINIWALA SA RURAL AT URBAN
Description:
Kalimitang maririnig sa mga pagsasalaysay ng mga matatanda ang kaibahan ng henerasyon nila noon kumpara ngayon, lalong-lalo na ang paraan ng pamumuhay mayroon ang kabataan sa kasalukuyan.
Sa pagtalakay nina Dela Torre et.
al (2022), binigyang diin ang mababang value sysytem ng kasalukuyang henerasyon at ang kakaibang kilos ng kabataan ngayon sa pananalita, pagkatuto, pakikisalamuha at pagkakaroon ng mga pananaw.
Kaya’t nilayon ng pag-aaral na ito na alamin ang pagpapahalagang kultural ng mag Gen Z at mga tiyak na katutubong kaugalian at paniniwalang patuloy nilang isinasabuhay sa kasalukuyang panahon sa mga urban at rural na komunidad.
Ang kwalitatibong pananaliksik na ito ay gumamit ng penomenolohikal na disenyo partikular ang transcendental phenomenology sa pangangalap ng datos at isinagawa sa mga Gen Z na nakatira sa isang Highly Urbanized City at outskirt na komunidad o malayo sa lungsod.
Sa pangangalap ng datos, gumamit ang pag-aaral ng semi-structured na talatanungan at checklist at inalisa gamit ang Thematic Analysis.
Para sa naging resulta ng pag-aaral, natuklasan ang mga katutubong kaugalian at paniniwala tulad ng mga pamahiin at mga ritwal na patuloy na isinasagawa at pinahahalagahan ng mga Gen Z sa rural na komunidad.
Sa kabilang dako, lingid sa modernong pamumuhay, pinapahalagahan at isinasabuhay pa rin ng mga Gen Z sa urban na komunidad ang mga kaugaliang nakaugat pa sa sinauna.
Sa huli ay masasabing hitik pa rin sa pagpapahalagang kultural ang mga Gen Z sa rural at urban na komunidad, nagkakaiba lang sa pamamaraan at nakasanayang gawain sa bawat komunidad.
Inirerekomenda ng pag-aaral na ito ang paggamit ng mga makabagong kagamitan sa pagtatanghal ng mga kaugalian at paniniwalang ito, at pagdaos ng mga gawaing makapagbibigay paliwanag sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga pamanang kultural sa kasalukuyang konteksto.
Keywords: Generation Z, Kaugalian, Paniniwala, Rural, Urban.

Related Results

Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na it...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang his...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...

Back to Top