Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

SINTAKTIKONG PAGSUSURI SA MGA SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

View through CrossRef
Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang mga sintaktikong kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino sa antas ng parirala, sugnay, at pangungusap, tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa paglitaw ng mga kamaliang ito, at makabuo ng kagamitang pampagkatuto bilang interbensiyon upang mapahusay ang kanilang sintaktikong kasanayan sa pagsulat. Ginamit sa pag-aaral ang mixed-method na disenyo ng pananaliksik upang makalikom ng kapwa kwantitatibo at kwalitatibong datos. Lumahok sa pag-aaral ang tatlumpung (30) mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang ng Jacinto P. Elpa National High School sa Dibisyon ng Tandag City na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Sinuri ang mga sanaysay at piling sulatin ng mga kalahok upang matukoy ang mga sintaktikong kamalian, habang isinagawa ang panayam upang matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa kanilang pagsulat. Natuklasan na katamtaman ang antas ng sintaktikong kamalian sa antas ng parirala (M=14), samantalang mataas naman sa antas ng sugnay (M=17) at pangungusap (M=18). Sa antas ng parirala, pinakakaraniwan ang maling pag-uugnay ng mga bahagi ng pananalita at kalabisan ng salita. Sa antas ng sugnay, nangingibabaw ang hindi malinaw na pagpapahayag ng ideya, samantalang sa antas ng pangungusap ay pinakamarami ang maling paggamit at kawalan ng wastong bantas. Ipinakikita ng mga natuklasan na higit na nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng malinaw at organisadong mga ideya sa antas ng sugnay at pangungusap. Natukoy rin na ang mga pangunahing salik na nakaaapekto sa paglitaw ng mga sintaktikong kamalian ay kakulangan sa bokabularyo, kahirapan sa pagpapahayag ng mga ideya sa Filipino, impluwensya ng unang wika at wikang Ingles, kakulangan sa kaalaman sa mga tuntuning gramatikal, limitadong kasanayan sa pagsulat, at kahinaan sa organisasyon ng pag-iisip sa pagbuo ng mga ideya. Bilang tugon sa mga natuklasan, nakabuo ang mananaliksik ng kagamitang pampagkatuto na pinamagatang Linang-Sulat: Paglinang ng Sintaktik na Kasanayan sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto. Ito ay isang web-based at printed na modyul na naglalaman ng mga aralin, pagsasanay, at pagtataya na nakatuon sa paglinang ng wastong paggamit ng sintaks at pagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino.
Title: SINTAKTIKONG PAGSUSURI SA MGA SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
Description:
Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang mga sintaktikong kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino sa antas ng parirala, sugnay, at pangungusap, tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa paglitaw ng mga kamaliang ito, at makabuo ng kagamitang pampagkatuto bilang interbensiyon upang mapahusay ang kanilang sintaktikong kasanayan sa pagsulat.
Ginamit sa pag-aaral ang mixed-method na disenyo ng pananaliksik upang makalikom ng kapwa kwantitatibo at kwalitatibong datos.
Lumahok sa pag-aaral ang tatlumpung (30) mag-aaral sa Ikalabing-isang Baitang ng Jacinto P.
Elpa National High School sa Dibisyon ng Tandag City na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling.
Sinuri ang mga sanaysay at piling sulatin ng mga kalahok upang matukoy ang mga sintaktikong kamalian, habang isinagawa ang panayam upang matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa kanilang pagsulat.
Natuklasan na katamtaman ang antas ng sintaktikong kamalian sa antas ng parirala (M=14), samantalang mataas naman sa antas ng sugnay (M=17) at pangungusap (M=18).
Sa antas ng parirala, pinakakaraniwan ang maling pag-uugnay ng mga bahagi ng pananalita at kalabisan ng salita.
Sa antas ng sugnay, nangingibabaw ang hindi malinaw na pagpapahayag ng ideya, samantalang sa antas ng pangungusap ay pinakamarami ang maling paggamit at kawalan ng wastong bantas.
Ipinakikita ng mga natuklasan na higit na nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng malinaw at organisadong mga ideya sa antas ng sugnay at pangungusap.
Natukoy rin na ang mga pangunahing salik na nakaaapekto sa paglitaw ng mga sintaktikong kamalian ay kakulangan sa bokabularyo, kahirapan sa pagpapahayag ng mga ideya sa Filipino, impluwensya ng unang wika at wikang Ingles, kakulangan sa kaalaman sa mga tuntuning gramatikal, limitadong kasanayan sa pagsulat, at kahinaan sa organisasyon ng pag-iisip sa pagbuo ng mga ideya.
Bilang tugon sa mga natuklasan, nakabuo ang mananaliksik ng kagamitang pampagkatuto na pinamagatang Linang-Sulat: Paglinang ng Sintaktik na Kasanayan sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto.
Ito ay isang web-based at printed na modyul na naglalaman ng mga aralin, pagsasanay, at pagtataya na nakatuon sa paglinang ng wastong paggamit ng sintaks at pagpapahusay ng kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino.

Related Results

UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Ugnayan ng Gawi at Metakognitibong Kamalayan sa Estratehiya sa Pagbasa ng mga Mag-aaral: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagtuturo” ay isin...
Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11
Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11
Isinagawa ang quasi-experimental na pag-aaral na ito upang matukoy ang epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa baiting 11...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Tanging layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose Rizal, partikular ang El Filibusterismo, gayundin ang m...
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na it...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...

Back to Top