Javascript must be enabled to continue!
UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
View through CrossRef
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Ugnayan ng Gawi at Metakognitibong Kamalayan sa Estratehiya sa Pagbasa ng mga Mag-aaral: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagtuturo” ay isinagawa upang matukoy ang antas ng metakognitibong kamalayan sa mga estratehiya sa pagbasa, gawi sa pagbasa, at ang makabuluhang ugnayan ng mga ito sa demograpikong profayl ng mga mag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang kwantitatibong disenyo ng pananaliksik na nilapatan ng deskriptibong pamamaraan. Ang mga respondente ay binubuo ng 212 mag-aaral sa Baitang 11 mula sa Gamut National High School at Purisima National High School sa Munisipalidad ng Tago, Surigao del Sur. Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng stratified sampling at Random Picker upang matiyak ang patas at walang kinikilingang pagpili ng mga respondente. Ang mga datos ay nakalap gamit ang mga binago at inangkop na talatanungan mula sa Metacognitive Awareness of Reading Strategies Inventory (MARSI) nina Mokhtari at Sheorey (2002) at sa pag-aaral nina Oriogu et al. (2017) hinggil sa gawi sa pagbasa. Ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang frequency count, percentage, mean, weighted mean, Pearson Product-Moment Correlation, at Chi-Square Test of Independence. Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang karamihan sa mga respondente ay babae, may aklat bilang pangunahing babasahin sa tahanan, at may mga magulang na nagtapos sa antas sekondarya. Lumabas din na karamihan sa mga mag-aaral ay kabilang sa antas na Independent Reader. Sa antas ng metakognitibong kamalayan sa estratehiya sa pagbasa, ipinakita ng mga resulta na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral ang mga pandaigdigang estratehiya sa pagbasa, estratehiya sa paglutas ng suliranin, at mga pantulong na estratehiya. Samantala, sa gawi sa pagbasa, natuklasan na positibo ang kanilang pananaw sa kahalagahan ng pagbabasa at mas pinipili nilang basahin ang mga naratibong babasahin tulad ng maikling kuwento at mga tala ng leksiyon. Higit pa rito, lumabas sa pagsusuri na may makabuluhang ugnayan ang ilang aspekto ng demograpikong profayl sa gawi sa pagbasa. Napatunayan din na may makabuluhang ugnayan ang metakognitibong kamalayan sa estratehiya sa pagbasa at gawi sa pagbasa ng mga mag-aaral. Batay sa mga natuklasan, nakabuo ang mananaliksik ng isang kagamitang pampagtuturo na naglalayong higit pang mapalakas ang metakognitibong kamalayan at mapaunlad ang gawi sa pagbasa ng mga mag-aaral upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pag-unawa at pagkatuto.
Title: UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
Description:
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Ugnayan ng Gawi at Metakognitibong Kamalayan sa Estratehiya sa Pagbasa ng mga Mag-aaral: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagtuturo” ay isinagawa upang matukoy ang antas ng metakognitibong kamalayan sa mga estratehiya sa pagbasa, gawi sa pagbasa, at ang makabuluhang ugnayan ng mga ito sa demograpikong profayl ng mga mag-aaral.
Ginamit sa pag-aaral ang kwantitatibong disenyo ng pananaliksik na nilapatan ng deskriptibong pamamaraan.
Ang mga respondente ay binubuo ng 212 mag-aaral sa Baitang 11 mula sa Gamut National High School at Purisima National High School sa Munisipalidad ng Tago, Surigao del Sur.
Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng stratified sampling at Random Picker upang matiyak ang patas at walang kinikilingang pagpili ng mga respondente.
Ang mga datos ay nakalap gamit ang mga binago at inangkop na talatanungan mula sa Metacognitive Awareness of Reading Strategies Inventory (MARSI) nina Mokhtari at Sheorey (2002) at sa pag-aaral nina Oriogu et al.
(2017) hinggil sa gawi sa pagbasa.
Ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang frequency count, percentage, mean, weighted mean, Pearson Product-Moment Correlation, at Chi-Square Test of Independence.
Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang karamihan sa mga respondente ay babae, may aklat bilang pangunahing babasahin sa tahanan, at may mga magulang na nagtapos sa antas sekondarya.
Lumabas din na karamihan sa mga mag-aaral ay kabilang sa antas na Independent Reader.
Sa antas ng metakognitibong kamalayan sa estratehiya sa pagbasa, ipinakita ng mga resulta na karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral ang mga pandaigdigang estratehiya sa pagbasa, estratehiya sa paglutas ng suliranin, at mga pantulong na estratehiya.
Samantala, sa gawi sa pagbasa, natuklasan na positibo ang kanilang pananaw sa kahalagahan ng pagbabasa at mas pinipili nilang basahin ang mga naratibong babasahin tulad ng maikling kuwento at mga tala ng leksiyon.
Higit pa rito, lumabas sa pagsusuri na may makabuluhang ugnayan ang ilang aspekto ng demograpikong profayl sa gawi sa pagbasa.
Napatunayan din na may makabuluhang ugnayan ang metakognitibong kamalayan sa estratehiya sa pagbasa at gawi sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Batay sa mga natuklasan, nakabuo ang mananaliksik ng isang kagamitang pampagtuturo na naglalayong higit pang mapalakas ang metakognitibong kamalayan at mapaunlad ang gawi sa pagbasa ng mga mag-aaral upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pag-unawa at pagkatuto.
Related Results
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang p...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11
Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11
Isinagawa ang quasi-experimental na pag-aaral na ito upang matukoy ang epekto ng
interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa
baiting 11...
SINTAKTIKONG PAGSUSURI SA MGA SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
SINTAKTIKONG PAGSUSURI SA MGA SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang mga sintaktikong kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino sa antas ng parirala, sugnay, at pangungusap, tukuyin ang mga salik n...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar p...

