Javascript must be enabled to continue!
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
View through CrossRef
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay naglalayong malaman ang relasyon ng mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng komprehensyon sa pagbasa at akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa General Academic Track o GAS. Ang natuklasan ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa Kagawaran ng Edukasyon upang mas mapabuti ang kalidad ng pagtuturo, gayundin ang pagpapahusay ng akademikong pagganap ng mag-aaral. Ang mananaliksik ay nangasiwa ng pag-aaral gamit ang sampling na populasyon na may bilang na dalawampu (20) ng mga kalahok na nasa Baitang 11 ng GAS. Sa karagdagan, ang akademikong pagganap ng Baitang 11 na mag-aaral ay nagbase sa kanilang marka sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Unang Semestre ng Taong Panuruan 2022-2023. Napag-alamang napakataas ang natamo ng mga mag-aaral sa kabuoang estratehiya ng pagtuturo ng komprehensyon. Napag-alaman din na pinakatatangi ang akademikong pagganap ng mag-aaral sa General Academic Strand. Napag-alaman na walang makabuluhang pagkakaugnay sa pagitan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon at ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa GAS na kinuha bilang kabuoan sa kanilang pag-aaral at pag-unawa ng kanilang binasa na nangangahulugan na ang null hypothesis ay nabigong tanggihan. Napag-alaman din na walang makabuluhang pagkakaugnay sa pagitan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon at ng akademikong pagganap Ipinahihiwatig nito na anuman ang pag-unawa sa pagtuturo na isinagawa ng mga guro ay nagawa o natutunan pa rin ng mga mag-aaral sa paaralan. Inerekomenda ng mananaliksik ang paggawa ng vocabulary booklet upang malinang ang komprehensyon ng mga mag-aaral at ang pagdalo ng mga guro sa iba’t ibang pagsasanay upang makatuklas ng bagong estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon.
Keywords: Estratehiya, Komprehensyon, Pagtuturo, Akademikong Pagganap
Title: ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Description:
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay naglalayong malaman ang relasyon ng mga estratehiya ng mga guro sa pagtuturo ng komprehensyon sa pagbasa at akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa General Academic Track o GAS.
Ang natuklasan ng pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa Kagawaran ng Edukasyon upang mas mapabuti ang kalidad ng pagtuturo, gayundin ang pagpapahusay ng akademikong pagganap ng mag-aaral.
Ang mananaliksik ay nangasiwa ng pag-aaral gamit ang sampling na populasyon na may bilang na dalawampu (20) ng mga kalahok na nasa Baitang 11 ng GAS.
Sa karagdagan, ang akademikong pagganap ng Baitang 11 na mag-aaral ay nagbase sa kanilang marka sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Unang Semestre ng Taong Panuruan 2022-2023.
Napag-alamang napakataas ang natamo ng mga mag-aaral sa kabuoang estratehiya ng pagtuturo ng komprehensyon.
Napag-alaman din na pinakatatangi ang akademikong pagganap ng mag-aaral sa General Academic Strand.
Napag-alaman na walang makabuluhang pagkakaugnay sa pagitan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon at ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa GAS na kinuha bilang kabuoan sa kanilang pag-aaral at pag-unawa ng kanilang binasa na nangangahulugan na ang null hypothesis ay nabigong tanggihan.
Napag-alaman din na walang makabuluhang pagkakaugnay sa pagitan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon at ng akademikong pagganap Ipinahihiwatig nito na anuman ang pag-unawa sa pagtuturo na isinagawa ng mga guro ay nagawa o natutunan pa rin ng mga mag-aaral sa paaralan.
Inerekomenda ng mananaliksik ang paggawa ng vocabulary booklet upang malinang ang komprehensyon ng mga mag-aaral at ang pagdalo ng mga guro sa iba’t ibang pagsasanay upang makatuklas ng bagong estratehiya sa pagtuturo ng komprehensyon.
Keywords: Estratehiya, Komprehensyon, Pagtuturo, Akademikong Pagganap.
Related Results
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
Ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ay malaman ang estratehiya sa pagtuturo ng pamamahayag kaugnayan sa akademikong pagganap. Ang pag-aaral na ito ay may layuning kilal...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Modelong Eklektiko at Akademikong Pagganap sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Lampayan
Modelong Eklektiko at Akademikong Pagganap sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Lampayan
Abstrak
Layunin: Nilalayon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kahusayan at epekto ng paggamit ng Modelong Eklektiko (Basal Reading at Language Experience Approaches) sa akademikong...
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Ang mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ay isang suliranin kinakaharap ng buong bundo. Ang pananaliksik na ito nagsusuri sa ugnayan ng estratehiya at motibasyon sa pagbasa sa ka...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito
Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang kabisaan ng Project PAGASA (Pagkalinga at Gabay ng Guro, Asenso sa Mag-aaral) sa pagpapataas ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral sa ...
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epektibong paggamit ng code-switching bilang estratehiya sa diskurso ng klase upang mapataas ang antas ng pag-unawa at akademikong pagg...

