Javascript must be enabled to continue!
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
View through CrossRef
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kakulangan ng rehiyonal na akdang pampanitikan. Ito ay partikular na tutuklas sa mga hamon na kanilang kinakaharap, ang mga paraano ng pagharap na kanilang ginagamit, at ang kanilang mga pananaw kung paano tutulungan ang mga guro sa ganitong uri ng suliranin. Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga karanasan ng labing-apat (14) na mga guro sa Filipino 7 ng Sangay ng Dabaw Oryental at itutuon ang pananaliksik sa kanilang mga karanasan sa pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa kakulangan sa rehiyonal na akdang pampanitikan. Ang mga nasuring pahayag na mula sa tugon ng mga partisipante tungkol sa naranasang mga hamon ay ang mga sumusunod na tema: kahirapan sa paghahanap ng mapagkukunan ng mga rehiyonal na akda; kahirapan sa pagtalakay at pag-unawa sa akdang pinili; ipaghina ing isariling ipagkakakilanlan;I pagkawala ing iinteres ing imga imag-aaral; iat kawalan ng katiyakan sa kawastuhan ng mga akdang nakalap. Tungkol naman sa pamamaraan nila sa pagharap ng mga nasabing hamon, lumabas ang mga sumusunod na tema: pagiging mapamaraan sa pangangalap ng rehiyonal na akda; pagkakaroon ng motibasyong makapagbigay ng tamang kaalaman; pakikipagtulungan sa kapwa guro; at pagsangguni sa mga eksperto. Tungkol naman sa kanilang mga pananaw, lumutang ang mga sumusunod na tema: kahalagahan ng positibong pananaw bilang guro; pagpapalawig sa panrehiyunal na mga akda sa panitikan; at pagpapaigting sa pananaliksik ng mga guro. Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat naglalayong bigyan-diin ang kahalagahan ng rehiyonal na akda sa panitikan sa pagpapalalim ng kaalaman at pag-unawa ng mga guro sa Filipino. Sa pamamagitan nito, maaaring mapalawak ang saklaw ng pag-aaral sa Filipino at maipakita ang kahalagahan ng kultura at panitikang lokal sa lipunan.
MGA SUSING SALITA: guro sa Filipino 7, rehiyonal na akda, panitikan, mga mag-aaral, probinsya ng Dabaw Oryental
Title: PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
Description:
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kakulangan ng rehiyonal na akdang pampanitikan.
Ito ay partikular na tutuklas sa mga hamon na kanilang kinakaharap, ang mga paraano ng pagharap na kanilang ginagamit, at ang kanilang mga pananaw kung paano tutulungan ang mga guro sa ganitong uri ng suliranin.
Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga karanasan ng labing-apat (14) na mga guro sa Filipino 7 ng Sangay ng Dabaw Oryental at itutuon ang pananaliksik sa kanilang mga karanasan sa pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa kakulangan sa rehiyonal na akdang pampanitikan.
Ang mga nasuring pahayag na mula sa tugon ng mga partisipante tungkol sa naranasang mga hamon ay ang mga sumusunod na tema: kahirapan sa paghahanap ng mapagkukunan ng mga rehiyonal na akda; kahirapan sa pagtalakay at pag-unawa sa akdang pinili; ipaghina ing isariling ipagkakakilanlan;I pagkawala ing iinteres ing imga imag-aaral; iat kawalan ng katiyakan sa kawastuhan ng mga akdang nakalap.
Tungkol naman sa pamamaraan nila sa pagharap ng mga nasabing hamon, lumabas ang mga sumusunod na tema: pagiging mapamaraan sa pangangalap ng rehiyonal na akda; pagkakaroon ng motibasyong makapagbigay ng tamang kaalaman; pakikipagtulungan sa kapwa guro; at pagsangguni sa mga eksperto.
Tungkol naman sa kanilang mga pananaw, lumutang ang mga sumusunod na tema: kahalagahan ng positibong pananaw bilang guro; pagpapalawig sa panrehiyunal na mga akda sa panitikan; at pagpapaigting sa pananaliksik ng mga guro.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat naglalayong bigyan-diin ang kahalagahan ng rehiyonal na akda sa panitikan sa pagpapalalim ng kaalaman at pag-unawa ng mga guro sa Filipino.
Sa pamamagitan nito, maaaring mapalawak ang saklaw ng pag-aaral sa Filipino at maipakita ang kahalagahan ng kultura at panitikang lokal sa lipunan.
MGA SUSING SALITA: guro sa Filipino 7, rehiyonal na akda, panitikan, mga mag-aaral, probinsya ng Dabaw Oryental.
Related Results
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay galugarin ang mga karanasan ng mga guro sa elementarya na nagtuturo ng Filipino sa ika-21 siglo. Sinusuri nito ang kanilang mga pananaw, mga nata...
PAGGALUGAD SA MGA KARANASAN NG MGA GURO NA NASA GINTONG PANAHONG NG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO GAMIT ANG MAKABAGONG LARONG PANG-EDUKASYON
PAGGALUGAD SA MGA KARANASAN NG MGA GURO NA NASA GINTONG PANAHONG NG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO GAMIT ANG MAKABAGONG LARONG PANG-EDUKASYON
Layunin ng penomenolohiyang pananaliksik na ito ay masuri, matukoy, at maunawaan ang karanasan ng labing-apat (14) na guro na nasa gintong panahon ng pagtuturo sa paggamit ng makab...
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na it...
Epekto ng Pagbabago ng ekonomiya sa pamilya at komunidad: Pagsusuri sa mga hamon at oportunidad batay sa pananaw ng mga guro at ulong guro sa Ika-5 Distrito ng Isabela
Epekto ng Pagbabago ng ekonomiya sa pamilya at komunidad: Pagsusuri sa mga hamon at oportunidad batay sa pananaw ng mga guro at ulong guro sa Ika-5 Distrito ng Isabela
Sa nakalipas na mga taon, ang Pilipinas ay nakaranas ng malalaking pagbabagong pangekonomiya na may malalim na epekto sa pamilya, komunidad, at sektor ng edukasyon.
Gayunpaman, nan...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkat etnikong nan...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...

