Javascript must be enabled to continue!
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
View through CrossRef
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkat etnikong nanirahan dito. Sila rin ang unang nagpangalan sa ilan sa mga pook ng Iligan kung kaya, layunin ng papel na masuri ang mga piling pook-pangalan batay sa kanilang konteksto at masilip ang sinaunang pamayanan sa Iligan gamit ang kabilin ng mga Higaunon.
Ang onomastikong pag-aaral na ito ay gumamit ng etnohistorikal na pamamaraan sa pagkalap ng mga datos mula sa larang at artsibo, kabilang na ang pakikipanayam, ginabayang talakayan, at pagsusuri sa mga naririyang dokumento, upang maipaliwanag ang mga sumusunod na suliranin ng papel:
1. Ano ang kaugnayan ng mga pook-pangalan sa pagdungaw sa nakaraan?
2. Bakit maituturing na kabilin ng mga nakaraang Higaunon ang mga pook-pangalan sa Iligan?
3. Papaanong pinapalitaw at inilalarawan ng mga piling pook-pangalan ang sinaunang pamayanan ng mga Higaunon?
4. Papaano mapapangalagaan ang mga katutubong pook-pangalan bilang kabilin sa gitna ng pagbabago ng panahon at lipunan?
Ang pagtatampok at pagsusuri sa mga piling pook-pangalan ng mga Higaunon ay nagpapatibay sa kahalagahan at kabuluhan nito sa pagsasalamin sa ilang aspekto ng kanilang sinaunang pamayanan, katulad ng kabuhayan, kapaligiran at kasaysayan. Napatunayan din ng papel ang historikal na kagamitan ng mga pook-pangalan sa patuloy na pagsusumikap na mabuo at lubos na maunawaan ang kalinangan at kasaysayan ng mga bayan sa Pilipinas sa tulong ng mga di-tala o di-kumbensyunal na batis. Isinusulong din ng pag-aaral na ito ang pagpapanday ng mga simulain o batas na mangangalaga sa mga pook-pangalang Higaunon mula sa mga panlipunang pagbabago na bubura sa kanila bilang kabilin ng nakaraan na durungawan ng kasalukuyang henerasyon.
Mga Susing Salita: Pook-Pangalan, Higaunon, Iligan, Kabilin, Sinaunang Pamayanan
Title: Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Description:
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkat etnikong nanirahan dito.
Sila rin ang unang nagpangalan sa ilan sa mga pook ng Iligan kung kaya, layunin ng papel na masuri ang mga piling pook-pangalan batay sa kanilang konteksto at masilip ang sinaunang pamayanan sa Iligan gamit ang kabilin ng mga Higaunon.
Ang onomastikong pag-aaral na ito ay gumamit ng etnohistorikal na pamamaraan sa pagkalap ng mga datos mula sa larang at artsibo, kabilang na ang pakikipanayam, ginabayang talakayan, at pagsusuri sa mga naririyang dokumento, upang maipaliwanag ang mga sumusunod na suliranin ng papel:
1.
Ano ang kaugnayan ng mga pook-pangalan sa pagdungaw sa nakaraan?
2.
Bakit maituturing na kabilin ng mga nakaraang Higaunon ang mga pook-pangalan sa Iligan?
3.
Papaanong pinapalitaw at inilalarawan ng mga piling pook-pangalan ang sinaunang pamayanan ng mga Higaunon?
4.
Papaano mapapangalagaan ang mga katutubong pook-pangalan bilang kabilin sa gitna ng pagbabago ng panahon at lipunan?
Ang pagtatampok at pagsusuri sa mga piling pook-pangalan ng mga Higaunon ay nagpapatibay sa kahalagahan at kabuluhan nito sa pagsasalamin sa ilang aspekto ng kanilang sinaunang pamayanan, katulad ng kabuhayan, kapaligiran at kasaysayan.
Napatunayan din ng papel ang historikal na kagamitan ng mga pook-pangalan sa patuloy na pagsusumikap na mabuo at lubos na maunawaan ang kalinangan at kasaysayan ng mga bayan sa Pilipinas sa tulong ng mga di-tala o di-kumbensyunal na batis.
Isinusulong din ng pag-aaral na ito ang pagpapanday ng mga simulain o batas na mangangalaga sa mga pook-pangalang Higaunon mula sa mga panlipunang pagbabago na bubura sa kanila bilang kabilin ng nakaraan na durungawan ng kasalukuyang henerasyon.
Mga Susing Salita: Pook-Pangalan, Higaunon, Iligan, Kabilin, Sinaunang Pamayanan.
Related Results
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kaku...
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay galugarin ang mga karanasan ng mga guro sa elementarya na nagtuturo ng Filipino sa ika-21 siglo. Sinusuri nito ang kanilang mga pananaw, mga nata...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na it...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
PRAKTIKAL AT EKPERYENSIYAL NA PAGTATAYA SA MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO: BATAYAN SA PAGBUO NG INTERVENTION PLAN
PRAKTIKAL AT EKPERYENSIYAL NA PAGTATAYA SA MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO: BATAYAN SA PAGBUO NG INTERVENTION PLAN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang praktikal at eksperyensiyal na pagtataya sa mga gawain sa pagkatuto sa Filipino sa Piling Larang-Akademiko ng mga mag-aaral mula s...

