Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya

View through CrossRef
Ginalugad nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino bilang frontliner ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pagsabay sa mga pangangailangan ng bagong kadawyan. Sinuri rin nito ang hamon at motibasyon ng mga guro sa pagtuturo sa kasagsagan ng COVID-19 pandemya. Ginamit sa pag-aaral ang penomenolohikal na pananaliksik at Collaizi’s seven steps of data analysis. Labinlimang guro sa Filipino ang napili gamit ang purposive sampling at sinangguni upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagtuturo sa panahon ng pandemya. Natuklasan sa pag-aaral ang mga hamon sa pagtuturo gaya ng usad-pagong na internet connection, pagbuo, pagkolekta at pagwawasto ng modyul, banta sa pisikal at mental na kalusugan, at kakulangan sa gadget at iba pang learning resources. Samantala, ang motibasyon naman ng mga guro sa pagtuturo ay may temang mag-aaral ang puso ng pagtuturo, breadwinner si titser, kagustuhan at komitment sa sinumpaang propesyon, at pamilya ang lakas at sandigan sa pagtuturo. Kung kaya, ang motibasyon ng mga guro sa Filipino ay humihimok sa kanila upang paghusayan ang pagpapaabot ng kalidad na edukasyon sa kabila ng banta ng pandemyang COVID-19.
Philippine Normal University
Title: Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya
Description:
Ginalugad nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino bilang frontliner ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pagsabay sa mga pangangailangan ng bagong kadawyan.
Sinuri rin nito ang hamon at motibasyon ng mga guro sa pagtuturo sa kasagsagan ng COVID-19 pandemya.
Ginamit sa pag-aaral ang penomenolohikal na pananaliksik at Collaizi’s seven steps of data analysis.
Labinlimang guro sa Filipino ang napili gamit ang purposive sampling at sinangguni upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa pagtuturo sa panahon ng pandemya.
Natuklasan sa pag-aaral ang mga hamon sa pagtuturo gaya ng usad-pagong na internet connection, pagbuo, pagkolekta at pagwawasto ng modyul, banta sa pisikal at mental na kalusugan, at kakulangan sa gadget at iba pang learning resources.
Samantala, ang motibasyon naman ng mga guro sa pagtuturo ay may temang mag-aaral ang puso ng pagtuturo, breadwinner si titser, kagustuhan at komitment sa sinumpaang propesyon, at pamilya ang lakas at sandigan sa pagtuturo.
Kung kaya, ang motibasyon ng mga guro sa Filipino ay humihimok sa kanila upang paghusayan ang pagpapaabot ng kalidad na edukasyon sa kabila ng banta ng pandemyang COVID-19.

Related Results

PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kaku...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...
Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya
Ang Guro bilang Frontliner: Karanasan ng mga Guro sa Filipino sa Panahon ng Pandemya
Ginalugad nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino bilang frontliner ng edukasyon sa panahon ng pandemya sa pagsabay sa mga pangangailangan ng bagong kadawyan. Sinuri rin nito an...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkat etnikong nan...

Back to Top