Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino

View through CrossRef
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang historiograpikal na pagsipat, tatalakayin sa papel ang pangkasaysayang kahalagahan kaugnay ng pagbabago at pag-unlad ng tradisyon ng pananamit at istilo sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nais na ipakita ng may-akda sa papel ang isang historiograpikong pag-unawa at bigyang halaga ang kasuotan sa pangkalahatan bilang isang cultural currency at kaparaanan sa paglikha ng panlipunang identidad ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng gagawing pagsusuri sa pamanang saplot o kasuotan at platapormang artistiko ng moda sa partikular, titingnan sa papel ang tradisyon ng pananamit sa nakaraan hindi lamang bilang ekspresyong kultural, kundi isang mahalagang batis ng impormasyon sa pagsasakasaysayang Pilipino. Sa pag-aaral, ang mga di-kumbensyonal na mga batis na ginamit mula sa UP College of Home Economics, National Museum of the Philippines, at Aga Khan Museum ng MSU – sa Lungsod ng Marawi, ay walang pag-aalinlangang repositoryo o baul ng mga pangmodang ekspresyon, di dokumentaryong mga batis, at nagtatampok kung gayon ng ideyang meta-komunikasyon na dinalumat ni Gregory Bateson at ng meta-naratibo na ipinalaganap naman halimbawa sa kabilang dako nina E.P. Thompson, Michel Foucault, at Jean Scott. Mahalaga ang paghahango ng mga meta-mensahe sa pagsasakasaysayan gamit ang platapormang modang sining ng mga Pilipino. Sa akda, ginamit na conceptual tool ang linggwistiko konstrak ng “ka-suot-an” upang bigyang halaga ang ideya ng “saplot” sa katawan na organikong nakaugnay sa gawain ng mga Pilipino ng “pagsu-suot,” “pagbi-bihis,” at “pagda-damit.” Makabuluhan ang gawaing ito sa pagsilip sa pagpapasundayag moda upang makabuo ng kaalamang pangkasaysayan mula sa nasabing pamanang saplot o kasuotan at modang sining. Sa pag-aaral, ginamit ng may akda ang Teorya ng Pamanang Kultural (TPT) upang sipatin ang kahalagahan ng kasuotan bilang bahagi ng yamang kultural at pinaghanguan ng artistikong platapormang moda na ginamit ng mga Pilipino. Sa pamamagitan TPT, napansin sa isinagawang pag-aaral ang saysay ng pagkakaugnay ng kasuotan sa tradisyon, kultura, at identidad ng mga Pilipino sa paghahango ng mga meta-mensaheng mapagsasampayan ng mga meta-naratibong pangkasaysayan. Mga Susing Salita: Historiograpiya, Kasuotan sa Pagsasakasaysayan, Meta-komunikasyon, Meta-mensahe, Meta-naratibo, at Pagsasakasaysayang Pilipino
Title: Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Description:
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng isang historiograpikal na pagsipat, tatalakayin sa papel ang pangkasaysayang kahalagahan kaugnay ng pagbabago at pag-unlad ng tradisyon ng pananamit at istilo sa iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nais na ipakita ng may-akda sa papel ang isang historiograpikong pag-unawa at bigyang halaga ang kasuotan sa pangkalahatan bilang isang cultural currency at kaparaanan sa paglikha ng panlipunang identidad ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng gagawing pagsusuri sa pamanang saplot o kasuotan at platapormang artistiko ng moda sa partikular, titingnan sa papel ang tradisyon ng pananamit sa nakaraan hindi lamang bilang ekspresyong kultural, kundi isang mahalagang batis ng impormasyon sa pagsasakasaysayang Pilipino.
Sa pag-aaral, ang mga di-kumbensyonal na mga batis na ginamit mula sa UP College of Home Economics, National Museum of the Philippines, at Aga Khan Museum ng MSU – sa Lungsod ng Marawi, ay walang pag-aalinlangang repositoryo o baul ng mga pangmodang ekspresyon, di dokumentaryong mga batis, at nagtatampok kung gayon ng ideyang meta-komunikasyon na dinalumat ni Gregory Bateson at ng meta-naratibo na ipinalaganap naman halimbawa sa kabilang dako nina E.
P.
Thompson, Michel Foucault, at Jean Scott.
Mahalaga ang paghahango ng mga meta-mensahe sa pagsasakasaysayan gamit ang platapormang modang sining ng mga Pilipino.
Sa akda, ginamit na conceptual tool ang linggwistiko konstrak ng “ka-suot-an” upang bigyang halaga ang ideya ng “saplot” sa katawan na organikong nakaugnay sa gawain ng mga Pilipino ng “pagsu-suot,” “pagbi-bihis,” at “pagda-damit.
” Makabuluhan ang gawaing ito sa pagsilip sa pagpapasundayag moda upang makabuo ng kaalamang pangkasaysayan mula sa nasabing pamanang saplot o kasuotan at modang sining.
Sa pag-aaral, ginamit ng may akda ang Teorya ng Pamanang Kultural (TPT) upang sipatin ang kahalagahan ng kasuotan bilang bahagi ng yamang kultural at pinaghanguan ng artistikong platapormang moda na ginamit ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan TPT, napansin sa isinagawang pag-aaral ang saysay ng pagkakaugnay ng kasuotan sa tradisyon, kultura, at identidad ng mga Pilipino sa paghahango ng mga meta-mensaheng mapagsasampayan ng mga meta-naratibong pangkasaysayan.
Mga Susing Salita: Historiograpiya, Kasuotan sa Pagsasakasaysayan, Meta-komunikasyon, Meta-mensahe, Meta-naratibo, at Pagsasakasaysayang Pilipino.

Related Results

Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...
Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
Ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ang nagpakilala sa mga sinaunang Pilipino ng mga tradisyon at kultura ng kanluraning mundo. Ang Kristiyanisasyon ng Pilipinas ay hindi mapa...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...

Back to Top