Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Ang Bagong Historiograpiya at Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino

View through CrossRef
Ang artikulong ito na may pamagat na “Ang Bagong Historiograpiyang Pilipino at ang Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino” ay naglalayong magbunyag ng limitasyon ng teleolohikal at kanonikal na kasaysayan sa Pilipinas—isang salaysay o naratibong linyar, monolitiko, opisyal, at autoritatibo—upang maglatag ng alternatibong pagsipat sa nakaraan gamit ang pampamanang historiograpiya (heritage historiography) at mapaghabing kasaysayan (entangled history). Nais ipakita sa pag-aaral na ang transkulturang pamana ng mga Pilipino ay hindi lamang hiwalay na baul ng mga danas at gunita (Villan 2020) ng sinasapantahang “purong kultura”, kundi mula sa dunong katutubo (IKSP) (Rodriguez 2021), isang masalimuot na habi ng ugnayan, daloy ng transaksyon, at sadyang pag-aangkin mula sa iba’t ibang pinagmulan at ahensiyang pangkasaysayan (historical agency). Nakabatay ang metodolohiyang ginamit sa kritikal na pagsusuri ng mga anyo ng pamana—pangkatawan at lunan, tahanan at bayan, panlipunan at pampamayanang arkitektura, pang-institusyon at pangkagawaran, wika at pangkulturang pananagisag, panlipunang ritwal at seremonya, at pampasundayag ng panlipunang aktibidad—sa mga kongkretong ebidensya ng transkultural na katangiang Pilipino. Tatlong lente ang ginamit sa pag-aaral: (1) panloob na pagbasa upang ipakita ang pagbawi ng tinig mula sa kolonyal na anino; (2) pag-aangkin o subersyong pangkultura upang susugan ang ideyang “third space” ng iskolar na si Homi Bhabha hinggil sa paglikha ng kakanyahan (ng Pilipino); at (3) pakikipag-alabay upang maipook ang pamana sa pandaigdigang daloy ng diaspora at transnasyonal na pakikipag-ugnayan (Villan 2025). Malinaw na ang kontribusyon ng pag-aaral ay ang pag-aanyo ng bagong historiograpiyang balangkas na nakaugat sa transkultural na pananaw, na may implikasyon sa pangkasaysayang pananaliksik at pagtuturo. Sa huli, ipinapanukala ang isang historiograpiyang Pilipino na bukas, plural, at pandaigdig—nakaugat nang malinaw sa lokal ngunit nakikipag-ugnayan sa mga karatig-pook (translocal), rehiyon (transregional), at pandaigdig (transnational / global). Mga Susing-salita: Bagong Kasaysayan (New History), Pamanang Transkultural (Transcultural Heritage), Magkakaugnay na Kasaysayan (Entangled History), Pakikipag-alabay (Alliances), Kakanyahang Pilipino (Filipino Identity)
Title: Ang Bagong Historiograpiya at Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino
Description:
Ang artikulong ito na may pamagat na “Ang Bagong Historiograpiyang Pilipino at ang Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino” ay naglalayong magbunyag ng limitasyon ng teleolohikal at kanonikal na kasaysayan sa Pilipinas—isang salaysay o naratibong linyar, monolitiko, opisyal, at autoritatibo—upang maglatag ng alternatibong pagsipat sa nakaraan gamit ang pampamanang historiograpiya (heritage historiography) at mapaghabing kasaysayan (entangled history).
Nais ipakita sa pag-aaral na ang transkulturang pamana ng mga Pilipino ay hindi lamang hiwalay na baul ng mga danas at gunita (Villan 2020) ng sinasapantahang “purong kultura”, kundi mula sa dunong katutubo (IKSP) (Rodriguez 2021), isang masalimuot na habi ng ugnayan, daloy ng transaksyon, at sadyang pag-aangkin mula sa iba’t ibang pinagmulan at ahensiyang pangkasaysayan (historical agency).
Nakabatay ang metodolohiyang ginamit sa kritikal na pagsusuri ng mga anyo ng pamana—pangkatawan at lunan, tahanan at bayan, panlipunan at pampamayanang arkitektura, pang-institusyon at pangkagawaran, wika at pangkulturang pananagisag, panlipunang ritwal at seremonya, at pampasundayag ng panlipunang aktibidad—sa mga kongkretong ebidensya ng transkultural na katangiang Pilipino.
Tatlong lente ang ginamit sa pag-aaral: (1) panloob na pagbasa upang ipakita ang pagbawi ng tinig mula sa kolonyal na anino; (2) pag-aangkin o subersyong pangkultura upang susugan ang ideyang “third space” ng iskolar na si Homi Bhabha hinggil sa paglikha ng kakanyahan (ng Pilipino); at (3) pakikipag-alabay upang maipook ang pamana sa pandaigdigang daloy ng diaspora at transnasyonal na pakikipag-ugnayan (Villan 2025).
Malinaw na ang kontribusyon ng pag-aaral ay ang pag-aanyo ng bagong historiograpiyang balangkas na nakaugat sa transkultural na pananaw, na may implikasyon sa pangkasaysayang pananaliksik at pagtuturo.
Sa huli, ipinapanukala ang isang historiograpiyang Pilipino na bukas, plural, at pandaigdig—nakaugat nang malinaw sa lokal ngunit nakikipag-ugnayan sa mga karatig-pook (translocal), rehiyon (transregional), at pandaigdig (transnational / global).
Mga Susing-salita: Bagong Kasaysayan (New History), Pamanang Transkultural (Transcultural Heritage), Magkakaugnay na Kasaysayan (Entangled History), Pakikipag-alabay (Alliances), Kakanyahang Pilipino (Filipino Identity).

Related Results

Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang his...
Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Hugot mula sa ideyang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Español at Amerikano sa kanilang ginawang...
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
TANIKALANG GINTO SA BAGONG KADAWYAN: MGA HAMON NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG PANANALIKSIK
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang mga hamong naranasan ng mga mag-aaral sa asignaturang pananaliksik sa bagong kadawyan. Ang sinasaklaw sa pag-aaral na it...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas
Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas
Hindi lamang makikita ang pagiging tradisyonal na akdang pangkasaysayan sa uri ng datos na ginagamit, kundi maging sa tinutuntungang perspektiba at praxis pangkasaysayan na ginagam...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas. Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kali...
Angiotensin-(1-7) improves blood pressure and cardiovascular autonomic function in human aging
Angiotensin-(1-7) improves blood pressure and cardiovascular autonomic function in human aging
Background: Aging is the largest independent risk factor for developing hypertension and cardiovascular disease (CVD); however, the molecular mechanisms underlying age-related CVD ...

Back to Top