Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino

View through CrossRef
Hugot mula sa ideyang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Español at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas. Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging kolonyal ng mga mananakop sa Pilipinas. Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay Jose Rizal ng mga mananakop. Uunawain sa ginawang pananaliksik ang naging saysay niya sa loob ng pangkalinangang pamana at sagisag na panlahi ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsasawalang bisa at pagpapahina sa damdaming bayan o nasyonalismong isinasagisag ni Rizal, nagtagumpay ang mga Amerikano na demoralisahin iyon gamit ang kinagisnang ideya sa pamana. Sa pagsusuri, ang panlipunang halagahin mula sa pangkalinangang pamana sa anito ang ginamit ng kolonyal na estadong Español para sa mitipikasyon o pagsasaalamat tungkol sa kapangyarihan ng ikonograpiyang panrelihiyon. Iniangkas ng mga Español ang kanilang dala-dalang santo sa naririyang pumapaimbulog na gawain sa pag-aanito upang saklutin mula rito ang espiritwal na kapangyarihan sa loob ng kalinangan at lipunang Pilipino. Sa ganitong diwa, tinularan ng US ang kanilang ideyang sekular gamit ang pagbabantayog o pagtatag ng monumento para kay Rizal upang maisingkaw rito ang pagkauhaw sa edukasyon ng mga Pilipino. Naging daan ang pangkalinangang subersyong ito para dominahin ng US ang larang na intelektwal sa Pilipinas gamit si Rizal bilang geopolitikal na pananagisag. Nilalayon ng papel na ito sa pangkalahatan na tayahin ang praktikang geopolitikal ng imperyalistang kapangyarihan. Mag-aambag sa madaling salita sa partikular ang pag-aaral hinggil sa pagpapalawak, pagpapayabong, at paglalaman sa pampamanang pag-aaral (Heritage Studies), pagpapalawig sa diskursong Rizal (Rizal Discourse), at pagpapaunlad ng historiograpiyang Pilipino (Philippine Historiography).
Title: Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Description:
Hugot mula sa ideyang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Español at Amerikano sa kanilang ginawang pananakop sa Pilipinas.
Ito’y bagamat may subersyon ding isinagawa si Jose Rizal sa kolonyalismo, hindi nangangahulugang pagtutuunan sa papel ang nasabing paksa upang higit na makita ang naging hakbanging kolonyal ng mga mananakop sa Pilipinas.
Gamit ang lapit na singkroniko at diakroniko, sisipatin sa gagawing pag-aaral ang materyal na kulturang pinagkaugatan ng ginawang pangkalinangang subersyon kay Jose Rizal ng mga mananakop.
Uunawain sa ginawang pananaliksik ang naging saysay niya sa loob ng pangkalinangang pamana at sagisag na panlahi ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagsasawalang bisa at pagpapahina sa damdaming bayan o nasyonalismong isinasagisag ni Rizal, nagtagumpay ang mga Amerikano na demoralisahin iyon gamit ang kinagisnang ideya sa pamana.
Sa pagsusuri, ang panlipunang halagahin mula sa pangkalinangang pamana sa anito ang ginamit ng kolonyal na estadong Español para sa mitipikasyon o pagsasaalamat tungkol sa kapangyarihan ng ikonograpiyang panrelihiyon.
Iniangkas ng mga Español ang kanilang dala-dalang santo sa naririyang pumapaimbulog na gawain sa pag-aanito upang saklutin mula rito ang espiritwal na kapangyarihan sa loob ng kalinangan at lipunang Pilipino.
Sa ganitong diwa, tinularan ng US ang kanilang ideyang sekular gamit ang pagbabantayog o pagtatag ng monumento para kay Rizal upang maisingkaw rito ang pagkauhaw sa edukasyon ng mga Pilipino.
Naging daan ang pangkalinangang subersyong ito para dominahin ng US ang larang na intelektwal sa Pilipinas gamit si Rizal bilang geopolitikal na pananagisag.
Nilalayon ng papel na ito sa pangkalahatan na tayahin ang praktikang geopolitikal ng imperyalistang kapangyarihan.
Mag-aambag sa madaling salita sa partikular ang pag-aaral hinggil sa pagpapalawak, pagpapayabong, at paglalaman sa pampamanang pag-aaral (Heritage Studies), pagpapalawig sa diskursong Rizal (Rizal Discourse), at pagpapaunlad ng historiograpiyang Pilipino (Philippine Historiography).

Related Results

Ang Bagong Historiograpiya at Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino
Ang Bagong Historiograpiya at Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino
Ang artikulong ito na may pamagat na “Ang Bagong Historiograpiyang Pilipino at ang Transkultural na Pamana sa Pagsasakasaysayang Pilipino” ay naglalayong magbunyag ng limitasyon ng...
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang his...
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas. Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kali...
Historyograpikong pagbasa sa mga piling biopic ayon sa mga modelo ng pagsasakasaysayan ni Friedrich Nietzsche
Historyograpikong pagbasa sa mga piling biopic ayon sa mga modelo ng pagsasakasaysayan ni Friedrich Nietzsche
The study examines the historiography within selected biopics that feature the lives of Philippine heroes Andres Bonifacio (1863-1897), Emilio Aguinaldo (1869-1964), Antonio Luna (...
Si Jose Rizal sa Paglingon sa Maningning na Nakaraan ng Pilipinas
Si Jose Rizal sa Paglingon sa Maningning na Nakaraan ng Pilipinas
Lingid sa kaalaman ng marami, nag-anotasyon si Jose Rizal sa “Sucesos de las Islas Filipinas” ni Antonio Morga na resulta ng kaniyang pananaliksik tungkol sa sinaunang kasaysayan n...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...

Back to Top