Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas

View through CrossRef
Hindi lamang makikita ang pagiging tradisyonal na akdang pangkasaysayan sa uri ng datos na ginagamit, kundi maging sa tinutuntungang perspektiba at praxis pangkasaysayan na ginagamit ng may-akda. Ibabahagi sa papel na ito ang isang uri ng ekspresibong kultura tulad ng larong sungka bilang pamanang bayan at ekspresibong kultura. Bilang isang halimbawa ng panlipunang produksyon, ang larong sungka sa pangkalahatan ay pumapapel hindi lamang libangan ng mamamayan sa panahon ng kahupaan at kalungkutan, kundi gumagampan din ito higit sa lahat ng kapahayagang kultural at mayamang batis ng impormasyon sa pagbuo ng kaalamang pangkasaysayan sa Pilipinas. Sa pangkalahatang sipat, tinutugunan ng pag-aaral na ito ang kakulangan ng tradisyonal na historiograpiya na sumasalok lamang ng impormasyon mula sa dokumentaryong batis sa pagbuo ng kaalamang pangkasaysayan. Sa pagsasakasaysayang Pilipino, marapat samakatuwid ang paggamit ng perspektibang pangkasaysayang nakaugat sa sariling pookkalinangan, aplikasyon ng interdisiplinaryong lapit, paghagilap sa di-kumbensyunal na mga batis, ekplorasyon ng mga paradigm o mga modelong pangkasaysayan, at paghahabi ng naratibong pangkasaysayang sandig sa metanaratibong pangkasaysayan. Tinitindigan ng may-akda na nakasalalay sa organiko, ingklusibo at nakasalig-sa-kalinangang uri ng historiograpiyang magsasakapangyarihan sa bayan ang nararapat na isasagawang pagtuklas hinggil sa epistemolohikal na batayan ng pagbuo ng kaalamang pangkasaysayan, ontolohikal na konsiderasyon sa pagsasakasaysayan, at pagpagpapalawak ng larang pangkasaysayang lampas sa naratibo o pagsasalaysay ng mga fact o detalye. Sa kabuuan, bibigyang liwanag sa akdang ito ang pag-igpaw papalayo sa positibismo at interpretibismong historiograpiya para sa panloob na pagdadalumat ng kaalamang pangkasaysayang tumutugon sa simulaing pangkaunlaran sa Pilipinas. Sa pagpapaksa hinggil sa larong sungka, inaasahang ang akdang ito ay maghahatid sa atin tungo sa pagsasakatuparan ng nasabing mga layunin. Mga Susing Salita: Katutubong Laro, Sungka, Pamanang Kultural, Ekspresibong Kultura, Panlipunang Produksyon
Title: Ang Larong Sungka Bilang Pamanang Bayan sa Pananaliksik at Pagbuo ng Kaalamang Pangkasaysayan sa Pilipinas
Description:
Hindi lamang makikita ang pagiging tradisyonal na akdang pangkasaysayan sa uri ng datos na ginagamit, kundi maging sa tinutuntungang perspektiba at praxis pangkasaysayan na ginagamit ng may-akda.
Ibabahagi sa papel na ito ang isang uri ng ekspresibong kultura tulad ng larong sungka bilang pamanang bayan at ekspresibong kultura.
Bilang isang halimbawa ng panlipunang produksyon, ang larong sungka sa pangkalahatan ay pumapapel hindi lamang libangan ng mamamayan sa panahon ng kahupaan at kalungkutan, kundi gumagampan din ito higit sa lahat ng kapahayagang kultural at mayamang batis ng impormasyon sa pagbuo ng kaalamang pangkasaysayan sa Pilipinas.
Sa pangkalahatang sipat, tinutugunan ng pag-aaral na ito ang kakulangan ng tradisyonal na historiograpiya na sumasalok lamang ng impormasyon mula sa dokumentaryong batis sa pagbuo ng kaalamang pangkasaysayan.
Sa pagsasakasaysayang Pilipino, marapat samakatuwid ang paggamit ng perspektibang pangkasaysayang nakaugat sa sariling pookkalinangan, aplikasyon ng interdisiplinaryong lapit, paghagilap sa di-kumbensyunal na mga batis, ekplorasyon ng mga paradigm o mga modelong pangkasaysayan, at paghahabi ng naratibong pangkasaysayang sandig sa metanaratibong pangkasaysayan.
Tinitindigan ng may-akda na nakasalalay sa organiko, ingklusibo at nakasalig-sa-kalinangang uri ng historiograpiyang magsasakapangyarihan sa bayan ang nararapat na isasagawang pagtuklas hinggil sa epistemolohikal na batayan ng pagbuo ng kaalamang pangkasaysayan, ontolohikal na konsiderasyon sa pagsasakasaysayan, at pagpagpapalawak ng larang pangkasaysayang lampas sa naratibo o pagsasalaysay ng mga fact o detalye.
Sa kabuuan, bibigyang liwanag sa akdang ito ang pag-igpaw papalayo sa positibismo at interpretibismong historiograpiya para sa panloob na pagdadalumat ng kaalamang pangkasaysayang tumutugon sa simulaing pangkaunlaran sa Pilipinas.
Sa pagpapaksa hinggil sa larong sungka, inaasahang ang akdang ito ay maghahatid sa atin tungo sa pagsasakatuparan ng nasabing mga layunin.
Mga Susing Salita: Katutubong Laro, Sungka, Pamanang Kultural, Ekspresibong Kultura, Panlipunang Produksyon.

Related Results

Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang his...
“Tabi-Tabi-Folkloradyo!” Ng DZUP1602 – dzup.org: Pagmumuni-Muni Sa Kaalamang-Bayan At Gawaing EkstensyonNg Talastasan Sa Himpapawid
“Tabi-Tabi-Folkloradyo!” Ng DZUP1602 – dzup.org: Pagmumuni-Muni Sa Kaalamang-Bayan At Gawaing EkstensyonNg Talastasan Sa Himpapawid
Ibinabahagi ng papel na ito ang kasaysayan, karanasan, at paglalakbay ng “Tabi-tabi-Folkloradyo! (TFR!), isang programang pangradyo sa DZUP 1602 KHZ (AM Band) at dzup.org na nagsib...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Si Jose Rizal sa Kamalayan ng mga Kilusang Bayan
Ang pag-aaral na ito ay isang pagsusuri sa pagkakakilala kay Rizal sa loob ng mga kilusang bayan sa Pilipinas. Pangunahing konsepto ang pagkilala sa “kaalamang bayan” na isang kali...
Si Jose Rizal sa Paglingon sa Maningning na Nakaraan ng Pilipinas
Si Jose Rizal sa Paglingon sa Maningning na Nakaraan ng Pilipinas
Lingid sa kaalaman ng marami, nag-anotasyon si Jose Rizal sa “Sucesos de las Islas Filipinas” ni Antonio Morga na resulta ng kaniyang pananaliksik tungkol sa sinaunang kasaysayan n...
Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Ang Pangkalinangang Subersyong Geopolitikal at Pagsipat kay Jose Rizal sa Diskurso ng Pamana sa Kasaysayang Pilipino
Hugot mula sa ideyang geopolitikang pangkalinangang subersyon, tatangkaing uunawain sa papel na ito ang naging hakbanging kolonyal ng mga Español at Amerikano sa kanilang ginawang...

Back to Top