Javascript must be enabled to continue!
Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
View through CrossRef
Ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ang nagpakilala sa mga sinaunang Pilipino ng mga tradisyon at kultura ng kanluraning mundo. Ang Kristiyanisasyon ng Pilipinas ay hindi mapasusubalian na nagbunga ng pagpapanibagong-hubog sa sining at lipunang Pilipino. Ang dating animistikong paniniwala at mga mimetikong pagkilos at ritwal ay napalitan ng Kristiyanong pananampalataya at mga gawaing banal na ang tuon ay mga imahen at mga santo, na dati-rati ay kalikasan, mga espiritu at anito. At ang ilang impluwensyang kanluranin sa kulturang Pilipino ay patuloy na nananatili, hindi lamang bilang kolektibong memorya bagkus ay kaganapan, hanggang sa kontemporanyong panahon.
Ang papel na ito ay isang saliksik at suri sa kasaysayan, mga gawaing nakasanayan, at estetiko ng karanasan na nakapalibot sa pagdiriwang ng kakaibang prusisyon, na tinatawag na Turumba sa Birhen, sa Lupi (pista) nang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba o Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna. Ito ay pagsipat, pagsuri at paghayag sa mga naratibo ng karanasan ng debosyon, at mga ugnayan sa pagitan ng Birhen at nang mga mamamayan at iba pang deboto, nang Simbahan at nang Pamahalaang Bayan, at nang buong pamayanan ng Pakil sa pangkalahatan. Pagsusumikapang matiyak kung papaanong ang isang lipunan ay ginagamit ang isang sistema ng paniniwala o kultura ng debosyon bilang buod ng pang-araw-araw na buhay na siyang nagbibigkis sa mga mamamayan at deboto, nagsisilbing natatanging pagkakakilanlan ng bayan, at imbakan ng kolektibo o sama-samang memorya at kamalayan.
Philippine Association for the Sociology of Religion
Title: Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
Description:
Ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ang nagpakilala sa mga sinaunang Pilipino ng mga tradisyon at kultura ng kanluraning mundo.
Ang Kristiyanisasyon ng Pilipinas ay hindi mapasusubalian na nagbunga ng pagpapanibagong-hubog sa sining at lipunang Pilipino.
Ang dating animistikong paniniwala at mga mimetikong pagkilos at ritwal ay napalitan ng Kristiyanong pananampalataya at mga gawaing banal na ang tuon ay mga imahen at mga santo, na dati-rati ay kalikasan, mga espiritu at anito.
At ang ilang impluwensyang kanluranin sa kulturang Pilipino ay patuloy na nananatili, hindi lamang bilang kolektibong memorya bagkus ay kaganapan, hanggang sa kontemporanyong panahon.
Ang papel na ito ay isang saliksik at suri sa kasaysayan, mga gawaing nakasanayan, at estetiko ng karanasan na nakapalibot sa pagdiriwang ng kakaibang prusisyon, na tinatawag na Turumba sa Birhen, sa Lupi (pista) nang Nuestra Señora de los Dolores de Turumba o Birhen ng Turumba sa Pakil, Laguna.
Ito ay pagsipat, pagsuri at paghayag sa mga naratibo ng karanasan ng debosyon, at mga ugnayan sa pagitan ng Birhen at nang mga mamamayan at iba pang deboto, nang Simbahan at nang Pamahalaang Bayan, at nang buong pamayanan ng Pakil sa pangkalahatan.
Pagsusumikapang matiyak kung papaanong ang isang lipunan ay ginagamit ang isang sistema ng paniniwala o kultura ng debosyon bilang buod ng pang-araw-araw na buhay na siyang nagbibigkis sa mga mamamayan at deboto, nagsisilbing natatanging pagkakakilanlan ng bayan, at imbakan ng kolektibo o sama-samang memorya at kamalayan.
Related Results
ESTETIK TARI SINING PADA MASYARAKAT GAYO KABUPATEN ACEH TENGAH
ESTETIK TARI SINING PADA MASYARAKAT GAYO KABUPATEN ACEH TENGAH
AbstrakPenelitian Nilai Estetik Tari Sining pada masyarakat Gayo bertujuan mendeskripsikan koreografi dan nilai estetik Tari Sining Koreografi Tari Sining merupakan salah satu daya...
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Saplot: Isang Historiograpikong Pagsipat sa Pamanang Pangkasuotan at Modang Sining ng mga Pilipino
Ang papel na ito ay naglalayong magsuri sa kahalagahan ng saplot o kasuotan sa kabuuan bilang isang anyo ng pamanang kultural at sining ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng isang his...
Dossiê Temático: Patrimônio Cultural, Turismo e Desenvolvimento Regional
Dossiê Temático: Patrimônio Cultural, Turismo e Desenvolvimento Regional
Os debates contemporâneos a respeito do patrimônio cultural e seus múltiplos usos, especificamente os turísticos, ao mesmo tempo em que acenam para os potenciais de geração de rend...
O PLANO DIRETOR DE ILHA SOLTEIRA - SP COMO NORTEADOR DO DESENVOLVIMENTO DO TURISMO
O PLANO DIRETOR DE ILHA SOLTEIRA - SP COMO NORTEADOR DO DESENVOLVIMENTO DO TURISMO
O turismo é foco de estudo de ciências consolidadas que atualmente dão suporte à pesquisa aplicada dos elementos que influenciam o desenvolvimento e interferem no modo de vida popu...
Turismo e Inclusão de Comunidades Locais, com Lluís Mundet
Turismo e Inclusão de Comunidades Locais, com Lluís Mundet
Graduado em Filosofia e Letras (curso de Geografia e Historia) pela Universidade Autônoma de Barcelona, sendo o quinto ano cursado na Universidade Inglesa de Durham, com bolsa ERAS...
Do Turismo ao patrimônio: perspectivas em transição
Do Turismo ao patrimônio: perspectivas em transição
O primeiro número do Caderno Virtual de Turismo – CVT traduz um passo em direção à fase que inauguramos em 2020. Ao longo da sua trajetória este foi um espaço ocupado majoritariame...
El camino de la performance: Fernanda Laguna y la invención de formas de hacer
El camino de la performance: Fernanda Laguna y la invención de formas de hacer
De una forma de trabajo a otra, de un espacio a otro, de un libro a otro, de un poema a un cuadro, lo que se arriesga en la performance de Fernanda Laguna es una manera singular de...

