Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA

View through CrossRef
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang karanasan sa paggamit at antas ng pag-unawa ng mga piling residente ng Legislative District 1 sa Isabela sa wikang Ibanag bilang batayan sa pagbuo ng sangguniang gramatika. Gumamit ang pananaliksik ng deskriptibong-korelasyonal na disenyo at pinagsamang pamamaraang kwantitatibo at kwalitatibo. Kabilang sa mga kalahok ang limampung (50) residente na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Gumamit ng talatanungan at pakikipanayam sa pangangalap ng datos, habang sinuri ang datos gamit ang mean, bahagdan, Pearson’s r, at thematic analysis. Ipinakita ng resulta na mataas ang antas ng karanasan sa paggamit ng wikang Ibanag (GWM = 3.46) at mataas din ang antas ng pag-unawa (GWM = 3.34). Gayunpaman, natukoy na may mahina at hindi makabuluhang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol (r = 0.236, p = 0.099). Sa kwalitatibong pagsusuri, lumitaw ang mga temang nagpapakita na ang wikang Ibanag ay daluyan ng epektibong komunikasyon, naaangkop sa sitwasyon, at ang karanasan ay mahalagang salik sa pagkatuto, subalit ang panlapi at estruktura ay nananatiling hamon. Batay sa mga natuklasan, iminungkahi ang pagbuo ng isang sangguniang gramatika na nakatuon sa panlapi, aspekto ng pandiwa, reduplikasyon, at kontekstwal na kahulugan. Ipinapahiwatig ng pag-aaral na ang pag-unawa sa wika ay hindi lamang nakabatay sa karanasan kundi nangangailangan ng sistematikong paglinang. Mga Susing Salita: Wikang Ibanag, gramatika, karanasan sa wika, antas ng pag-unawa,
Title: KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA
Description:
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang karanasan sa paggamit at antas ng pag-unawa ng mga piling residente ng Legislative District 1 sa Isabela sa wikang Ibanag bilang batayan sa pagbuo ng sangguniang gramatika.
Gumamit ang pananaliksik ng deskriptibong-korelasyonal na disenyo at pinagsamang pamamaraang kwantitatibo at kwalitatibo.
Kabilang sa mga kalahok ang limampung (50) residente na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling.
Gumamit ng talatanungan at pakikipanayam sa pangangalap ng datos, habang sinuri ang datos gamit ang mean, bahagdan, Pearson’s r, at thematic analysis.
Ipinakita ng resulta na mataas ang antas ng karanasan sa paggamit ng wikang Ibanag (GWM = 3.
46) at mataas din ang antas ng pag-unawa (GWM = 3.
34).
Gayunpaman, natukoy na may mahina at hindi makabuluhang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol (r = 0.
236, p = 0.
099).
Sa kwalitatibong pagsusuri, lumitaw ang mga temang nagpapakita na ang wikang Ibanag ay daluyan ng epektibong komunikasyon, naaangkop sa sitwasyon, at ang karanasan ay mahalagang salik sa pagkatuto, subalit ang panlapi at estruktura ay nananatiling hamon.
Batay sa mga natuklasan, iminungkahi ang pagbuo ng isang sangguniang gramatika na nakatuon sa panlapi, aspekto ng pandiwa, reduplikasyon, at kontekstwal na kahulugan.
Ipinapahiwatig ng pag-aaral na ang pag-unawa sa wika ay hindi lamang nakabatay sa karanasan kundi nangangailangan ng sistematikong paglinang.
Mga Susing Salita: Wikang Ibanag, gramatika, karanasan sa wika, antas ng pag-unawa,.

Related Results

Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
ANG PAG-UNAWA SA MGA PAMPUBLIKONG BABALA SA WIKANG FILIPINO: ISANG KWALITATIBO DESKRIPTIBO PAG-AARAL
ANG PAG-UNAWA SA MGA PAMPUBLIKONG BABALA SA WIKANG FILIPINO: ISANG KWALITATIBO DESKRIPTIBO PAG-AARAL
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay galugarin ang karanasan ng mga taumbayan sa pag-unawa ng mga pampublikong babala sa wikang Filipino. Gumamit ang pag-aaral ng kwal...
LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO
LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO
Isinagawa ang descriptive-correlational na pag-aaral na ito upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng lawak ng bokabularyo at antas ng pag-unawa ng piling pampublikong mag-aaral sa Fi...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...

Back to Top