Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO

View through CrossRef
Isinagawa ang descriptive-correlational na pag-aaral na ito upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng lawak ng bokabularyo at antas ng pag-unawa ng piling pampublikong mag-aaral sa Filipino 9. Nakabatay ito sa paniniwalang ang kakayahan ng mga mag-aaral na bigyan ng angkop na kahulugan ang mga terminong binabasa ay mayroong malaking impluwensiya sa kakayahan nitong unawain ang kabuuang mensahe ng teksto. Natuklasan mula sa pag-aaral na karamihan sa mga mag-aaral ay nasa antas na pagkabigo o frustration sa kasanayan sa bokabularyo habang nasa lebel naman na instructional sa antas ng pag-unawa. Napatunayan sa pananaliksik na mayroong sapat na ebidensiyang estadistika upang masabing mayroong makabuluhan at direktang ugnayan ang kasanayan sa bokabularyo at antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Nangangahulugan ito na ang pagkakaroon ng mga mag-aaral ng sapat na kakayahan upang bigyang kahulugan ang mga terminong ginagamit sa teksto ay nakatutulong upang higit na mapataan ang antas ng pag-unawa. Dahil dito, iminumungkahi ang pagsasagawa ng interbensiyon upang mapaunlad ang kasanayan sa bokabularyo ng mga mag-aaral. URING SALITA: Kasanayan sa Bokabularyo, Komprehensiyon, Antas ng Pag-unawa, Frustration Level, Instructional Level
Title: LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO
Description:
Isinagawa ang descriptive-correlational na pag-aaral na ito upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng lawak ng bokabularyo at antas ng pag-unawa ng piling pampublikong mag-aaral sa Filipino 9.
Nakabatay ito sa paniniwalang ang kakayahan ng mga mag-aaral na bigyan ng angkop na kahulugan ang mga terminong binabasa ay mayroong malaking impluwensiya sa kakayahan nitong unawain ang kabuuang mensahe ng teksto.
Natuklasan mula sa pag-aaral na karamihan sa mga mag-aaral ay nasa antas na pagkabigo o frustration sa kasanayan sa bokabularyo habang nasa lebel naman na instructional sa antas ng pag-unawa.
Napatunayan sa pananaliksik na mayroong sapat na ebidensiyang estadistika upang masabing mayroong makabuluhan at direktang ugnayan ang kasanayan sa bokabularyo at antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral.
Nangangahulugan ito na ang pagkakaroon ng mga mag-aaral ng sapat na kakayahan upang bigyang kahulugan ang mga terminong ginagamit sa teksto ay nakatutulong upang higit na mapataan ang antas ng pag-unawa.
Dahil dito, iminumungkahi ang pagsasagawa ng interbensiyon upang mapaunlad ang kasanayan sa bokabularyo ng mga mag-aaral.
URING SALITA: Kasanayan sa Bokabularyo, Komprehensiyon, Antas ng Pag-unawa, Frustration Level, Instructional Level.

Related Results

Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Ang mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ay isang suliranin kinakaharap ng buong bundo. Ang pananaliksik na ito nagsusuri sa ugnayan ng estratehiya at motibasyon sa pagbasa sa ka...
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epektibong paggamit ng code-switching bilang estratehiya sa diskurso ng klase upang mapataas ang antas ng pag-unawa at akademikong pagg...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...

Back to Top