Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

IMPLUWENSYA NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE AT KALIGIRANG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG UNANG TAON NG BSED FILIPINO NG KCAST

View through CrossRef
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang ugnayan ng impluwensya ng artificial intelligence at kaligirang pampagkatuto sa akademikong perfromans ng mga mag-aaral. Kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay may layuning siyasatin ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng impluwensya ng artificial intelligence at kaligirang pampagkatuto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa unang taon ng BSED Filipino ng KCAST. Nagtamo ang mga layunin ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng estadistikong gamit. Ang mga kalahok na pag-aaral ay binubuo ng 117 ng mag-aaral sa unang taon ng BSED Filipino. Ayon sa resulta nakakuha ng mataas na antas sa nakikitang panganib, nakikitang pagganap, nakikitang pagsisikap, kalagayan ng pasilidad, pag-uugali, gustong pag-uugali, at adaptsyon ng AI sa mataas na edukasyon sa artificial intelligence. Pagdating sa kaligirang pampagkatuto ang tiyak na positibong pakikitungo sa loob ng silid-aralan, pagkakaiba-iba ng paniniwala at pag-uugali, pansariling pagsalungat at pagtitiyaga sa katayuan ay nakakuha ng mataas. Sa pagdating sa akademikong performans na kakayahan, ugali, at kilos ay nakakuha ng mataas. Samakatuwid, ang resulta ay nangangahulugang ang null hypothesis ng pag-aaral ay tinanggap sapagkat malinaw na ang tatlong baryabol ng pag-aaral na ito ay walang makabuluhang ugnayan. Ibig sabihin nito na ang indikasyon na nagpapatunay na nararapat pagtuunan ng pansin ang pagpapaunland ng artificial intelligence upang umunlad ang kaligirang pampagkatuto at umunlad rin ang akademikong perfromans ng mga mag-aaral. MGA SUSING SALITA: artificial intelligence, kaligirang pampagkatuto, akademikong perfromans, at mag-aaral.
Title: IMPLUWENSYA NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE AT KALIGIRANG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG UNANG TAON NG BSED FILIPINO NG KCAST
Description:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang ugnayan ng impluwensya ng artificial intelligence at kaligirang pampagkatuto sa akademikong perfromans ng mga mag-aaral.
Kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay may layuning siyasatin ang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng impluwensya ng artificial intelligence at kaligirang pampagkatuto sa akademikong performans ng mga mag-aaral sa unang taon ng BSED Filipino ng KCAST.
Nagtamo ang mga layunin ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng estadistikong gamit.
Ang mga kalahok na pag-aaral ay binubuo ng 117 ng mag-aaral sa unang taon ng BSED Filipino.
Ayon sa resulta nakakuha ng mataas na antas sa nakikitang panganib, nakikitang pagganap, nakikitang pagsisikap, kalagayan ng pasilidad, pag-uugali, gustong pag-uugali, at adaptsyon ng AI sa mataas na edukasyon sa artificial intelligence.
Pagdating sa kaligirang pampagkatuto ang tiyak na positibong pakikitungo sa loob ng silid-aralan, pagkakaiba-iba ng paniniwala at pag-uugali, pansariling pagsalungat at pagtitiyaga sa katayuan ay nakakuha ng mataas.
Sa pagdating sa akademikong performans na kakayahan, ugali, at kilos ay nakakuha ng mataas.
Samakatuwid, ang resulta ay nangangahulugang ang null hypothesis ng pag-aaral ay tinanggap sapagkat malinaw na ang tatlong baryabol ng pag-aaral na ito ay walang makabuluhang ugnayan.
Ibig sabihin nito na ang indikasyon na nagpapatunay na nararapat pagtuunan ng pansin ang pagpapaunland ng artificial intelligence upang umunlad ang kaligirang pampagkatuto at umunlad rin ang akademikong perfromans ng mga mag-aaral.
MGA SUSING SALITA: artificial intelligence, kaligirang pampagkatuto, akademikong perfromans, at mag-aaral.

Related Results

ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
Ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ay malaman ang estratehiya sa pagtuturo ng pamamahayag kaugnayan sa akademikong pagganap. Ang pag-aaral na ito ay may layuning kilal...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
Nilalayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang makabuluhang ugnayan at impluwensiya ng pagganyak sa pagkatuto ng wika sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa isang pampubli...

Back to Top