Javascript must be enabled to continue!
Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito
View through CrossRef
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang kabisaan ng Project PAGASA (Pagkalinga at Gabay ng Guro, Asenso sa Mag-aaral) sa pagpapataas ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang Pito sa San Mateo National High School, Dibisyon ng Rizal. Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibong disenyo, partikular ang case study, upang mailarawan ang karanasan, saloobin, at pananaw ng mga kalahok na sumailalim sa reading remediation program. Limang piling mag-aaral ang naging kalahok sa pag-aaral na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng in-depth interview, at ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang tematikong pagninilay alinsunod sa Thematic Analysis nina Braun at Clarke. Batay sa resulta, lumitaw na ang Project PAGASA ay nakatulong sa pag-angat ng antas ng pagbasa ng mga kalahok mula sa kabiguang lebel tungo sa instruksyunal na lebel batay sa Phil-IRI pretest at posttest. Natukoy rin na ang mga karanasang may kaugnayan sa patuloy na paggabay ng guro, pagbibigay ng pagsasanay, at regular na pagtataya ay mahalagang salik sa pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa. Sa kabilang banda, ang mga hamon tulad ng kahirapan sa pagbigkas at kakulangan sa kumpiyansa ay unti-unting nalampasan sa pamamagitan ng angkop na interbensyon. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang pag-unlad sa pagbasa ay may positibong epekto sa pag-unawa sa iba pang asignatura. Iminumungkahi ng pag-aaral ang pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga programang remedial sa pagbasa at ang pagbuo ng mas kontekstuwalisadong interbensyon upang higit pang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
QualiSearch Center for Interdisciplinary Research and Development
Title: Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito
Description:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang kabisaan ng Project PAGASA (Pagkalinga at Gabay ng Guro, Asenso sa Mag-aaral) sa pagpapataas ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang Pito sa San Mateo National High School, Dibisyon ng Rizal.
Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibong disenyo, partikular ang case study, upang mailarawan ang karanasan, saloobin, at pananaw ng mga kalahok na sumailalim sa reading remediation program.
Limang piling mag-aaral ang naging kalahok sa pag-aaral na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling.
Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng in-depth interview, at ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang tematikong pagninilay alinsunod sa Thematic Analysis nina Braun at Clarke.
Batay sa resulta, lumitaw na ang Project PAGASA ay nakatulong sa pag-angat ng antas ng pagbasa ng mga kalahok mula sa kabiguang lebel tungo sa instruksyunal na lebel batay sa Phil-IRI pretest at posttest.
Natukoy rin na ang mga karanasang may kaugnayan sa patuloy na paggabay ng guro, pagbibigay ng pagsasanay, at regular na pagtataya ay mahalagang salik sa pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa.
Sa kabilang banda, ang mga hamon tulad ng kahirapan sa pagbigkas at kakulangan sa kumpiyansa ay unti-unting nalampasan sa pamamagitan ng angkop na interbensyon.
Ipinakita rin ng pag-aaral na ang pag-unlad sa pagbasa ay may positibong epekto sa pag-unawa sa iba pang asignatura.
Iminumungkahi ng pag-aaral ang pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga programang remedial sa pagbasa at ang pagbuo ng mas kontekstuwalisadong interbensyon upang higit pang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Related Results
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang p...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar p...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Ang mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ay isang suliranin kinakaharap ng buong bundo. Ang pananaliksik na ito nagsusuri sa ugnayan ng estratehiya at motibasyon sa pagbasa sa ka...
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epektibong paggamit ng code-switching bilang estratehiya sa diskurso ng klase upang mapataas ang antas ng pag-unawa at akademikong pagg...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...

