Javascript must be enabled to continue!
Kamalayan at Aksyon sa Pagbabago ng Klima: Ang Papel ng Komunidad
View through CrossRef
Ang pagbabago ng klima ay nagaganap sa bawat pang-aabuso at kawalan ng disiplina sa pag-aalaga ng ating kalikasan. Tinalakay sa pananaliksik ang mga kaalaman, kasanayang pag-uugali, mga hakbang at estratehiya na may direktang epekto ng pagbabago ng klima at tinukoy kung paano nakaaapekto sa pangmatagalang katatagan ng komunidad at kapaligiran ang antas ng kaalaman, mga kasanayang pag-uugali, at mga aksyon na isinasagawa ng mga mamamayan kaugnay sa pagbabago ng klima, kasanayan, at pagkilos ng mga mamamayan sa limang malalaking barangay sa Cabanatuan City kaugnay ng pagbabago ng klima. Ginamit ang Diskriptibong pananaliksik at ang kabuuang respondente ay 397. Ipinakita ng resulta na ang kaalaman ng mga mamamayan sa climate change ay nasa katamtamang antas, kaya’t may pangangailangan para sa mas masusing edukasyon upang mapataas ang kanilang kamalayan. Natuklasan din na ang mga gawi tulad ng labis na paggamit ng kuryente, hindi tamang pagtatapon ng basura, at deforestation ay madalas isinasagawa, na nag-aambag sa environmental degradation. Bagamat may mga hakbang tulad ng pagtatanim ng puno at paggamit ng pampublikong transportasyon, ito ay paminsan-minsang isinasagawa. Ang kakulangan ng regulasyon at edukasyon ay isa sa mga hadlang sa epektibong climate adaptation. Inirerekomenda ang pagpapalakas ng community-based climate programs upang mapabuti ang climate resilience ng lungsod.
Zain Publications
Title: Kamalayan at Aksyon sa Pagbabago ng Klima: Ang Papel ng Komunidad
Description:
Ang pagbabago ng klima ay nagaganap sa bawat pang-aabuso at kawalan ng disiplina sa pag-aalaga ng ating kalikasan.
Tinalakay sa pananaliksik ang mga kaalaman, kasanayang pag-uugali, mga hakbang at estratehiya na may direktang epekto ng pagbabago ng klima at tinukoy kung paano nakaaapekto sa pangmatagalang katatagan ng komunidad at kapaligiran ang antas ng kaalaman, mga kasanayang pag-uugali, at mga aksyon na isinasagawa ng mga mamamayan kaugnay sa pagbabago ng klima, kasanayan, at pagkilos ng mga mamamayan sa limang malalaking barangay sa Cabanatuan City kaugnay ng pagbabago ng klima.
Ginamit ang Diskriptibong pananaliksik at ang kabuuang respondente ay 397.
Ipinakita ng resulta na ang kaalaman ng mga mamamayan sa climate change ay nasa katamtamang antas, kaya’t may pangangailangan para sa mas masusing edukasyon upang mapataas ang kanilang kamalayan.
Natuklasan din na ang mga gawi tulad ng labis na paggamit ng kuryente, hindi tamang pagtatapon ng basura, at deforestation ay madalas isinasagawa, na nag-aambag sa environmental degradation.
Bagamat may mga hakbang tulad ng pagtatanim ng puno at paggamit ng pampublikong transportasyon, ito ay paminsan-minsang isinasagawa.
Ang kakulangan ng regulasyon at edukasyon ay isa sa mga hadlang sa epektibong climate adaptation.
Inirerekomenda ang pagpapalakas ng community-based climate programs upang mapabuti ang climate resilience ng lungsod.
Related Results
UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Ugnayan ng Gawi at Metakognitibong Kamalayan sa Estratehiya sa Pagbasa ng mga Mag-aaral: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagtuturo” ay isin...
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL SA MGA KAUGALIAN AT PANINIWALA SA RURAL AT URBAN
PAGPAPAHALAGANG KULTURAL SA MGA KAUGALIAN AT PANINIWALA SA RURAL AT URBAN
Kalimitang maririnig sa mga pagsasalaysay ng mga matatanda ang kaibahan ng henerasyon nila noon kumpara ngayon, lalong-lalo na ang paraan ng pamumuhay mayroon ang kabataan sa kasal...
VIDEO-BASED LESSONS: PAGPAPAUNLAD NG LITERASIYANG FILIPINO
VIDEO-BASED LESSONS: PAGPAPAUNLAD NG LITERASIYANG FILIPINO
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang epektibong paggamit ng Video Lessons sa pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ginamit ang disenyong A-B-A-B Single-Subj...
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Piling Pook-Pangalang Higaunon: Mga Kabilin sa Pagsilip sa Sinaunang Pamayanan sa Iligan
Madalang mabasa sa mga batis-kolonyal ang mga sinaunang pamayanan sa bansa, kahit pa ang sa lungsod ng Iligan kung saan ang mga Higaunon ang kinikilalang unang pangkat etnikong nan...
Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11
Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11
Isinagawa ang quasi-experimental na pag-aaral na ito upang matukoy ang epekto ng
interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa
baiting 11...
Pagbabago ng Tema at Representasyon: Anita Magsaysay-Ho tungo kay Karen Ocampo Flores
Pagbabago ng Tema at Representasyon: Anita Magsaysay-Ho tungo kay Karen Ocampo Flores
Maraming mga Pilipinong pintor ang nakilala sa loob at labas ng bansa dahil sa angking kahusayan ng kanilang mga likhang obra. Magkagayunpaman, iilang pintor lang ang nagkaroon ng ...
Epekto ng Pagbabago ng ekonomiya sa pamilya at komunidad: Pagsusuri sa mga hamon at oportunidad batay sa pananaw ng mga guro at ulong guro sa Ika-5 Distrito ng Isabela
Epekto ng Pagbabago ng ekonomiya sa pamilya at komunidad: Pagsusuri sa mga hamon at oportunidad batay sa pananaw ng mga guro at ulong guro sa Ika-5 Distrito ng Isabela
Sa nakalipas na mga taon, ang Pilipinas ay nakaranas ng malalaking pagbabagong pangekonomiya na may malalim na epekto sa pamilya, komunidad, at sektor ng edukasyon.
Gayunpaman, nan...
Omega de Salonera: Isang pagsipat sa natatanging kulturang sayaw at awit ng kapihan para sa identidad ng samahan
Omega de Salonera: Isang pagsipat sa natatanging kulturang sayaw at awit ng kapihan para sa identidad ng samahan
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri at maidokumento ang mga sayaw at awitin ng Omega de Salonera upang lubos na maunawaan ang pagkakakilanlan ng Sitio Kapihan at ang kaha...

