Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

KARANASAN AT PANANAW NG MGA NON-FILIPINO SPEAKER SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

View through CrossRef
Layunin ng pag-aaral na masuri ang karanasan at pananaw ng mga non-Filipino speaker sa pagkatuto at paggamit ng wikang Filipino gayundin ang makabuo ng angkop na kagamitang pampagkatuto. Ang mga impormante sa pag-aaral na ito ay binubuo ng labing-anim (16) na mag-aaral mula sa Junior High School ng Saint Theresa College of Tandag, Inc. Mula sa bawat baitang, may tig-apat (4) na mag-aaral na napiling lumahok bilang impormante sa pamamagitan ng purposive sampling. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng In-depth Interview (IDI) at Focus Group Discussion (FGD) at sinuri gamit ang tematikong pagsusuri. Natuklasan na ang pagkatuto sa wikang Filipino ng mga non-Filipino speaker ay nahahadlangan ng limitadong bokabularyo, kahinaan sa balarila at kakulangan sa praktikal na paggamit ng wika. Sa emosyonal na aspeto, nakararanas sila ng kaba, takot at iba pang damdaming nakaaapekto sa kanilang pagkatuto. Dahil dito, naaapektuhan ang kanilang pag-unawa at akademikong pagganap. Gayunpaman, positibo ang kanilang pananaw sa wikang Filipino bilang mahalagang midyum ng komunikasyon at pakikisalamuha. Bukod dito, gumagamit sila ng iba’t ibang estratehiya tulad ng Taglish, pagsasaling-wika at teknolohiya upang mapadali ang kanilang pagkatuto. Batay sa mga natuklasan, nabuo ang isang kontekstuwalisado, interaktibo, bilingguwal at nakasentro sa mag-aaral na e-modyul na pinamagatang “Filipino Bridge: Interaktibong Pagkatuto sa Wikang Filipino para sa mga Non-Filipino Speaker.” Ang e-modyul na ito ay idinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan, karanasan at hamon na nararanasan ng mga impormante sa pagkatuto ng wikang Filipino. Nagtataglay ito ng mga gawaing nagpapalawak ng talasalitaan, nagpapalakas ng kasanayang panggramatika at nagpapalawak ng oportunidad sa makabuluhang paggamit ng wika sa tunay na sitwasyon. Inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa wikang Filipino at sa pagbawas ng mga hadlang sa pagkatuto ng wika.
Title: KARANASAN AT PANANAW NG MGA NON-FILIPINO SPEAKER SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
Description:
Layunin ng pag-aaral na masuri ang karanasan at pananaw ng mga non-Filipino speaker sa pagkatuto at paggamit ng wikang Filipino gayundin ang makabuo ng angkop na kagamitang pampagkatuto.
Ang mga impormante sa pag-aaral na ito ay binubuo ng labing-anim (16) na mag-aaral mula sa Junior High School ng Saint Theresa College of Tandag, Inc.
Mula sa bawat baitang, may tig-apat (4) na mag-aaral na napiling lumahok bilang impormante sa pamamagitan ng purposive sampling.
Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng In-depth Interview (IDI) at Focus Group Discussion (FGD) at sinuri gamit ang tematikong pagsusuri.
Natuklasan na ang pagkatuto sa wikang Filipino ng mga non-Filipino speaker ay nahahadlangan ng limitadong bokabularyo, kahinaan sa balarila at kakulangan sa praktikal na paggamit ng wika.
Sa emosyonal na aspeto, nakararanas sila ng kaba, takot at iba pang damdaming nakaaapekto sa kanilang pagkatuto.
Dahil dito, naaapektuhan ang kanilang pag-unawa at akademikong pagganap.
Gayunpaman, positibo ang kanilang pananaw sa wikang Filipino bilang mahalagang midyum ng komunikasyon at pakikisalamuha.
Bukod dito, gumagamit sila ng iba’t ibang estratehiya tulad ng Taglish, pagsasaling-wika at teknolohiya upang mapadali ang kanilang pagkatuto.
Batay sa mga natuklasan, nabuo ang isang kontekstuwalisado, interaktibo, bilingguwal at nakasentro sa mag-aaral na e-modyul na pinamagatang “Filipino Bridge: Interaktibong Pagkatuto sa Wikang Filipino para sa mga Non-Filipino Speaker.
” Ang e-modyul na ito ay idinisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan, karanasan at hamon na nararanasan ng mga impormante sa pagkatuto ng wikang Filipino.
Nagtataglay ito ng mga gawaing nagpapalawak ng talasalitaan, nagpapalakas ng kasanayang panggramatika at nagpapalawak ng oportunidad sa makabuluhang paggamit ng wika sa tunay na sitwasyon.
Inaasahang makatutulong ito sa pagpapabuti ng kanilang kasanayan sa wikang Filipino at sa pagbawas ng mga hadlang sa pagkatuto ng wika.

Related Results

SINTAKTIKONG PAGSUSURI SA MGA SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
SINTAKTIKONG PAGSUSURI SA MGA SANAYSAY NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang mga sintaktikong kamalian sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino sa antas ng parirala, sugnay, at pangungusap, tukuyin ang mga salik n...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kaku...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
UGNAYAN NG GAWI AT METAKOGNITIBONG KAMALAYAN SA ESTRATEHIYA SA PAGBASA NG MGA MAG-AARAL: BATAYAN SA PAGBUO NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Ugnayan ng Gawi at Metakognitibong Kamalayan sa Estratehiya sa Pagbasa ng mga Mag-aaral: Batayan sa Pagbuo ng Kagamitang Pampagtuturo” ay isin...
KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA
KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang karanasan sa paggamit at antas ng pag-unawa ng mga piling residente ng Legislative District 1 sa Isabela sa wikang Ibanag bilang batayan s...

Back to Top