Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

CONTEXT CLUES: SAY IT, TEACH IT, PRACTICE IT PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG PANLAPI SA SALITANG-UGAT SA IKA-7 BAITANG

View through CrossRef
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” bilang interbensyon upang mapahusay ang kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang ng Baltazar Nicor Valenzuela National High School, Capungagan, Kapalong, Davao del Norte sa paggamit ng panlapi sa salitang-ugat. Napag-alamang may kakulangan ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga panlapi na nagiging hadlang sa tamang pagbubuo ng pangungusap at pagpapahayag ng ideya. Isinagawa ang interbensyon upang matugunan ang suliraning ito sa pamamagitan ng makabuluhang estratehiyang pampagtuturo. Gumamit ang pananaliksik ng mga estadistikang kasangkot sa pagsusuri ng datos gaya ng mean, standard deviation, paired samples t-test, at Cohen’s d. Lumabas sa pagsusuri na may makabuluhang pagtaas sa mean score ng mga mag-aaral mula pre-test (M = 21.722, SD = 4.966) patungong post-test (M = 34.250, SD = 3.894). Bukod dito, ipinakita ng paired sample t-test na ang pag-unlad na ito ay estadistikang makabuluhan, t (35) =20.193 p<.001, na may malaking epekto sa Cohen’s d = 3.366. Ipinakita sa resulta ng post-test na "mataas" ang naging antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nagpapahiwatig ng malaking pag-unlad mula sa pre-test. Bagama’t epektibo ang interbensyon, may ilang aspeto ng paggamit ng panlapi na nangangailangan pa rin ng karagdagang pagsasanay. Nagkaroon ng malaking epekto ang estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabuoan, napatunayan sa pag-aaral na ang paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” ay mabisang interbensyon upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nakatutulong sa mas mahusay na pag-unawa at mas aktibong partisipasyon sa pagkatuto ng wika. Keywords: Context Clues, Say It, Teach It, Practice It, quantitative-experiment method, Ika-7 baiting, BNVNHS
Title: CONTEXT CLUES: SAY IT, TEACH IT, PRACTICE IT PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG PANLAPI SA SALITANG-UGAT SA IKA-7 BAITANG
Description:
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” bilang interbensyon upang mapahusay ang kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang ng Baltazar Nicor Valenzuela National High School, Capungagan, Kapalong, Davao del Norte sa paggamit ng panlapi sa salitang-ugat.
Napag-alamang may kakulangan ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga panlapi na nagiging hadlang sa tamang pagbubuo ng pangungusap at pagpapahayag ng ideya.
Isinagawa ang interbensyon upang matugunan ang suliraning ito sa pamamagitan ng makabuluhang estratehiyang pampagtuturo.
Gumamit ang pananaliksik ng mga estadistikang kasangkot sa pagsusuri ng datos gaya ng mean, standard deviation, paired samples t-test, at Cohen’s d.
Lumabas sa pagsusuri na may makabuluhang pagtaas sa mean score ng mga mag-aaral mula pre-test (M = 21.
722, SD = 4.
966) patungong post-test (M = 34.
250, SD = 3.
894).
Bukod dito, ipinakita ng paired sample t-test na ang pag-unlad na ito ay estadistikang makabuluhan, t (35) =20.
193 p<.
001, na may malaking epekto sa Cohen’s d = 3.
366.
Ipinakita sa resulta ng post-test na "mataas" ang naging antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nagpapahiwatig ng malaking pag-unlad mula sa pre-test.
Bagama’t epektibo ang interbensyon, may ilang aspeto ng paggamit ng panlapi na nangangailangan pa rin ng karagdagang pagsasanay.
Nagkaroon ng malaking epekto ang estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa kabuoan, napatunayan sa pag-aaral na ang paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” ay mabisang interbensyon upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nakatutulong sa mas mahusay na pag-unawa at mas aktibong partisipasyon sa pagkatuto ng wika.
Keywords: Context Clues, Say It, Teach It, Practice It, quantitative-experiment method, Ika-7 baiting, BNVNHS.

Related Results

Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO
LAWAK NG BOKABULARYO AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG PILING PAMPUBLIKONG MAG-AARAL SA FILIPINO
Isinagawa ang descriptive-correlational na pag-aaral na ito upang suriin ang ugnayan sa pagitan ng lawak ng bokabularyo at antas ng pag-unawa ng piling pampublikong mag-aaral sa Fi...
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epektibong paggamit ng code-switching bilang estratehiya sa diskurso ng klase upang mapataas ang antas ng pag-unawa at akademikong pagg...

Back to Top