Javascript must be enabled to continue!
Kabisaan ng code switching at kahusayan sa pag-uulat sa Filipino sa mga mag-aaral sa Grado 11
View through CrossRef
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang tukuyin ang antas ng Kabisaan ng Code Switching
at Kahusayan sa Pag-uulat sa Filipino sa mga Mag-aaral sa Grado 11, ng Naile National High
School na nakapagtatala sa Taong Panuruan 2025-2026. Sa kabuuan ay walumpu’t limang (85)
mag-aaral sa Grado 11 at lahat sila ay isinama sa pag-aaral na ito gamit ang complete
enumeration. Survey correlational na pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral na ito. Upang
masukat ang antas ng kabisaan ng code-switching ng mga mag-aaral, ang mananaliksik ay
gumamit ng apatnapung (40) aytem na talatanungang nagtataglay kung paano naging mabisa
ang code-switching sa pag-uulat sa Filipinona binuo ng mananaliksik na personal na ginawa sa
tulong ng kanyang tagapayo. Upang masukat ang antas ng kahusayan sa pag-uulat sa Filipino
ng mga mag-aaral, gumamit ang mananaliksik ng dalawampu’t limang (25) aytem ng rubrik sa
pag-uulat. Ang malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay ang kabisaan ng code-switching at
ang di-malayang baryabol naman ay ang kahusayan sa pag-uulat sa Filipino ng mga mag-aaral
sa grado 11. Ang mga kagamitang pang-istadistika ang ginamit ng mananaliksik sa pagsusuri
ng palarawang datos tulad ng frequency count, percentage mean, standard deviation, at Pearson
r. Ang mga natuklasan ay nagpapakita na sa kabuuan, ang antas ng kabisaan ng code-switching
ng mga mag-aaral sa Grado 11 ay “mabisa”. Sa kabuoan, ang antas naman ng kahusayan sa
pag-uulat sa Filipino ng mga mag-aaral ay “Napakahusay”. Samantala, lumabas na “Walang
makabuluhang kaugnayan” sa pagitan ng mga antas ng kabisaan ng code-switching at
kahusayan sa pag-uulat sa Filipno ng mga mag-aaral sa grado 11 sa kabuuan.
Hollyfield Publishing Services
Title: Kabisaan ng code switching at kahusayan sa pag-uulat sa Filipino sa mga mag-aaral sa Grado 11
Description:
Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang tukuyin ang antas ng Kabisaan ng Code Switching
at Kahusayan sa Pag-uulat sa Filipino sa mga Mag-aaral sa Grado 11, ng Naile National High
School na nakapagtatala sa Taong Panuruan 2025-2026.
Sa kabuuan ay walumpu’t limang (85)
mag-aaral sa Grado 11 at lahat sila ay isinama sa pag-aaral na ito gamit ang complete
enumeration.
Survey correlational na pamamaraan ang ginamit sa pag-aaral na ito.
Upang
masukat ang antas ng kabisaan ng code-switching ng mga mag-aaral, ang mananaliksik ay
gumamit ng apatnapung (40) aytem na talatanungang nagtataglay kung paano naging mabisa
ang code-switching sa pag-uulat sa Filipinona binuo ng mananaliksik na personal na ginawa sa
tulong ng kanyang tagapayo.
Upang masukat ang antas ng kahusayan sa pag-uulat sa Filipino
ng mga mag-aaral, gumamit ang mananaliksik ng dalawampu’t limang (25) aytem ng rubrik sa
pag-uulat.
Ang malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay ang kabisaan ng code-switching at
ang di-malayang baryabol naman ay ang kahusayan sa pag-uulat sa Filipino ng mga mag-aaral
sa grado 11.
Ang mga kagamitang pang-istadistika ang ginamit ng mananaliksik sa pagsusuri
ng palarawang datos tulad ng frequency count, percentage mean, standard deviation, at Pearson
r.
Ang mga natuklasan ay nagpapakita na sa kabuuan, ang antas ng kabisaan ng code-switching
ng mga mag-aaral sa Grado 11 ay “mabisa”.
Sa kabuoan, ang antas naman ng kahusayan sa
pag-uulat sa Filipino ng mga mag-aaral ay “Napakahusay”.
Samantala, lumabas na “Walang
makabuluhang kaugnayan” sa pagitan ng mga antas ng kabisaan ng code-switching at
kahusayan sa pag-uulat sa Filipno ng mga mag-aaral sa grado 11 sa kabuuan.
Related Results
Kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na Panay Bukidnon sa Probinsya ng Capiz
Kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na Panay Bukidnon sa Probinsya ng Capiz
Ang layunin ng pananaliksik na ito na masuri ang antas ng kabisaan sa paggamit ng social
media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga
mag...
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang p...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
PAGDALUMAT SA HAMONG KINAKAHARAP NG MGA GURO SA FILIPINO 7 SA KAKULANGAN SA REHIYONAL NA AKDANG PAMPANITIKAN
Ang layunin ng penominolohikal na pananaliksik na ito ay tuklasin ang mga pagdalumat ng mga hamong kinakaharap ng mga guro sa Filipino 7 sa Sangay ng Dabaw Oryental tungkol sa kaku...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Tanging layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose Rizal, partikular ang El Filibusterismo, gayundin ang m...
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay galugarin ang mga karanasan ng mga guro sa elementarya na nagtuturo ng Filipino sa ika-21 siglo. Sinusuri nito ang kanilang mga pananaw, mga nata...
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL
Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epektibong paggamit ng code-switching bilang estratehiya sa diskurso ng klase upang mapataas ang antas ng pag-unawa at akademikong pagg...

