Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA MANANALIKSIK SA FILIPINO SA PAG-AAKMA NG KANILANG PAG-AARAL SA PAMANTAYAN NG TURNITIN: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL

View through CrossRef
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maibahagi ang karanasan ng mga mananaliksik sa Filipino hinggil sa pag-aakma ng kanilang pag-aaral sa pamantayan ng Turnitin na kasalukuyang nag-aaral sa institusyong Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST). Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang penomenolohiyang pagdulog at purposive sampling ni Cresswell (2013) sa pagsasaalang-alang ng 14 na partisipante na hinati sa dalawang pangkat, 7 para sa pinalalim na panayam (In-Depth Interview) at 7 para sa pangkatang talakayan (Focus-Group Discussion). Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang mga mananaliksik sa Filipino ay nakaranas ng kahirapan sa pagrebisa ng ibang teksto, nakaramdam ng presyon sa pag-abot sa pamantayan ng Turnitin, at nahihirapan dulot ng kanilang kakulangan sa kasanayan sa pagsasalin at ang limitadong kakayahan ng Turnitin sa Filipino. Sa pagharap sa mga hamong ito, ang mga mananaliksik sa Filipino ay nagbahagi rin ng kanilang mga pamamaraan upang malampasan ang mga problemang kinakaharap sa paggamit ng Turnitin tulad ng pagtutok sa orihinalidad, pagbibigay ng tamang pagsisipi, pagsasaayos sa mga isasaling ideya, at ang pagsasagawa ng regular na pagrerebyu. Bukod dito, ipinahayag din ng mga mananaliksik sa Filipino na kinakailangan ng edukasyonal na pagsasanay sa paggamit ng Turnitin, mapaunlad pa ang kakayahan ng plataporma para sa kasanayan, at ang pagbibigay ng malinaw na patakaran upang maiwasan ang mga hamong dulot ng paggamit ng Turnitin. MGA SUSING SALITA: mananaliksik sa Filipino, pag-aakma sa pamantayan ng Turnitin, plagyarismo
Title: PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA MANANALIKSIK SA FILIPINO SA PAG-AAKMA NG KANILANG PAG-AARAL SA PAMANTAYAN NG TURNITIN: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Description:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maibahagi ang karanasan ng mga mananaliksik sa Filipino hinggil sa pag-aakma ng kanilang pag-aaral sa pamantayan ng Turnitin na kasalukuyang nag-aaral sa institusyong Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST).
Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik gamit ang penomenolohiyang pagdulog at purposive sampling ni Cresswell (2013) sa pagsasaalang-alang ng 14 na partisipante na hinati sa dalawang pangkat, 7 para sa pinalalim na panayam (In-Depth Interview) at 7 para sa pangkatang talakayan (Focus-Group Discussion).
Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang mga mananaliksik sa Filipino ay nakaranas ng kahirapan sa pagrebisa ng ibang teksto, nakaramdam ng presyon sa pag-abot sa pamantayan ng Turnitin, at nahihirapan dulot ng kanilang kakulangan sa kasanayan sa pagsasalin at ang limitadong kakayahan ng Turnitin sa Filipino.
Sa pagharap sa mga hamong ito, ang mga mananaliksik sa Filipino ay nagbahagi rin ng kanilang mga pamamaraan upang malampasan ang mga problemang kinakaharap sa paggamit ng Turnitin tulad ng pagtutok sa orihinalidad, pagbibigay ng tamang pagsisipi, pagsasaayos sa mga isasaling ideya, at ang pagsasagawa ng regular na pagrerebyu.
Bukod dito, ipinahayag din ng mga mananaliksik sa Filipino na kinakailangan ng edukasyonal na pagsasanay sa paggamit ng Turnitin, mapaunlad pa ang kakayahan ng plataporma para sa kasanayan, at ang pagbibigay ng malinaw na patakaran upang maiwasan ang mga hamong dulot ng paggamit ng Turnitin.
MGA SUSING SALITA: mananaliksik sa Filipino, pag-aakma sa pamantayan ng Turnitin, plagyarismo.

Related Results

PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
The general objective of this study was to analyze First Prize Winners in Short Stories for Children that won in the Palanca Literary Awards from 2001-2010. This research used a de...

Back to Top