Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Epekto ng Zines sa Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Akademikong Pagsulat ng Mataas na Paaralan ng Sta. Elena

View through CrossRef
Ang pananaliksik na ito ay naglayong suriin ang epekto ng paggamit ng zines bilang kagamitang panturo sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa akademikong pagsulat ng Mataas na Paaralan ng Sta. Elena. Gumamit ang mananaliksik ng quasi-experimental na disenyo na may panimula at panapos na pagtatasa disenyong pangkat kontrolado kung saan parehong sinuri ang eksperimental at kontroladong pangkat bago at pagkatapos ng interbensyon. Kabilang sa mga kalahok ang dalawang seksyon mula sa ABM istrand: ang ABM Progressiveness bilang pangkat eksperimental na gumamit ng mga zines, at ang ABM Productivity bilang pangkat kontrolado na ginamitan ng karaniwang estratehiya sa pagtuturo. Ang mga zines na ginamit sa pananaliksik na ito ay sinuri ng mga eksperto. Gumamit ang pananaliksik ng mga estadistikang deskriptibo tulad ng mean at standard deviation, at inferensyal na pagsusuri gamit ang Z-Test upang masukat ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto bago at pagkatapos ng interbensyon. Nakakuha ng |-8.597509| na Independyenteng Z-Test na halaga ang pangkat eksperimental na higit na mas mataas kaysa sa Kritikal Z-Test na halaga na -1.96. Sa kabilang grupo naman na kontrolado ay may |-2.690460| Independyenteng Z-test na halaga mas higit sa Kritikal Z-Test na halaga na -1.96. Nagtataglay ang dalawang resulta ng |-5.907049| na diperensya. Ipinakita ng resulta na mas mataas ang pagtaas ng antas ng pagkatuto ng pangkat na gumamit ng mga zines, partikular sa mga kasanayan ng literasiyang pang-impormasyon (information literacy) at kasanayan sa paglutas ng suliranin (problem-solving skills). Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang paggamit ng mga zines bilang alternatibo at makabago ngunit epektibong kagamitang panturo upang mapaunlad ang kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa senior high school.
Title: Epekto ng Zines sa Antas ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Akademikong Pagsulat ng Mataas na Paaralan ng Sta. Elena
Description:
Ang pananaliksik na ito ay naglayong suriin ang epekto ng paggamit ng zines bilang kagamitang panturo sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa akademikong pagsulat ng Mataas na Paaralan ng Sta.
Elena.
Gumamit ang mananaliksik ng quasi-experimental na disenyo na may panimula at panapos na pagtatasa disenyong pangkat kontrolado kung saan parehong sinuri ang eksperimental at kontroladong pangkat bago at pagkatapos ng interbensyon.
Kabilang sa mga kalahok ang dalawang seksyon mula sa ABM istrand: ang ABM Progressiveness bilang pangkat eksperimental na gumamit ng mga zines, at ang ABM Productivity bilang pangkat kontrolado na ginamitan ng karaniwang estratehiya sa pagtuturo.
Ang mga zines na ginamit sa pananaliksik na ito ay sinuri ng mga eksperto.
Gumamit ang pananaliksik ng mga estadistikang deskriptibo tulad ng mean at standard deviation, at inferensyal na pagsusuri gamit ang Z-Test upang masukat ang pagkakaiba ng antas ng pagkatuto bago at pagkatapos ng interbensyon.
Nakakuha ng |-8.
597509| na Independyenteng Z-Test na halaga ang pangkat eksperimental na higit na mas mataas kaysa sa Kritikal Z-Test na halaga na -1.
96.
Sa kabilang grupo naman na kontrolado ay may |-2.
690460| Independyenteng Z-test na halaga mas higit sa Kritikal Z-Test na halaga na -1.
96.
Nagtataglay ang dalawang resulta ng |-5.
907049| na diperensya.
Ipinakita ng resulta na mas mataas ang pagtaas ng antas ng pagkatuto ng pangkat na gumamit ng mga zines, partikular sa mga kasanayan ng literasiyang pang-impormasyon (information literacy) at kasanayan sa paglutas ng suliranin (problem-solving skills).
Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang paggamit ng mga zines bilang alternatibo at makabago ngunit epektibong kagamitang panturo upang mapaunlad ang kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa senior high school.

Related Results

Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
Ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ay malaman ang estratehiya sa pagtuturo ng pamamahayag kaugnayan sa akademikong pagganap. Ang pag-aaral na ito ay may layuning kilal...
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
Nilalayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang makabuluhang ugnayan at impluwensiya ng pagganyak sa pagkatuto ng wika sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa isang pampubli...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...

Back to Top