Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Kahalagahan Ng Wikang Filipino Sa Pagtuturo Ng Mga Guro Ng Mindanao State University- Sulu Ng Batayang Kaalaman

View through CrossRef
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang demograpikong profile ng mga respondente batay sa edad, kasarian, antas ng edukasyon, tagal ng serbisyo, at asignaturang tinuturo; alamin ang antas ng paggamit ng Wikang Filipino at ang mga epekto, benepisyo, at hamon nito; matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng paggamit ng Wikang Filipino batay sa mga demograpikong katangian; at alamin ang ugnayan ng mga sub-kategorya sa antas ng paggamit ng Wikang Filipino. Gumamit ito ng deskriptibong kwantitatibong disenyo, na isinagawa sa MSU-Sulu gamit ang 100 estudyante bilang respondente sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang instrumento ay nahahati sa dalawang bahagi.: ang una nitong parte. ay tungkol sa mga datos ng populasyon ng mga sumasagot., habang ang ikalawa ay para sa pagsusuri ng paggamit ng Wikang Filipino, na may limang antas ng pagsagot mula “lubos na sumasang-ayon” hanggang “lubos na di sumasang-ayon.” Ginamit ang frequency at porsyento para sa unang tanong, mean at standard deviation para sa ikalawa, t-test para sa kasarian, ANOVA para sa ikatlong tanong, at Pearson r para sa ikaapat. Ipinakita ng resulta na higit sa kalahati ng mga respondente ay may edad 30 pababa, karamihan ay babae, at may tagal ng serbisyo na 5 taon pababa. Karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon sa paggamit ng Wikang Filipino. Walang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng Wikang Filipino batay sa demograpikong katangian. Ipinapakita ng pag-aaral ang mataas na ugnayan ng epekto, benepisyo, at hamon ng paggamit nito, na nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa konteksto ng edukasyon.
Title: Kahalagahan Ng Wikang Filipino Sa Pagtuturo Ng Mga Guro Ng Mindanao State University- Sulu Ng Batayang Kaalaman
Description:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang demograpikong profile ng mga respondente batay sa edad, kasarian, antas ng edukasyon, tagal ng serbisyo, at asignaturang tinuturo; alamin ang antas ng paggamit ng Wikang Filipino at ang mga epekto, benepisyo, at hamon nito; matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng paggamit ng Wikang Filipino batay sa mga demograpikong katangian; at alamin ang ugnayan ng mga sub-kategorya sa antas ng paggamit ng Wikang Filipino.
Gumamit ito ng deskriptibong kwantitatibong disenyo, na isinagawa sa MSU-Sulu gamit ang 100 estudyante bilang respondente sa pamamagitan ng purposive sampling.
Ang instrumento ay nahahati sa dalawang bahagi.
: ang una nitong parte.
ay tungkol sa mga datos ng populasyon ng mga sumasagot.
, habang ang ikalawa ay para sa pagsusuri ng paggamit ng Wikang Filipino, na may limang antas ng pagsagot mula “lubos na sumasang-ayon” hanggang “lubos na di sumasang-ayon.
” Ginamit ang frequency at porsyento para sa unang tanong, mean at standard deviation para sa ikalawa, t-test para sa kasarian, ANOVA para sa ikatlong tanong, at Pearson r para sa ikaapat.
Ipinakita ng resulta na higit sa kalahati ng mga respondente ay may edad 30 pababa, karamihan ay babae, at may tagal ng serbisyo na 5 taon pababa.
Karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Walang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng Wikang Filipino batay sa demograpikong katangian.
Ipinapakita ng pag-aaral ang mataas na ugnayan ng epekto, benepisyo, at hamon ng paggamit nito, na nagbibigay ng mahalagang impormasyon sa konteksto ng edukasyon.

Related Results

PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL SA ESTILO NG PAGTUTURO NG GURO: A MIXED METHOD
PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL SA ESTILO NG PAGTUTURO NG GURO: A MIXED METHOD
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mixed-method na pamamaraan na sumusuri sa persepsyon ng mga mag-aaral sa estilo ng pagtuturo. Kung saan, ginamit ang isang convergent parallel mi...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Sining At Mensahe: Isang Diskursong Pagsusuri sa Kahalagahan ng Orihinal na Awitin ng SB19
Sining At Mensahe: Isang Diskursong Pagsusuri sa Kahalagahan ng Orihinal na Awitin ng SB19
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kahalagahan ng mga orihinal na awitin ng SB19 sa pamamagitan ng linggwistikong elemento, gayundin ang semantikong pagpapakahulugan sa kani...

Back to Top