Javascript must be enabled to continue!
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
View through CrossRef
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay galugarin ang mga karanasan ng mga guro sa elementarya na nagtuturo ng Filipino sa ika-21 siglo. Sinusuri nito ang kanilang mga pananaw, mga natamo mula sa kanilang karanasan, at kung paano nila hinarap ang mga hamon sa kanilang pagtuturo. Gumamit ng kwalitatibo na pamamaraan ng pananaliksik upang kolektahin ang kanilang mga karanasan, hamon, at mekanismo mula sa hamon na kanilang natamo. Ang mga datos na nakalap ay pamamagitan ng mga panayam at obserbasyon sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain sa pagtuturo. Labing-apat na mga guro na nagtuturo ng Filipino sa elementarya ang naging kalahok sa pag-aaral. Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagbigay-diin sa mga sumusunod na karanasan ng mga kalahok: kahirapan sa pagkuha at pagpapanatili ng atensyon ng mga bata, kakulangan sa kahandaan sa pagtuturo, paglaan ng oras sa pagsalin ng mga salita sa ibang wika, hamon sa emosyonal, na aspeto. At bilang tugon sa mga hamon, itinuring ng mga guro ang mga sumusunod na mekanismo sa pagharap una ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya, paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo, pagiging inspirasyon sa mga bata upang mapahusay ang pagtuturo, pagbibigay ng premyo para sa aktibong pagtuturo. At sa kanilang pagninilay, natamo nila ang sumusunod na pananaw: Huwag mawalan ng pag-asa sa pagtuturo, gawin ang tungkulin bilang guro, maging determinado sa pagtuturo. Ang pag-aaral ay nagbigay-liwanag sa mga karanasan at mekanismo ng mga guro sa elementarya at nagmumungkahi ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang paghahanda at pagtugon sa mga hamon sa kanilang propesyon sa ika-21 siglo.
MGA SUSING SALITA: pagtuturo, Filipino, guro, elementarya, paggalugad, karanasan
Title: PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
Description:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay galugarin ang mga karanasan ng mga guro sa elementarya na nagtuturo ng Filipino sa ika-21 siglo.
Sinusuri nito ang kanilang mga pananaw, mga natamo mula sa kanilang karanasan, at kung paano nila hinarap ang mga hamon sa kanilang pagtuturo.
Gumamit ng kwalitatibo na pamamaraan ng pananaliksik upang kolektahin ang kanilang mga karanasan, hamon, at mekanismo mula sa hamon na kanilang natamo.
Ang mga datos na nakalap ay pamamagitan ng mga panayam at obserbasyon sa kanilang pang-araw-araw na mga gawain sa pagtuturo.
Labing-apat na mga guro na nagtuturo ng Filipino sa elementarya ang naging kalahok sa pag-aaral.
Ang mga resulta ng pag-aaral ay nagbigay-diin sa mga sumusunod na karanasan ng mga kalahok: kahirapan sa pagkuha at pagpapanatili ng atensyon ng mga bata, kakulangan sa kahandaan sa pagtuturo, paglaan ng oras sa pagsalin ng mga salita sa ibang wika, hamon sa emosyonal, na aspeto.
At bilang tugon sa mga hamon, itinuring ng mga guro ang mga sumusunod na mekanismo sa pagharap una ay ang pagkakaroon ng mahabang pasensya, paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo, pagiging inspirasyon sa mga bata upang mapahusay ang pagtuturo, pagbibigay ng premyo para sa aktibong pagtuturo.
At sa kanilang pagninilay, natamo nila ang sumusunod na pananaw: Huwag mawalan ng pag-asa sa pagtuturo, gawin ang tungkulin bilang guro, maging determinado sa pagtuturo.
Ang pag-aaral ay nagbigay-liwanag sa mga karanasan at mekanismo ng mga guro sa elementarya at nagmumungkahi ng mga paraan upang mapabuti ang kanilang paghahanda at pagtugon sa mga hamon sa kanilang propesyon sa ika-21 siglo.
MGA SUSING SALITA: pagtuturo, Filipino, guro, elementarya, paggalugad, karanasan.
Related Results
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL SA ESTILO NG PAGTUTURO NG GURO: A MIXED METHOD
PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL SA ESTILO NG PAGTUTURO NG GURO: A MIXED METHOD
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mixed-method na pamamaraan na sumusuri sa persepsyon ng mga mag-aaral sa estilo ng pagtuturo. Kung saan, ginamit ang isang convergent parallel mi...
PRAKTIKAL AT EKPERYENSIYAL NA PAGTATAYA SA MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO: BATAYAN SA PAGBUO NG INTERVENTION PLAN
PRAKTIKAL AT EKPERYENSIYAL NA PAGTATAYA SA MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO: BATAYAN SA PAGBUO NG INTERVENTION PLAN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang praktikal at eksperyensiyal na pagtataya sa mga gawain sa pagkatuto sa Filipino sa Piling Larang-Akademiko ng mga mag-aaral mula s...
MGA KILOS SA FEEDBACK LITERACY NG MGA MAG- AARAL SA MEDYOR SA FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY: ISANG DESKRIPTIBONG KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA KILOS SA FEEDBACK LITERACY NG MGA MAG- AARAL SA MEDYOR SA FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY: ISANG DESKRIPTIBONG KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang kilos sa feedback literacy ng mga mag-aaral ng BSEd medyor sa Filipino ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, ...
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
The general objective of this study was to analyze First Prize Winners in Short Stories for Children that won in the Palanca Literary Awards from 2001-2010. This research used a de...
Sining At Mensahe: Isang Diskursong Pagsusuri sa Kahalagahan ng Orihinal na Awitin ng SB19
Sining At Mensahe: Isang Diskursong Pagsusuri sa Kahalagahan ng Orihinal na Awitin ng SB19
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kahalagahan ng mga orihinal na awitin ng SB19 sa pamamagitan ng linggwistikong elemento, gayundin ang semantikong pagpapakahulugan sa kani...


