Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2

View through CrossRef
Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar para sa kontekstwalisadong interbensyon gamit ang balanseng pagdulog. Gamit ang Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA), tinukoy ng pag-aaral ang lebel kakayahan sa pagbasa ng salita at pangungusap, bilis sa pagbasa, lebel na kailangang interbensyon at pang-unawa sa binasa. May kabuuan na 87 mag-aaral ang sangkot sa pag-aaral na sumasaklaw sa buong Baitang 2. Batay sa CRLA, karamihan sa mga mag-aaral sa Baitang 2 ay grade-ready sa pagbasa ng Filipino subalit nasa sangkapat na bahagi pa rin ang ang nahihirapan sa pagbasa ng mga salita na binubuo ng 3 hanggang 4 na pantig. Karamihan din sa kanila nakababasa lamang ng 21-40 at 41-60 mga salita sa loob ng isang minuto sa tekstong binubuo ng 96 na mga salita. Kaunting bahagdan ng mga mag-aaral ang reading at-grade level na may kakayahang sagutin nang tama ang lahat ng mga tanong sa pag-unawa sa kwento. Ang mga lebel na non-grade ready tulad ng emerging, developing at transitioning ay nangangailangan ng interbensyon upang mapataas nila ang kanilang lebel sa pagbasa. Dahil dito, ipinanukala ng pag-aaral ang kayarian ng mga araling eksemplar para kontekstwalisadong interbensyon sa mga batang non-grade ready, na nakatuon sa grupo ng mga bata batay sa kanilang pangangailangan o lebel ng pagbasa at tema ng binasa nilang salaysay sa pagtatasa gamit ang apat na makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan.
Title: Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Description:
Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar para sa kontekstwalisadong interbensyon gamit ang balanseng pagdulog.
Gamit ang Comprehensive Rapid Literacy Assessment (CRLA), tinukoy ng pag-aaral ang lebel kakayahan sa pagbasa ng salita at pangungusap, bilis sa pagbasa, lebel na kailangang interbensyon at pang-unawa sa binasa.
May kabuuan na 87 mag-aaral ang sangkot sa pag-aaral na sumasaklaw sa buong Baitang 2.
Batay sa CRLA, karamihan sa mga mag-aaral sa Baitang 2 ay grade-ready sa pagbasa ng Filipino subalit nasa sangkapat na bahagi pa rin ang ang nahihirapan sa pagbasa ng mga salita na binubuo ng 3 hanggang 4 na pantig.
Karamihan din sa kanila nakababasa lamang ng 21-40 at 41-60 mga salita sa loob ng isang minuto sa tekstong binubuo ng 96 na mga salita.
Kaunting bahagdan ng mga mag-aaral ang reading at-grade level na may kakayahang sagutin nang tama ang lahat ng mga tanong sa pag-unawa sa kwento.
Ang mga lebel na non-grade ready tulad ng emerging, developing at transitioning ay nangangailangan ng interbensyon upang mapataas nila ang kanilang lebel sa pagbasa.
Dahil dito, ipinanukala ng pag-aaral ang kayarian ng mga araling eksemplar para kontekstwalisadong interbensyon sa mga batang non-grade ready, na nakatuon sa grupo ng mga bata batay sa kanilang pangangailangan o lebel ng pagbasa at tema ng binasa nilang salaysay sa pagtatasa gamit ang apat na makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan.

Related Results

Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Ang mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ay isang suliranin kinakaharap ng buong bundo. Ang pananaliksik na ito nagsusuri sa ugnayan ng estratehiya at motibasyon sa pagbasa sa ka...

Back to Top