Javascript must be enabled to continue!
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
View through CrossRef
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Oriental. Ito ay partikular na tutuklas sa mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sarili kathang storybook, mga hamon na kinakaharap dahil sila ay nagtuturo sa elementarya ngunit nakapagtapos ng pangsekundarya, at kanilang mithiin at adhikain. Saklaw ng pananaliksik na ito ang karanasan ng labing-apat (14) na mga guro sa Filipino ng Sangay ng Mati, Davao Oriental at nakatuon ang pananaliksik sa kanilang karanasan sa paglapat ng estratehiya sa pagsulat ng sariling kathang storybook.Ang mga nasuring pahayag na mula sa tugon ng mga partisipante tungkol sa estratehiya ng mga guro sa Filipino na nilapat upang mabuo ng sariling kathang storybook ay ang sumusunod na tema:pagpukaw ng interes;paglapat ng gintong aral;pag-ugnay sa karanasan ng mag-aaral; pag-akma sa kakayahan ng mambabasa; at pagpapaunlad sa kasanayan. Kaugnay naman sa mga hamon sa pagsulat ng mga guro sa Filipino na nagtuturo sa elementarya ngunit nakapagtapos ng pangsekundarya ay lumitaw ang sumusunod na tema: kakulangan ng karanasan ng mga guro; kahirapan sa paggamit ng angkop na salita; kawalan ng pagsasanay sa pagsulat; at kakulangan ng primaryang sanggunian.Tungkol naman sa mithiin at adhikain ng mga guro sa Fiipino, lumutang ang sumusunod na tema: mahimok ang mga gurong gamitin ang kagamitang pagtuturo;mapaunlad ang pagbasa at pagkatuto ng mag-aaral; mapayabong ang pagtaguyod ng kultura at wikang Filipino; mahikayat ang mga guro na maging manunulat;at mailapat ang nakapaloob na gintong aral sa nabasang storybook. Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat naglalayong bigyang-diin na himukin ang mga gurong manunulat sa Filipino gamit ang mga estratehiyang lumitaw upang marami pang kagamitang pampagkatuto ang mabubuo. Sa pamamagitan nito, maaaring maraming mga mag-aaral ang matutulongan at mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbasa.
MGA SUSING SALITA: guro sa Filipino, storybook, estratehiya, sariling katha, mga mag-aaral, Mati, Davao Oriental
Title: PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Description:
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Oriental.
Ito ay partikular na tutuklas sa mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sarili kathang storybook, mga hamon na kinakaharap dahil sila ay nagtuturo sa elementarya ngunit nakapagtapos ng pangsekundarya, at kanilang mithiin at adhikain.
Saklaw ng pananaliksik na ito ang karanasan ng labing-apat (14) na mga guro sa Filipino ng Sangay ng Mati, Davao Oriental at nakatuon ang pananaliksik sa kanilang karanasan sa paglapat ng estratehiya sa pagsulat ng sariling kathang storybook.
Ang mga nasuring pahayag na mula sa tugon ng mga partisipante tungkol sa estratehiya ng mga guro sa Filipino na nilapat upang mabuo ng sariling kathang storybook ay ang sumusunod na tema:pagpukaw ng interes;paglapat ng gintong aral;pag-ugnay sa karanasan ng mag-aaral; pag-akma sa kakayahan ng mambabasa; at pagpapaunlad sa kasanayan.
Kaugnay naman sa mga hamon sa pagsulat ng mga guro sa Filipino na nagtuturo sa elementarya ngunit nakapagtapos ng pangsekundarya ay lumitaw ang sumusunod na tema: kakulangan ng karanasan ng mga guro; kahirapan sa paggamit ng angkop na salita; kawalan ng pagsasanay sa pagsulat; at kakulangan ng primaryang sanggunian.
Tungkol naman sa mithiin at adhikain ng mga guro sa Fiipino, lumutang ang sumusunod na tema: mahimok ang mga gurong gamitin ang kagamitang pagtuturo;mapaunlad ang pagbasa at pagkatuto ng mag-aaral; mapayabong ang pagtaguyod ng kultura at wikang Filipino; mahikayat ang mga guro na maging manunulat;at mailapat ang nakapaloob na gintong aral sa nabasang storybook.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat naglalayong bigyang-diin na himukin ang mga gurong manunulat sa Filipino gamit ang mga estratehiyang lumitaw upang marami pang kagamitang pampagkatuto ang mabubuo.
Sa pamamagitan nito, maaaring maraming mga mag-aaral ang matutulongan at mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbasa.
MGA SUSING SALITA: guro sa Filipino, storybook, estratehiya, sariling katha, mga mag-aaral, Mati, Davao Oriental.
Related Results
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang p...
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA KARANASAN NG MGA GURO SA PAGSASAKATUPARAN NG PAGTUTURO SA FILIPINO SA ELEMENTARYA SA IKA-21 SIGLO: ISANG PENOMENOLOHIKAL NA PAG-AARAL
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay galugarin ang mga karanasan ng mga guro sa elementarya na nagtuturo ng Filipino sa ika-21 siglo. Sinusuri nito ang kanilang mga pananaw, mga nata...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
MGA KILOS SA FEEDBACK LITERACY NG MGA MAG- AARAL SA MEDYOR SA FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY: ISANG DESKRIPTIBONG KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA KILOS SA FEEDBACK LITERACY NG MGA MAG- AARAL SA MEDYOR SA FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY: ISANG DESKRIPTIBONG KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang kilos sa feedback literacy ng mga mag-aaral ng BSEd medyor sa Filipino ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, ...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...

