Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Flashcard: Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Grade 1

View through CrossRef
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masukat ang epekto ng paggamit ng mga flashcard bilang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa wikang Filipino para sa mga mag-aaral ng Grade 1 sa Toybongan Elementary School. Gumamit ang mga mananaliksik ng quasi-experimental na disenyo, kung saan ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay tinukoy bago at pagkatapos gamitin ang flashcard sa pamamagitan ng pre-test at post-test. Ang mga resulta ay nagpapakita ng makabuluhang pagtaas mula sa ‘’katamtaman’’ tungo sa ‘’mahusay’’ na antas ng kasanayan, na may mean score na 11.07 para sa pre-test at 16.00 para sa post-test. Ang mga natuklasan ay sumusuporta sa mga teoryang nagbibigay-diin sa bisa ng visual aids tulad ng Dual Coding Theory. Sa kabuuan, ang pananaliksik ay nagpapatunay na ang flashcards ay isang mabisang kagamitan sa pagpapabuti ng word recognition, comprehension, at memory retention ng mga mag-aaral. Iminumungkahi rin ang pagsasama ng mga flashcards sa iba pang interaktibong pamamaraan upang higit na mapahusay ang kakayahan sa pagbasa.
Title: Flashcard: Estratehiya sa Pagtuturo ng Pagbasa sa Filipino ng mga Mag-aaral sa Grade 1
Description:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masukat ang epekto ng paggamit ng mga flashcard bilang estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa sa wikang Filipino para sa mga mag-aaral ng Grade 1 sa Toybongan Elementary School.
Gumamit ang mga mananaliksik ng quasi-experimental na disenyo, kung saan ang antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ay tinukoy bago at pagkatapos gamitin ang flashcard sa pamamagitan ng pre-test at post-test.
Ang mga resulta ay nagpapakita ng makabuluhang pagtaas mula sa ‘’katamtaman’’ tungo sa ‘’mahusay’’ na antas ng kasanayan, na may mean score na 11.
07 para sa pre-test at 16.
00 para sa post-test.
Ang mga natuklasan ay sumusuporta sa mga teoryang nagbibigay-diin sa bisa ng visual aids tulad ng Dual Coding Theory.
Sa kabuuan, ang pananaliksik ay nagpapatunay na ang flashcards ay isang mabisang kagamitan sa pagpapabuti ng word recognition, comprehension, at memory retention ng mga mag-aaral.
Iminumungkahi rin ang pagsasama ng mga flashcards sa iba pang interaktibong pamamaraan upang higit na mapahusay ang kakayahan sa pagbasa.

Related Results

ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Estratehiya at Motibasyon sa Pagbasa sa Kasanayang Pag-Unawa sa Pagbasa sa Filipino ng Mga Mag-Aaral sa Senior High School
Ang mababang antas ng pag-unawa sa pagbasa ay isang suliranin kinakaharap ng buong bundo. Ang pananaliksik na ito nagsusuri sa ugnayan ng estratehiya at motibasyon sa pagbasa sa ka...

Back to Top