Javascript must be enabled to continue!
CONTEXT CLUES: SAY IT, TEACH IT, PRACTICE IT PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG PANLAPI SA SALITANG-UGAT SA IKA-7 BAITANG
View through CrossRef
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” bilang interbensyon upang mapahusay ang kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang ng Baltazar Nicor Valenzuela National High School, Capungagan, Kapalong, Davao del Norte sa paggamit ng panlapi sa salitang-ugat. Napag-alamang may kakulangan ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga panlapi na nagiging hadlang sa tamang pagbubuo ng pangungusap at pagpapahayag ng ideya. Isinagawa ang interbensyon upang matugunan ang suliraning ito sa pamamagitan ng makabuluhang estratehiyang pampagtuturo. Gumamit ang pananaliksik ng mga estadistikang kasangkot sa pagsusuri ng datos gaya ng mean, standard deviation, paired samples t-test, at Cohen’s d. Lumabas sa pagsusuri na may makabuluhang pagtaas sa mean score ng mga mag-aaral mula pre-test (M = 21.722, SD = 4.966) patungong post-test (M = 34.250, SD = 3.894). Bukod dito, ipinakita ng paired sample t-test na ang pag-unlad na ito ay estadistikang makabuluhan, t (35) =20.193 p<.001, na may malaking epekto sa Cohen’s d = 3.366. Ipinakita sa resulta ng post-test na "mataas" ang naging antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nagpapahiwatig ng malaking pag-unlad mula sa pre-test. Bagama’t epektibo ang interbensyon, may ilang aspeto ng paggamit ng panlapi na nangangailangan pa rin ng karagdagang pagsasanay. Nagkaroon ng malaking epekto ang estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kabuoan, napatunayan sa pag-aaral na ang paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” ay mabisang interbensyon upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nakatutulong sa mas mahusay na pag-unawa at mas aktibong partisipasyon sa pagkatuto ng wika.
Keywords: Context Clues, Say It, Teach It, Practice It, quantitative-experiment method, Ika-7 baiting, BNVNHS
Title: CONTEXT CLUES: SAY IT, TEACH IT, PRACTICE IT PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG PANLAPI SA SALITANG-UGAT SA IKA-7 BAITANG
Description:
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” bilang interbensyon upang mapahusay ang kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-7 baitang ng Baltazar Nicor Valenzuela National High School, Capungagan, Kapalong, Davao del Norte sa paggamit ng panlapi sa salitang-ugat.
Napag-alamang may kakulangan ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng mga panlapi na nagiging hadlang sa tamang pagbubuo ng pangungusap at pagpapahayag ng ideya.
Isinagawa ang interbensyon upang matugunan ang suliraning ito sa pamamagitan ng makabuluhang estratehiyang pampagtuturo.
Gumamit ang pananaliksik ng mga estadistikang kasangkot sa pagsusuri ng datos gaya ng mean, standard deviation, paired samples t-test, at Cohen’s d.
Lumabas sa pagsusuri na may makabuluhang pagtaas sa mean score ng mga mag-aaral mula pre-test (M = 21.
722, SD = 4.
966) patungong post-test (M = 34.
250, SD = 3.
894).
Bukod dito, ipinakita ng paired sample t-test na ang pag-unlad na ito ay estadistikang makabuluhan, t (35) =20.
193 p<.
001, na may malaking epekto sa Cohen’s d = 3.
366.
Ipinakita sa resulta ng post-test na "mataas" ang naging antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nagpapahiwatig ng malaking pag-unlad mula sa pre-test.
Bagama’t epektibo ang interbensyon, may ilang aspeto ng paggamit ng panlapi na nangangailangan pa rin ng karagdagang pagsasanay.
Nagkaroon ng malaking epekto ang estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa kabuoan, napatunayan sa pag-aaral na ang paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” ay mabisang interbensyon upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng panlapi, na nakatutulong sa mas mahusay na pag-unawa at mas aktibong partisipasyon sa pagkatuto ng wika.
Keywords: Context Clues, Say It, Teach It, Practice It, quantitative-experiment method, Ika-7 baiting, BNVNHS.
Related Results
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang p...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar p...
MGA KILOS SA FEEDBACK LITERACY NG MGA MAG- AARAL SA MEDYOR SA FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY: ISANG DESKRIPTIBONG KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA KILOS SA FEEDBACK LITERACY NG MGA MAG- AARAL SA MEDYOR SA FILIPINO NG KAPALONG COLLEGE OF AGRICULTURE, SCIENCES AND TECHNOLOGY: ISANG DESKRIPTIBONG KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang kilos sa feedback literacy ng mga mag-aaral ng BSEd medyor sa Filipino ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, ...
BRIGADA PAGBASA: ISANG INTERBENSYON SA KAHIRAPANG MAGSALITA NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 BAITANG
BRIGADA PAGBASA: ISANG INTERBENSYON SA KAHIRAPANG MAGSALITA NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 BAITANG
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang antas ng kahirapan sa pagsasalita sa wikang Filipino bago at pagkatapos ipatutupad ang interbensyong Aksyong 4Ps (Pagsulat, Pagsu...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
Nilalayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang makabuluhang ugnayan at impluwensiya ng pagganyak sa pagkatuto ng wika sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa isang pampubli...

