Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Pagsuri ng Paggamit ng Palit Koda sa Pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral ng Mindanao State University-Sulu Senior High School

View through CrossRef
Layunin sa isinagawang pag-aaral na ito na suriin ang gamit ng palit-koda sa proseso ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga kabataang nasa senior high school ng Mindanao State University-Sulu. Gumamit ang pagsusuri ng deskriptibong disenyo na naglalayong maglarawan at magpaliwanag ng mga kasalukuyang kaganapan o sitwasyon. Tinutugunan nito ang mga tanong gaya ng sino, ano, kailan, saan, at paano na may kaugnayan sa pangunahing paksa. Isinagawa ang pananaliksik sa kagawaran ng Senior High School ng MSU-Sulu na matatagpuan sa Capitol Site, Patikul, Sulu. Bilang ng mga lumahok sa pananaliksik, napili ang 100 na mga estudyanteng nasa ika-11 baitang at 12 na kabilang sa STEM at GAS strands, na nagmula sa 19 na seksyon ng nasabing antas. Lumabas sa resulta na mas marami ang babae, Grade 12, at mula sa GAS strand. Ayon sa datos, ginagamit mula sa mga mag-aaral ang palit-koda sa asignaturang Filipino base mula sa kanila kaginhawaan at personal na kagustuhan. Napatunayan ding hindi kapansin-pansin ang kaibhan sa antas ng paggamit sa palit-koda alinsunod sa demograpikong katangian, ngunit may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga baryabol na sinuri.
Title: Pagsuri ng Paggamit ng Palit Koda sa Pagkatuto sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral ng Mindanao State University-Sulu Senior High School
Description:
Layunin sa isinagawang pag-aaral na ito na suriin ang gamit ng palit-koda sa proseso ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga kabataang nasa senior high school ng Mindanao State University-Sulu.
Gumamit ang pagsusuri ng deskriptibong disenyo na naglalayong maglarawan at magpaliwanag ng mga kasalukuyang kaganapan o sitwasyon.
Tinutugunan nito ang mga tanong gaya ng sino, ano, kailan, saan, at paano na may kaugnayan sa pangunahing paksa.
Isinagawa ang pananaliksik sa kagawaran ng Senior High School ng MSU-Sulu na matatagpuan sa Capitol Site, Patikul, Sulu.
Bilang ng mga lumahok sa pananaliksik, napili ang 100 na mga estudyanteng nasa ika-11 baitang at 12 na kabilang sa STEM at GAS strands, na nagmula sa 19 na seksyon ng nasabing antas.
Lumabas sa resulta na mas marami ang babae, Grade 12, at mula sa GAS strand.
Ayon sa datos, ginagamit mula sa mga mag-aaral ang palit-koda sa asignaturang Filipino base mula sa kanila kaginhawaan at personal na kagustuhan.
Napatunayan ding hindi kapansin-pansin ang kaibhan sa antas ng paggamit sa palit-koda alinsunod sa demograpikong katangian, ngunit may makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga baryabol na sinuri.

Related Results

PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
CONTEXT CLUES: SAY IT, TEACH IT, PRACTICE IT PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG PANLAPI SA SALITANG-UGAT SA IKA-7 BAITANG
CONTEXT CLUES: SAY IT, TEACH IT, PRACTICE IT PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG PANLAPI SA SALITANG-UGAT SA IKA-7 BAITANG
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa paggamit ng Context Clues: “Say It, Teach It, Practice It” bilang interbensyon upang mapahusay ang kasanayan ng mga mag-aaral sa ika-7 baita...
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
Nilalayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang makabuluhang ugnayan at impluwensiya ng pagganyak sa pagkatuto ng wika sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa isang pampubli...

Back to Top