Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

MORPOLOHIYANG PAGSUSURI NG MGA PATALASTAS PANGMEDYA: BATAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA GRAMATIKANG FILIPINO

View through CrossRef
Sa kasalukuyan ang morpolohiya ng wikang ginagamit ng mga patalastas pangmedya ay nakabatay sa iba’t ibang proseso ng pagbuo ng salita kaya naman ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang mga uri ng paraan ng pagbuo ng salita sa mga patalastas pangmedya at suriin kung paano ginagamit ang mga iyon. Ang mga datos ay kinuha sa dalawampung (20) patalastas na mapapanood o maririnig sa Facebook, Youtube, telebisyon at radyo at ibinatay sa Konsepto ng Paraan ng Pagbuo ng Salita ng dalubwika na si Yule. Ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang deskriptibong kwalitatibo at Frequency Count Method. Natuklasan sa isinagawang pagsusuri, lumalabas na mula sa sampung paraan ng pagbuo ng salita (acronym, backformation, borrowing, blending, clipping, coinage, compounding, conversion, derivation, at multiple processes), borrowing ang nangunguna sa pinakamadalas na gamitin sa dalawampung (20) patalastas na sinuri, pumapangalawa ang multiple processes at pumapangatlo ang compounding, samantalang walang nakitaang backformation at acronym na nakapaloob. Batayan ang resulta ng pag-aaral, iminumungkahi na hikayatin ang mga mag-aaral na maging mapanuri sa mga patalastas na naririnig at napapanood sa iba’t ibang social media platform nang sa gayon ay malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan sa kritikal na pag-iisip at pag-unawa, ipagpatuloy ang paglinang ng mga kagamitang panturo para sa ikagagaan ng mga gawain pansilid-aralan ng mga guro, at gawing batayan ang resulta ng pag-aaral sa pagbuo ng programang pang-edukasyon. KEYWORDS: Morpolohiya, Patalastas Pangmedya
Title: MORPOLOHIYANG PAGSUSURI NG MGA PATALASTAS PANGMEDYA: BATAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA GRAMATIKANG FILIPINO
Description:
Sa kasalukuyan ang morpolohiya ng wikang ginagamit ng mga patalastas pangmedya ay nakabatay sa iba’t ibang proseso ng pagbuo ng salita kaya naman ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang mga uri ng paraan ng pagbuo ng salita sa mga patalastas pangmedya at suriin kung paano ginagamit ang mga iyon.
Ang mga datos ay kinuha sa dalawampung (20) patalastas na mapapanood o maririnig sa Facebook, Youtube, telebisyon at radyo at ibinatay sa Konsepto ng Paraan ng Pagbuo ng Salita ng dalubwika na si Yule.
Ang mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang deskriptibong kwalitatibo at Frequency Count Method.
Natuklasan sa isinagawang pagsusuri, lumalabas na mula sa sampung paraan ng pagbuo ng salita (acronym, backformation, borrowing, blending, clipping, coinage, compounding, conversion, derivation, at multiple processes), borrowing ang nangunguna sa pinakamadalas na gamitin sa dalawampung (20) patalastas na sinuri, pumapangalawa ang multiple processes at pumapangatlo ang compounding, samantalang walang nakitaang backformation at acronym na nakapaloob.
Batayan ang resulta ng pag-aaral, iminumungkahi na hikayatin ang mga mag-aaral na maging mapanuri sa mga patalastas na naririnig at napapanood sa iba’t ibang social media platform nang sa gayon ay malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan sa kritikal na pag-iisip at pag-unawa, ipagpatuloy ang paglinang ng mga kagamitang panturo para sa ikagagaan ng mga gawain pansilid-aralan ng mga guro, at gawing batayan ang resulta ng pag-aaral sa pagbuo ng programang pang-edukasyon.
KEYWORDS: Morpolohiya, Patalastas Pangmedya.

Related Results

PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Kahusayan sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose P. Rizal: Batayan sa pag-angat ng pagbasa ng akda
Tanging layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng nobela ni Dr. Jose Rizal, partikular ang El Filibusterismo, gayundin ang m...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...

Back to Top