Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Pagsusuri at Klasipikasyon ng Kasarian ng mga Nominal na Salita sa Filipino

View through CrossRef
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay makabuo ng klasipikasyong pangkasarian sa mga salitang nominal sa Filipino na may malalim na integrasyon ng kasarian sa wika at kulturang Pilipino. Gamit ang deskriptibong pamamaraan, ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlong panggramatikang aklat sa Filipino na kung saan, nakalikom ng mga halimbawang salita na may kaugnayan sa kasarian. Batay sa pagsusuri ng mga salita ay nakabuo ng klasipikasyon ng kasarian sa nominal na salita. Ito ay ang sumusunod: Kasariang Maylapi, Kasariang Markadong Semantikal, Kasariang Kontekstwalisado, at Kasariang Di Kontekstwalisado. Natuklasan ng pag-aaral na ang mga salitang nominal sa Filipino ay may taglay na kasarian tulad ng pambabae, panlalaki, walang kasarian at di tiyak batay sa mga halimbawa sa mga aklat panggramatika. Kaugnay nito masasabing ang kasarian ay hindi makikita sa estruktura ng isang wika kung hindi sa pakikipag-ugnayan nito sa semantikal na aspekto ng salita at lipunan (konteksto). Nirerekomenda na gamitin ang nabuong klasipikasyon ng nominal na salita upang maging paunang daan sa integrasyon ng Gender and Development (GAD) sa larangan ng wika na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
Title: Pagsusuri at Klasipikasyon ng Kasarian ng mga Nominal na Salita sa Filipino
Description:
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay makabuo ng klasipikasyong pangkasarian sa mga salitang nominal sa Filipino na may malalim na integrasyon ng kasarian sa wika at kulturang Pilipino.
Gamit ang deskriptibong pamamaraan, ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlong panggramatikang aklat sa Filipino na kung saan, nakalikom ng mga halimbawang salita na may kaugnayan sa kasarian.
Batay sa pagsusuri ng mga salita ay nakabuo ng klasipikasyon ng kasarian sa nominal na salita.
Ito ay ang sumusunod: Kasariang Maylapi, Kasariang Markadong Semantikal, Kasariang Kontekstwalisado, at Kasariang Di Kontekstwalisado.
Natuklasan ng pag-aaral na ang mga salitang nominal sa Filipino ay may taglay na kasarian tulad ng pambabae, panlalaki, walang kasarian at di tiyak batay sa mga halimbawa sa mga aklat panggramatika.
Kaugnay nito masasabing ang kasarian ay hindi makikita sa estruktura ng isang wika kung hindi sa pakikipag-ugnayan nito sa semantikal na aspekto ng salita at lipunan (konteksto).
Nirerekomenda na gamitin ang nabuong klasipikasyon ng nominal na salita upang maging paunang daan sa integrasyon ng Gender and Development (GAD) sa larangan ng wika na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.

Related Results

Pagsusuri at Klasipikasyon ng Kasarian ng mga Nominal na Salita sa Filipino
Pagsusuri at Klasipikasyon ng Kasarian ng mga Nominal na Salita sa Filipino
The primary aim of the study is to develop a gender classification system for nominal words in Filipino with a deep integration of gender within the Filipino language and culture. ...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
INAY KO PO, ANG MODYUL KO! PAGSIPAT SA KARANASAN NG ISANG INA SA GITNA NG PANDEMYA
Ang papel-pananaliksik ay naglalahad ng pag-aaral hinggil sa karanasan ng mga magulang, partikular ang mga ina, sa pagsasagot sa mga gawaing modyul ng kanilang mga anak na nasa edu...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...

Back to Top