Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

Sining At Mensahe: Isang Diskursong Pagsusuri sa Kahalagahan ng Orihinal na Awitin ng SB19

View through CrossRef
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kahalagahan ng mga orihinal na awitin ng SB19 sa pamamagitan ng linggwistikong elemento, gayundin ang semantikong pagpapakahulugan sa kanilang mga orihinal na awitin. Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pag-aaral gamit ang dikursong pagsusuri upang suriin ang limampu’t isang (51) orihinal na awitin ng SB19 na nagsilbing korpora sa pag-aaral. Batay sa resulta, may pitong linggwistikong elemento na namukod sa ginawang pagsusuri: ang tugma, anapora, epistrope, aliterasyon, asonans, metapora, at slang. Dagdag pa rito, may pitong semantikong katangian ang namukod sa ginawang pagsusuri: konseptwal, konotatibo, sosyal, apektibo, replektibo, kolokatibo, at tematiko. Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng pagsusuri sa linggwistikong elemento at semantikong pagpapakahulugan sa mga orihinal na awitin ng SB19. Ang pagkakaroon ng pitong natatanging linggwistikong elemento (tugma, anapora, epistrope, aliterasyon, asonans, metapora, at slang) ay nagpapatunay sa pagiging malikhain at mapanlikha ng mga manunulat ng kanta. Ang paggamit ng mga elementong ito ay hindi lamang nagpapaganda sa awitin, kundi nagdaragdag din ng lalim at kahulugan sa mensahe nito. Ang pagiging mapaglaro sa wika ay nagbibigay ng kakaibang identidad sa musika ng SB19, na nagpapakilala sa kanila bilang mga artistang may natatanging istilo. Ang pitong semantikong katangian (konseptwal, konotatibo, sosyal, apektibo, replektibo, kolokatibo, at tematiko) na namukod sa pag-aaral ay nagpapatunay sa lawak at lalim ng mga mensahe na nais iparating ng mga awitin. Ang mga elementong sosyal, apektibo, at replektibo naman ay nagpapakita ng koneksyon ng mga awitin sa reyalidad ng mga tagapakinig. Ang pagiging kolokatibo naman ay nagpapakita ng pagiging natural at makatotohanan ng mga salita at parirala na ginamit.
International Journal for Multidisciplinary Research (IJFMR)
Title: Sining At Mensahe: Isang Diskursong Pagsusuri sa Kahalagahan ng Orihinal na Awitin ng SB19
Description:
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kahalagahan ng mga orihinal na awitin ng SB19 sa pamamagitan ng linggwistikong elemento, gayundin ang semantikong pagpapakahulugan sa kanilang mga orihinal na awitin.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang kwalitatibong disenyo ng pag-aaral gamit ang dikursong pagsusuri upang suriin ang limampu’t isang (51) orihinal na awitin ng SB19 na nagsilbing korpora sa pag-aaral.
Batay sa resulta, may pitong linggwistikong elemento na namukod sa ginawang pagsusuri: ang tugma, anapora, epistrope, aliterasyon, asonans, metapora, at slang.
Dagdag pa rito, may pitong semantikong katangian ang namukod sa ginawang pagsusuri: konseptwal, konotatibo, sosyal, apektibo, replektibo, kolokatibo, at tematiko.
Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng pagsusuri sa linggwistikong elemento at semantikong pagpapakahulugan sa mga orihinal na awitin ng SB19.
Ang pagkakaroon ng pitong natatanging linggwistikong elemento (tugma, anapora, epistrope, aliterasyon, asonans, metapora, at slang) ay nagpapatunay sa pagiging malikhain at mapanlikha ng mga manunulat ng kanta.
Ang paggamit ng mga elementong ito ay hindi lamang nagpapaganda sa awitin, kundi nagdaragdag din ng lalim at kahulugan sa mensahe nito.
Ang pagiging mapaglaro sa wika ay nagbibigay ng kakaibang identidad sa musika ng SB19, na nagpapakilala sa kanila bilang mga artistang may natatanging istilo.
Ang pitong semantikong katangian (konseptwal, konotatibo, sosyal, apektibo, replektibo, kolokatibo, at tematiko) na namukod sa pag-aaral ay nagpapatunay sa lawak at lalim ng mga mensahe na nais iparating ng mga awitin.
Ang mga elementong sosyal, apektibo, at replektibo naman ay nagpapakita ng koneksyon ng mga awitin sa reyalidad ng mga tagapakinig.
Ang pagiging kolokatibo naman ay nagpapakita ng pagiging natural at makatotohanan ng mga salita at parirala na ginamit.

Related Results

ESTETIK TARI SINING PADA MASYARAKAT GAYO KABUPATEN ACEH TENGAH
ESTETIK TARI SINING PADA MASYARAKAT GAYO KABUPATEN ACEH TENGAH
AbstrakPenelitian Nilai Estetik Tari Sining pada masyarakat Gayo bertujuan mendeskripsikan koreografi dan nilai estetik Tari Sining Koreografi Tari Sining merupakan salah satu daya...
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
The general objective of this study was to analyze First Prize Winners in Short Stories for Children that won in the Palanca Literary Awards from 2001-2010. This research used a de...
SA HARAP NG MGA ANINO NG KAMATAYAN AT PAGWAWAGI
SA HARAP NG MGA ANINO NG KAMATAYAN AT PAGWAWAGI
Setyembre ngayong taon, pumanaw si Fredric Jameson, Amerikanong iskolar at makapangyarihang tinig ng Marxistang pagsusuri sa panitikan, kultura, at kasaysayan. Bilang isa sa mga pa...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
Ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ang nagpakilala sa mga sinaunang Pilipino ng mga tradisyon at kultura ng kanluraning mundo. Ang Kristiyanisasyon ng Pilipinas ay hindi mapa...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...

Back to Top