Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

PRAKTIKAL AT EKPERYENSIYAL NA PAGTATAYA SA MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO: BATAYAN SA PAGBUO NG INTERVENTION PLAN

View through CrossRef
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang praktikal at eksperyensiyal na pagtataya sa mga gawain sa pagkatuto sa Filipino sa Piling Larang-Akademiko ng mga mag-aaral mula sa strand ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa taong panuruan 2024-2025. Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng pagtuturo at pagkatuto ng Filipino sa piling larang akademiko. Gamit ang deskriptibo-analitikong disenyo ng pananaliksik, sinuri ang mga indibidwal at pangkatang gawain ng mga mag-aaral, pati na rin ang kanilang pagtataya sa mga aspeto ng pagsusuri, disenyo, pagpapaunlad, implementasyon, at pagtataya ng mga gawain. Ang mga datos ay nakalap mula sa 258 mag-aaral ng HUMSS strand sa CITI Global College-SHS Department gamit ang sarbey-kwestyoner na sumailalim sa balidasyon ng mga eksperto. Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay mahusay na naisagawa ang mga praktikal at eksperyensiyal na gawain, ngunit may mga aspeto pa ring nangangailangan ng pagpapabuti, partikular sa kolaborasyon at kritikal na pagsusuri. Ang mga natuklasan ay nagbigay-daan sa pagbuo ng isang komprehensibong intervention plan na naglalayong palakasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat, pagsusuri, at malikhaing pag- iisip gamit ang wikang Filipino. MGA SUSING SALITA: Praktikal na Pagtataya, Eksperyensiyal na Pagkatuto, Filipino sa Piling Larang-Akademiko, Intervention Plan sa Edukasyon, Pagtuturo ng Filipino
Title: PRAKTIKAL AT EKPERYENSIYAL NA PAGTATAYA SA MGA GAWAIN SA PAGKATUTO SA FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIKO: BATAYAN SA PAGBUO NG INTERVENTION PLAN
Description:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang praktikal at eksperyensiyal na pagtataya sa mga gawain sa pagkatuto sa Filipino sa Piling Larang-Akademiko ng mga mag-aaral mula sa strand ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) sa taong panuruan 2024-2025.
Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mahalagang kontribusyon sa pagpapabuti ng pagtuturo at pagkatuto ng Filipino sa piling larang akademiko.
Gamit ang deskriptibo-analitikong disenyo ng pananaliksik, sinuri ang mga indibidwal at pangkatang gawain ng mga mag-aaral, pati na rin ang kanilang pagtataya sa mga aspeto ng pagsusuri, disenyo, pagpapaunlad, implementasyon, at pagtataya ng mga gawain.
Ang mga datos ay nakalap mula sa 258 mag-aaral ng HUMSS strand sa CITI Global College-SHS Department gamit ang sarbey-kwestyoner na sumailalim sa balidasyon ng mga eksperto.
Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay mahusay na naisagawa ang mga praktikal at eksperyensiyal na gawain, ngunit may mga aspeto pa ring nangangailangan ng pagpapabuti, partikular sa kolaborasyon at kritikal na pagsusuri.
Ang mga natuklasan ay nagbigay-daan sa pagbuo ng isang komprehensibong intervention plan na naglalayong palakasin ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat, pagsusuri, at malikhaing pag- iisip gamit ang wikang Filipino.
MGA SUSING SALITA: Praktikal na Pagtataya, Eksperyensiyal na Pagkatuto, Filipino sa Piling Larang-Akademiko, Intervention Plan sa Edukasyon, Pagtuturo ng Filipino.

Related Results

PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
PAGGANYAK SA PAGKATUTO NG WIKA AT KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA MAG-AARAL
Nilalayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang makabuluhang ugnayan at impluwensiya ng pagganyak sa pagkatuto ng wika sa kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa isang pampubli...
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
The general objective of this study was to analyze First Prize Winners in Short Stories for Children that won in the Palanca Literary Awards from 2001-2010. This research used a de...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Kahalagahan Ng Wikang Filipino Sa Pagtuturo Ng Mga Guro Ng Mindanao State University- Sulu Ng Batayang Kaalaman
Kahalagahan Ng Wikang Filipino Sa Pagtuturo Ng Mga Guro Ng Mindanao State University- Sulu Ng Batayang Kaalaman
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang demograpikong profile ng mga respondente batay sa edad, kasarian, antas ng edukasyon, tagal ng serbisyo, at asignaturang tinuturo; a...
Pagsusuri at Klasipikasyon ng Kasarian ng mga Nominal na Salita sa Filipino
Pagsusuri at Klasipikasyon ng Kasarian ng mga Nominal na Salita sa Filipino
The primary aim of the study is to develop a gender classification system for nominal words in Filipino with a deep integration of gender within the Filipino language and culture. ...

Back to Top