Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

PAGGALUGAD SA ISINAHOL AT PAGBAWI NG DANGAL: ANG PAGLALAKBAY NG PERSONANG ‘AKO’ NI BAYANI S. ABADILLA SA SIGLIWA KAMAO AYON SA ‘AKO’ NI ALEJANDRO G. ABADILLA

View through CrossRef
Kaakibat ng advokasi para sa pagbabago ang henera realismong panlipunan sa disiplina ng malikhaing pagsusulat, litaw ito maging sa Sigliwa Kamao (SK), antolohiya ng panulaan ni Bayani S. Abadilla, may poetikang ‘Wisyo ng masang Pinoy,’ ‘diwang anakpawis o proletaryo.’ Inilalantad ng panulat ni Bayani, nakasanayan tawaging ‘Ka Bay’ ng mga kaibigan, ang batayang suliranin sa kaayusang panlipunang nagsasalaylayan sa malawak na produktibong hanay ng mamamayan: magsasaka, manggagawa; karaniwang profesyonal, negosyante. Tulad ng tradisyong ginagad ng GAT o Galian sa Arte at Tula (post-Rio Alma 1993 mula 1989), GAT (1986 mula 1973),1 mga manunulat sa Wikang Pilipino/Tagalog pagkatapos, habang may Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pabalik sa unang hati ng ika-20 dantaon, na inilatag ng Mapaghimagsik (Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, et al), at Propagandista (Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, et al). Gamit ang dalumat ng unang panauhan na personang panghalip na ako (umuugat sa Asyanong tradisyon) ni Alejandro G. Abadilla (AGA), bayani ni Zeus Salazar, at pagsusuring diskursong kritikal, ihaharap dito ang poesiya ng SK na naglalahad sa kontextong hinantungan ng malawak na mamamayang tinulaan. Gayon din, ang personang ‘ako,’ at poetika ng autor na gumalugad sa pag-akdang bayan upang suungin ang responsabilidad na mag-ambag sa ikalulubos ng dangal para sa soberanya ng bansa. Hangarin ng pag-aaral na maisalarawan ang mga katangiang taglay, at kinakatawan ng personang ‘ako’ ni Ka Bay bilang isa sa tagapagpadaloy ng naratibo ng pagbabago sa unang dalawang dekada ng ika-21 dantaon. Bagaman hindi pahambing ang pag-aaral na ito, lumilitaw na ang personang ‘ako’ ni Ka Bay ay may ibang pamantayan sa ako ni AGA.
Polytechnic University of the Philippines
Title: PAGGALUGAD SA ISINAHOL AT PAGBAWI NG DANGAL: ANG PAGLALAKBAY NG PERSONANG ‘AKO’ NI BAYANI S. ABADILLA SA SIGLIWA KAMAO AYON SA ‘AKO’ NI ALEJANDRO G. ABADILLA
Description:
Kaakibat ng advokasi para sa pagbabago ang henera realismong panlipunan sa disiplina ng malikhaing pagsusulat, litaw ito maging sa Sigliwa Kamao (SK), antolohiya ng panulaan ni Bayani S.
Abadilla, may poetikang ‘Wisyo ng masang Pinoy,’ ‘diwang anakpawis o proletaryo.
’ Inilalantad ng panulat ni Bayani, nakasanayan tawaging ‘Ka Bay’ ng mga kaibigan, ang batayang suliranin sa kaayusang panlipunang nagsasalaylayan sa malawak na produktibong hanay ng mamamayan: magsasaka, manggagawa; karaniwang profesyonal, negosyante.
Tulad ng tradisyong ginagad ng GAT o Galian sa Arte at Tula (post-Rio Alma 1993 mula 1989), GAT (1986 mula 1973),1 mga manunulat sa Wikang Pilipino/Tagalog pagkatapos, habang may Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pabalik sa unang hati ng ika-20 dantaon, na inilatag ng Mapaghimagsik (Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, et al), at Propagandista (Jose Rizal, Marcelo H.
del Pilar, et al).
Gamit ang dalumat ng unang panauhan na personang panghalip na ako (umuugat sa Asyanong tradisyon) ni Alejandro G.
Abadilla (AGA), bayani ni Zeus Salazar, at pagsusuring diskursong kritikal, ihaharap dito ang poesiya ng SK na naglalahad sa kontextong hinantungan ng malawak na mamamayang tinulaan.
Gayon din, ang personang ‘ako,’ at poetika ng autor na gumalugad sa pag-akdang bayan upang suungin ang responsabilidad na mag-ambag sa ikalulubos ng dangal para sa soberanya ng bansa.
Hangarin ng pag-aaral na maisalarawan ang mga katangiang taglay, at kinakatawan ng personang ‘ako’ ni Ka Bay bilang isa sa tagapagpadaloy ng naratibo ng pagbabago sa unang dalawang dekada ng ika-21 dantaon.
Bagaman hindi pahambing ang pag-aaral na ito, lumilitaw na ang personang ‘ako’ ni Ka Bay ay may ibang pamantayan sa ako ni AGA.

Related Results

PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
PAGGALUGAD SA MGA ESTRATEHIYA NG MGA GURO SA FILIPINO SA PAGSULAT NG SARILING KATHANG STORYBOOK: ISANG KWALITATIBONG PAG-AARAL
Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay galugarin ang mga estratehiya ng mga guro sa Filipino sa pagsulat ng sariling kathang storybook sa Sangay ng Mati, Davao Orienta...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Angiotensin-(1-7) improves blood pressure and cardiovascular autonomic function in human aging
Angiotensin-(1-7) improves blood pressure and cardiovascular autonomic function in human aging
Background: Aging is the largest independent risk factor for developing hypertension and cardiovascular disease (CVD); however, the molecular mechanisms underlying age-related CVD ...
GW24-e1391 Angiotensin-(1-7) inhibits vascular calcification in rats
GW24-e1391 Angiotensin-(1-7) inhibits vascular calcification in rats
Objectives Angiotensin-(1-7) [Ang-(1-7)] is a new bioactive heptapeptide in the renin-angiotensin system (RAS). It is produced mainly by the activity of angiotens...
Ang-1, Ang-2, and Tie2 are diagnostic biomarkers for Henoch-Schönlein purpura and pediatric-onset systemic lupus erythematous
Ang-1, Ang-2, and Tie2 are diagnostic biomarkers for Henoch-Schönlein purpura and pediatric-onset systemic lupus erythematous
Abstract Henoch-Schönlein purpura (HSP) and pediatric-onset systemic lupus erythematosus (pSLE) are closely associated with vasculitis and vascular diseases. This st...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...

Back to Top