Search engine for discovering works of Art, research articles, and books related to Art and Culture
ShareThis
Javascript must be enabled to continue!

SA HARAP NG MGA ANINO NG KAMATAYAN AT PAGWAWAGI

View through CrossRef
Setyembre ngayong taon, pumanaw si Fredric Jameson, Amerikanong iskolar at makapangyarihang tinig ng Marxistang pagsusuri sa panitikan, kultura, at kasaysayan. Bilang isa sa mga pangunahing intelektuwal-kritiko ng ating panahon, hindi lamang tiningnan ni Jameson ang panitikan bilang mabunyi at kapitapitagang anyo/lunan ng sining—para sa kaniya, isa itong masalimuot na produkto at entablado ng mga puwersang panlipunan at pampulitika. Sa kanyang aklat na Postmodernism, or, the Cultural Logic of Late Capitalism (1991), halimbawa, binatikos niya ang postmodernismo bilang isang yugto ng kulturang hinubog ng huling tungki ng kapitalismo. Kay Jameson, sa ilalim ng postmodernismo, sa udyok ng kapitalismo, binaklas at inalis ang kakayahan ng sining na mag-ukol ng kritikal at lantay na alternatibo—o ng utopyang maaaring pagsilip at pagtupad sa posibilidad ng hihigit/papalit sa kasakuluyan nating realidad. Lagi itong panahon ng kawalang-katiyakan, kung kaya’t lagi rin itong paghamon na lingunin at usisain ang kasaysayan at maghanap ng mga bagong direksyon. Deklarasyon ni Jameson: "Always historicize!"—isang pagbabalik-tanaw at pagsusuri ng bawat anyo ng kultura sa konteksto ng panlipunang istruktura. Sa kanyang paglisan, naiwang nakabitin ang mga tanong: Ano ang hinaharap ng sining sa panahong lumalalim ang kapitalistang panggigipit? Paano natin mababasa ang mundo, kung ang lahat, lagi, ay palatandaan ng isang sistemang tila hindi matatakasan?
Polytechnic University of the Philippines
Title: SA HARAP NG MGA ANINO NG KAMATAYAN AT PAGWAWAGI
Description:
Setyembre ngayong taon, pumanaw si Fredric Jameson, Amerikanong iskolar at makapangyarihang tinig ng Marxistang pagsusuri sa panitikan, kultura, at kasaysayan.
Bilang isa sa mga pangunahing intelektuwal-kritiko ng ating panahon, hindi lamang tiningnan ni Jameson ang panitikan bilang mabunyi at kapitapitagang anyo/lunan ng sining—para sa kaniya, isa itong masalimuot na produkto at entablado ng mga puwersang panlipunan at pampulitika.
Sa kanyang aklat na Postmodernism, or, the Cultural Logic of Late Capitalism (1991), halimbawa, binatikos niya ang postmodernismo bilang isang yugto ng kulturang hinubog ng huling tungki ng kapitalismo.
Kay Jameson, sa ilalim ng postmodernismo, sa udyok ng kapitalismo, binaklas at inalis ang kakayahan ng sining na mag-ukol ng kritikal at lantay na alternatibo—o ng utopyang maaaring pagsilip at pagtupad sa posibilidad ng hihigit/papalit sa kasakuluyan nating realidad.
Lagi itong panahon ng kawalang-katiyakan, kung kaya’t lagi rin itong paghamon na lingunin at usisain ang kasaysayan at maghanap ng mga bagong direksyon.
Deklarasyon ni Jameson: "Always historicize!"—isang pagbabalik-tanaw at pagsusuri ng bawat anyo ng kultura sa konteksto ng panlipunang istruktura.
Sa kanyang paglisan, naiwang nakabitin ang mga tanong: Ano ang hinaharap ng sining sa panahong lumalalim ang kapitalistang panggigipit? Paano natin mababasa ang mundo, kung ang lahat, lagi, ay palatandaan ng isang sistemang tila hindi matatakasan?.

Related Results

Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Kasangkapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon
Ang Kasangakapan sa Pagtatasa sa Karapatan ng mga Katutubo sa Konstitusyon ay tumutulong sa mga gagamit upang pag-aralan ang isang konstitusyon mula sa pananaw ng mga karapatan ng ...
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
PAGBUO AT BALIDASYON NG KAGAMITANG PAMPAGKATUTO SA FILIPINO SA KOLEHIYO
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo, balidasyon at antas ng pagtanggap ng teksbuk, ang Kontekstwalisadong Komunikasyon Sa Filipino bilang sanggunian at lunsaran ng karununga...
BANGKAY NI FORTUN
BANGKAY NI FORTUN
Sa gitna ng mga banta, matapang na nagagawa ni Dr. Raquel Fortun ang pagsisiwalat nang tunay na dahilan ng kamatayan ng mga ilang biktima ng “Giyera Kontra Droga” ni Rodrigo Dutert...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan
The general objective of this study was to analyze First Prize Winners in Short Stories for Children that won in the Palanca Literary Awards from 2001-2010. This research used a de...
Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
Turumba sa Birhen: Pagtatanghal ng Sining, Tradisyon at Turismo ng Pakil, Laguna
Ang kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas ang nagpakilala sa mga sinaunang Pilipino ng mga tradisyon at kultura ng kanluraning mundo. Ang Kristiyanisasyon ng Pilipinas ay hindi mapa...

Back to Top