Javascript must be enabled to continue!
Modelong Eklektiko at Akademikong Pagganap sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Lampayan
View through CrossRef
Abstrak
Layunin: Nilalayon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kahusayan at epekto ng paggamit ng Modelong Eklektiko (Basal Reading at Language Experience Approaches) sa akademikong pagganap sa pagbasa.
Metodolohiya: Gamit ang kwasi-eksperimental na disenyo gamit ang purposive sampling sa pamamaraang lottery, isinagawa ang pananaliksik sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Lampayan sa ikatatlong markahan sa taong panuruan 2024-2025. Gumamit ang mananaliksik ng pauna at panghuling pagsusulit at magkasunod na sarbey upang alamin ang antas ng integrasyon at pagtanggap ng modelong eklektiko bilang paraan sa pagtuturo sa pabasa.
Resulta: Batay sa naging resulta, inilahad ang napakataas na antas ng integrasyon ng modelong eklektiko sa pagtuturo ng pagbasa. Dagdag pa rito, hindi umabot sa ekspektasyon ang antas ng resulta ng paunang pagsuslit sa akademikong pagganap sa pagbasa subalit tumaas ang naging kinalabasan ng panghuling pagsusulit na inilalarawang namumukod matapos ang pagpapatupad ng modelong eklektiko. Kinakitaan ng napakataas na pagtanggap ang paggamit ng modelong eklektiko mula sa mga guro at mag-aaral na nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga iskor sa pauna at panghuling pagsusulit.
Konklusyon: Ang eklektikong modelo ay epektibo sa pagpapabuti ng akademikong pagganap sa pagbasa at maaari itong maging epektibong paraan sa pagtugon sa pangangailan ng mga Frustrated Readers sa Junior High School.
Mga Susing Salita: modelong eklektiko, akademikong pagganap, basal reading approach, language experience approach
ETCOR Educational Research Center Research Consultancy Services
Title: Modelong Eklektiko at Akademikong Pagganap sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Lampayan
Description:
Abstrak
Layunin: Nilalayon ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kahusayan at epekto ng paggamit ng Modelong Eklektiko (Basal Reading at Language Experience Approaches) sa akademikong pagganap sa pagbasa.
Metodolohiya: Gamit ang kwasi-eksperimental na disenyo gamit ang purposive sampling sa pamamaraang lottery, isinagawa ang pananaliksik sa Mataas na Pambansang Paaralan ng Lampayan sa ikatatlong markahan sa taong panuruan 2024-2025.
Gumamit ang mananaliksik ng pauna at panghuling pagsusulit at magkasunod na sarbey upang alamin ang antas ng integrasyon at pagtanggap ng modelong eklektiko bilang paraan sa pagtuturo sa pabasa.
Resulta: Batay sa naging resulta, inilahad ang napakataas na antas ng integrasyon ng modelong eklektiko sa pagtuturo ng pagbasa.
Dagdag pa rito, hindi umabot sa ekspektasyon ang antas ng resulta ng paunang pagsuslit sa akademikong pagganap sa pagbasa subalit tumaas ang naging kinalabasan ng panghuling pagsusulit na inilalarawang namumukod matapos ang pagpapatupad ng modelong eklektiko.
Kinakitaan ng napakataas na pagtanggap ang paggamit ng modelong eklektiko mula sa mga guro at mag-aaral na nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga iskor sa pauna at panghuling pagsusulit.
Konklusyon: Ang eklektikong modelo ay epektibo sa pagpapabuti ng akademikong pagganap sa pagbasa at maaari itong maging epektibong paraan sa pagtugon sa pangangailan ng mga Frustrated Readers sa Junior High School.
Mga Susing Salita: modelong eklektiko, akademikong pagganap, basal reading approach, language experience approach.
Related Results
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
ANTAS NG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG KOMPREHENSYON SA PAGBASA NA MAY KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP: BATAYAN SA PAGLINANG NG KASANAYAN
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang Antas ng Estratehiya sa Pagtuturo ng Komprehensyon sa Pagbasa na may Kaugnayan sa Akademikong Pagganap: Batayan sa Paglinang ng Kasanayan ay na...
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG PAMAMAHAYAG KAUGNAYAN SA AKADEMIKONG PAGGANAP
Ang pangunahing tunguhin ng pananaliksik na ito ay malaman ang estratehiya sa pagtuturo ng pamamahayag kaugnayan sa akademikong pagganap. Ang pag-aaral na ito ay may layuning kilal...
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Mga Kagamitang Pampagtuturo at Antas ng Proseso sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 8
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga kagamitang pampagtuturo at proseso sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 8 ng Camarines Sur National High School, taong panuruan 2024-202...
IMPLUWENSYA NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE AT KALIGIRANG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG UNANG TAON NG BSED FILIPINO NG KCAST
IMPLUWENSYA NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE AT KALIGIRANG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG UNANG TAON NG BSED FILIPINO NG KCAST
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang ugnayan ng impluwensya ng artificial intelligence at kaligirang pampagkatuto sa akademikong perfromans ng mga mag-a...
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
MGA ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL NG TALASALITAAN NG MGA MAG-AARAL NG BATSILYER SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA MAYORYANG FILIPINO: ISANG DESKRIPTIBO-KOMPARATIBONG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang estratehiya sa pag-aaral ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa mayoryang Filipino na nasa unang taon hanggang pang-apat na taon. Ang p...
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Estilo ng Pagkatuto at Antas ng Motibasyon ng mga Mag-aaral na Magtatapos ng Senior High School Sa Distrito ng Sagbayan, Bohol
Ang pag-aaral na ito ay sumasaliksik sa masalimuot na ugnayan sa pagitan ng edad, kasarian, antas ng pang-unawa, at pagganap sa akademiko ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsus...
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Epekto ng Kolaboratibong Pag-aaral at Kasanayan sa Wika sa Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Medyor sa Filipino
Ang pag-aaral na ito ay nagsuri sa ugnayan sa pagitan ng kolaboratibong pag-aaral, kasanayan sa wika at pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa medyor sa Filipino. ang layunin ng ...
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Pagbuo ng mga Kontekstuwalisadong Araling Eksemplar para sa Pagpapahusay ng Pagbasa: Isang CRLA-Based na Pagsusuri ng Kahusayan ng mga Mag-aaral sa Baitang 2
Naglalayon ang pananaliksik na matukoy ang kakayahan sa pagbasa nang malakas ng mga mag-aaral sa Baitang 2 ng Talaibon Elementary School upang makapagbuo ng mga araling eksemplar p...

